Chapter 57 - Group Hug

285 17 1
                                    

A/N: Kung nagtataka kayo, 'yung Chapter 56 ay naka-fast forward tapos naalala ni Jimin 'yung text ni Jieun kaya naisip niya 'yun ('yung first line niya sa POV niya sa Chapter 56), tinamad kasi akong i-narrate 'yung celebration nila ng New Year kaya ayun huehue
-

Park Jimin's Point of View
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at nagulat ako nang bigla niya na lang akong hinalikan.

Ginantihan ko ang mga halik niya at hiniga ko siya sa kama...at nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.

"Oh shit."

Parehas kaming nahulog sa kama.

Shit. Shit. Shit. Lagot!

"Yung laptop ni Yoongi." Bulong ko.

Shit again. Shit.

"Ba't kasi nandyan 'yan? Nadaganan ko tuloy. Buti na lang hindi nasira."

Kinuha ko 'yung laptop at sinuri kong mabuti. Hala! May gasgas 'yung top cover. Hala paano na? Lagot!

Napatingin kaming pareho sa may pinto dahil may narinig kaming katok.

Bumukas 'yung pinto at iniluwal nito si Yoongi. Shit again.

"Yung laptopㅡay, hawak mo pala Jimin. Pasensya na, dito kasi ako tumambay sa kwarto niyo kanina, nakalimutan ko pala 'tong laptop ko noong lumabas ako."

"O-okay lang."

Kinuha niya mula sa kamay ko 'yung laptop.

"Grabe, may gasgas na pala 'to."

Hala.

Parehas kaming napalunok ni Taehyung dahil sa sinabi ni Yoongi.

"Si Hoseok kasi, laging kinakalmot 'tong top cover kapag kinikilig, hays. Need to buy new laptop."

Ay hala! Need to buy new laptop? Ang yamaaaan.

Pero hindi pala kami ang dahilan kung bakit may gasgas 'yung laptop, si Hoseok pala. Mabuti naman kung gano'n.

"Oh sige, lalabas na 'ko. Ituloy niyo na kung ano man 'yung ginagawa niyo." Tumawa siya bago lumabas ng kwarto.

"Buti na lang! Oh halika, ituloy na natin hihihi."

Binatukan ko siya, "Gago."

"Aray."

Umupo ako sa kama ko at sumandal sa pader.

Napabuntong hininga ako. Iniisip ko pa lang na iiwan ko si Taehyung, naiiyak na 'ko. Hays, ba't ba ganito? Bakit nangyayari sa'kin ang mga 'to?

Pwede namang hindi ako sumama eh. Kaso si Papa, gusto niya 'kong makasama hanggang sa huling hininga niya, at syempre gusto ko rin siyang makita dahil namimiss ko na siya.

Sana nagbibiro lang si Tita, sana walang sakit si Papa.

Simula noong namatay si Mama, nalungkot ang bahay namin noon, hanggang sa dumating sa buhay ni Papa si Tita, ang nanay ni Jieun.

At first, hindi ko sila natanggap, pero kalaunan ay tinanggap ko na sila dahil wala naman akong magagawa.

Hays.

"Anong iniisip mo, Jimin? Share naman~" Tumabi sa'kin ang maganda kong boyfriend,

"Sa pag-alis ko ba, mamimiss mo 'ko?"

"Anong klaseng tanong 'yan, Jimin? Syempre naman mamimiss kita. Ang tagal nating nagkasama tapos iiwan mo 'ko nang gano'n lang? Of course, sobrang mamimiss kita."

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon