Chapter 47 - D-2 Christmas

388 22 1
                                    

{A/N: Oh! December 23 na sa kanila, ahue! Ang lufet!}
-

Third Person's Point of View
Kasalukuyang nag-aayos ngayon si Seokjin ng kanilang Christmas Tree dahil two days na lang ay pasko na, at dahil din hindi niya natuloy 'yung pag-aayos niya ng christmas tree kahapon dahil nilandi siya ni Namjoon.

#NamJinHarteu

"Seokjin, tulungan ka na namin ni Hobi." Sambit sa kanya ni Yoongi,

Since wala namang ginagawa si Yoongi ay gusto niyang tumulong sa pagdedecorate ng bahay para sa pasko. At gano'n na rin si Hoseok.

"Ah, sige. Salamat, Yoongi. Isabit niyo na lang 'tong mga christmas balls sa tree and then after, ipalibot niyo 'yung garlands, okay?"

"Okay. Got it."

Tumango na lang si Seokjin at pumunta sa may pinto, na may dalang towel na basa.

Sinimulan niyang punasan ang pinto gamit 'yung towel. Gusto niya itong punasan bago lagyan ng mga palamuti.

Habang nagdedecorate 'yung tatlo (Suga, Hobi & Jin), gumagawa naman ng graham salad si Namjoon, at graham balls naman ang ginagawa ni Jungkook, sa dining area.

Sobrang kalat na ng lamesa dahil sa mga cream at graham powder na natatapon.

"Linisin niyo 'yan after. Mga walangya kayo!" Saway sa kanila ni Seokjin na ngayo'y naglalagay na ng mga palamuti sa pintuan.

"Okay, hyung." Sagot ng pinakabatang si Jungkook.

Nilagay na ni Jungkook ang mga gawa niyang graham balls sa isang lalagyan at inilagay sa loob ng fridge. Natapos na rin si Namjoon sa ginagawa niyang Graham salad at inilagay na rin ito sa fridge, sa freezer.

"Hyung~" Humahangos ng takbo pababa ng hagdan si Jimin papunta kay Seokjin habang tumatawa.

"Yah~ Park Jimin!" Matatalim na mga tingin ang ibinibigay ni Taehyung habang papalapit kay Jimin na nagtatago pa sa likuran ni Seokjin.

"Ano ba namanㅡeh, kung tumutulong kaya kayo 'no? Para kayong mga bata!"

Umalis na si Jimin sa likuran ni Seokjin at lumapit kay Taehyung, ngunit inirapan lang siya ng bestfriend niya at umalis para umakyat sa taas.

"Yah! Taehyungie~" Sumunod naman si Jimin kay Taehyung paakyat sa kanilang kwarto. Umiling-iling na lang si Seokjin at nagpatuloy sa pagdedecorate.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin sina Seokjin sa pagdedecorate ng bahay para sa pasko.

"Oh, ba't nandito 'yung unan mo sa kama ko?" Hinagis ni Taehyung 'yung unan ni Jimin sa kanya,

Nililinis kasi nila ang kanilang kwarto. Dahil wala lang, naisip lang kasi nila na maglinis dahil ilang araw na nilang hindi nalilinis ang kwarto nila atsaka wala silang magawa. At kasalukuyang inaayos ng dalawa ang kanilang mga kama.

Pagkatapos nilang maglinis ay humiga sila sa kani-kanilang mga kama at humarap sa isa't-isa.

"Taehyungie..."

"Hmm?"

Ngumiti lamang ang nakatatanda habang nakatingin kay Taehyung nang malumanay. Saglit na kumunot ang noo ni Taehyung bago gantihan ng ngiti si Jimin.

Umupo si Seokjin sa sofa dahil napagod at nangalay siya sa paglalagay ng dekorasyon.

"Hyung."

Tumabi sa kanya ang boyfriend niyang si Namjoon at napahikab pa kaya napahikab din si Seokjin.

"Inaantok ako." Sabi ni Namjoon at humiga sa lap ng kanyang boyfriend. Ngumiti na lang si Seokjin at pinaglaruan ang buhok ni Namjoon.

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon