Chapter 18 - Problem

633 33 12
                                    

Third Person's Point of View
Ang kabayong si Hoseok ay napadaan sa kwarto ng 95z at nakarinig na lamang siya ng hagulgol mula sa loob.

Napakunot ang noo niya, "Sino yung naiyak?" Isip niya.

Kumatok siya sa pinto ng tatlong beses at binuksan ang pinto. At do'n, nakita niya ang isang Park Jimin na umiiyak sa may gilid.

Not again.

These past few days, palagi nilang naririnig o nakikitang umiiyak si Jimin. Tinatanong nila ito kung anong problema ngunit hindi ito sumasagot, kung sumasagot man ngunit ang lagi niya lang sagot ay "Please, leave me alone."

Hindi na nila alam kung anong gagawin. Hindi nila malaman kung ano nga bang problema ni Jimin, kung ano ang gumugulo sa isip niya.

"Jimin?" Tawag ni Hoseok kay Jimin.

Umiling lang si Jimin, "Please, leave me alone."

Bumuntong hininga na lamang si Hoseok at isinara ang pinto at saka bumaba na sa sala.

Pagkababa niya, sinalubong siya ng isang tanong, "Umiiyak nanaman ba si Jimin?" Tumango lamang siya ng dahan-dahan.

These past few days din, hindi na masyadong kumakain si Jimin. Kung kumakain man, kakaunti nalang, napipilitan pa. Palagi na lamang itong nakakulong sa kwarto, umiiyak or natutulog.

Nagtataka si Hoseok kung bakit pa kailangang magpanggap ni Jimin na si Jungkook ang mahal niya. Si Yoongi naman, kahit na gusto na niyang sabihin ang totoo, hindi rin niya magawa dahil alam niyang magagalit sa kanya si Jimin.

Kung si Jimin, palaging umiiyak, si Taehyung naman ay palaging nakatulala or matamlay.

Hindi na nila malaman kung ano bang nangyayari do'n sa dalawa, kung anong problema nung dalawa.

Kasalukuyang nanunuod sila ng isang nakakatawang palabas. And to be honest, si Jungkook at Eunbin lang ang nanunuod dahil ang iba ay hindi naman naka-focus sa TV.

Si Seokjin, nasa CR, huwag niyo nang tanungin kung anong ginagawa niya dahil hindi ko rin alam. Si Namjoon naman, naglilinis ng kusina. Mabuti't hindi nasisira ang mga gamit do'n, partida siya pa ang Destruction King.

Si Yoongi, as usual, nagsi-soundtrip lang. Si Hoseok naman, nanunuod lang ng anime. Sobrang awkward ng paligid nila. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang palabas at ang mga tawa nina Jungkook at Eunbin.

Maya-maya, napansin nilang bumababa mula sa hagdan si Jimin. Si Jimin naman ay dere-deretso ang punta sa may pinto.

Binuksan niya ang pinto at lumabas. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang magpahangin. Gusto niya munang maglakad-lakad at makapag-isip.

Napabuntong hininga na lamang sina Yoongi at Hoseok. At si Taehyung, walang reaksyon, nakatulala lang.

As what I've said lately, these past few days, palagi na lamang nakatulala or matamlay si Taehyung. Hindi na rin siya kumakain katulad ni Jimin, kung kumakain man, kakaunti lang at napipilitan pa.

Ano bang nangyayari sa dalawang 'yon? Ano bang problema nila? Bakit hindi sila nagsasabi ng problema? Ang daming tanong ang sumasagi sa isipan nina Yoongi at Hoseok.

Sina Yoongi at Hoseok ang pinakamalapit sa dalawang 'yon kaya ganyan na lamang sila mag-alala.

"Guys, ano ba? Ang tahimik naman!" Lumabas mula sa CR si Seokjin nang nagtataka kung bakit hindi maingay. Nasanay na rin kasi ito na maingay ang buong dorm nila lalo't pasimuno ng kaingay ay ang dalawang 95 liner.

Ngunit ngayon, iba. Hanggang ngayon, tulala pa rin si Taehyung habang nakaupo sa sofa at si Jimin ay nasa labas.

"Jungkook, patayin mo muna ang TV." Utos ni Jin kay Jungkook. Gusto niya sanang mamilosopo ngunit masyadong seryoso ang paligid kaya agad niya nalang sinunod ang nakatatanda ang in-off ang TV.

"Guys, please tell me, bakit ang tahimik ni Taehyung? At nasaan si Jimin?" Ngunit ang tanging sagot na natanggap niya ay ang kibit-balikat ni Hoseok na seryosong nanunuod ng anime.

(A/N: Wala akong alam sa anime kaya hindi ko na lalagyan ng specific title)

Napa-facepalm na lamang siya at pumunta sa kusina. Nakita niyang kumakain sa kitchen counter si Namjoon.

"Aba! Nagsosolo ka diyan, ha! Madaya ka!" Kumuha rin siya ng pagkain at nakisali kay Namjoon.

Sa kabilang dako, nakaupo ngayon si Jimin sa isang bench. Nasa park siya.

Ang simoy at hawi ng hangin ang nagsi-sway sa maitim na buhok ni Jimin. Minsan niya na ring naisip na magpakulay ng buhok ngunit masyado siyang tinatamad kaya huwag nalang muna.

Pinagmamasdan niya lang ang mga batang naglalaro, ang mga sasakyang dumaraan, at ang mga couples na naglalapungan sa kung saan-saang parte ng park.

Oo, pati siya ay nabibitter. Dahil buti pa si Jungkook, may lovelife. Sina Yoongi at Hoseok, nagmamahalan. Sina Namjoon at Seokjin, hindi niya alam kung may lovelife pero sa palagay niya'y nagmamahalan din ang dalawang 'yon.

Kailan kaya siya makakaamin? Kailan kaya siya titigil sa pagpapanggap na si Jungkook ang gusto niya? Kailan kaya niya sasabihin na si Taehyung talaga ang mahal niya?

Maya-maya'y may tumabi sakanyang lalaki. Mga nasa edad 40 pataas, ayon sa kalkulasyon niya.

"Hello, hijo! Bakit mag-isa ka dito?" Tanong sakanya nung lalaki.

"Gusto ko lang pong mapag-isa." Sagot niya naman.

Tumango lang yung lalaki, "May problema ka ba, hijo?"

Bumuntong-hininga si Jimin, "Paano po ba malalaman kung may gusto rin sa'yo ang gusto mo?"

"Uhm..hindi ko masasagot 'yan, hijo. May mga tao kasi talagang magaling magtago ng nararamdaman. You have to find out kung may gusto rin ba sa'yo ang taong gusto mo. Sa panahon kasi ngayon, may mga taong nagpapanggap na iba ang gusto nila para hindi sila mahalata."

Parang natamaan siya sa huling pangungusap na sinabi sakanya nung lalaki. Oo, alam niya sa sarili niya na nagpapanggap lang siyang si Jungkook ang gusto niya.

Muli siyang bumuntong-hininga at tumango nalang.

"Oh sige na, hijo, kailangan ko nang umalis. Paalam."

"Sige po."

Ngumiti siya ng kunti at tumango.

Tumayo siya at naglakad ulit. Huminto siya sa tapat ng isang Ice Cream Parlor, kung saan dinala siya dati ni Taehyung.

Napangiti siya at pumasok sa loob. Siguro'y kailangan niya lang mag-relax at magpalamig.

Umorder siya ng isang Chocolate ice cream at isang slice ng Ice cream cake. Naging paborito na niya ang ice cream cake dahil kay Taehyung.

At ngayon, kasalukuyang nakatulala pa rin si Taehyung. Iisa lang ang iniisip niya. Kung bakit kailangang si Jungkook pa ang mahalin ni Jimin at hindi nalang siya.

Kung alam mo lang, Kim Taehyung.

At dahil pabitin si Author, hanggang dito nalang. Sana'y nagustuhan niyo ang seryoso at walang patawang chapter na ito. Maraming salamat sa pagbabasa and Enjoy :)

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon