Chapter 12 - Sick

647 32 10
                                    

Kim Taehyung's Point of View
Asdfghjkl ano bang problema ni Jimin? Kagabi pa 'yon nakahilata sa kama. Hanggang ngayon, ayaw paring bumaba. Ayaw niya raw kasing makita yung girlfriend ni Jungkook, dahil daw baka masabunutan niya lang.

Ay, aba! Grabe siya!

Nagseselos ba siya?

Pwes, nagseselos din ako. Kasi mas gusto niya pa si Jungkook kaysa sa'kin. Masakit lang :3

Nga pala, sina Jungkook at Eunbin, do'n natulog sa kwarto nina Namjoon at Jin-hyung. At yung dalawa naman na may-ari nung kwartong tinulugan nina Jungkook at Eunbin, sa sala natulog. Kawawa naman.

At ako, syempre, na-solo ko kagabi yung kama ni Jungkook. Huehue ang saya, nakatulog ulit ako sa kama.

Pero at the same time, malungkot ako kasi malungkot din si Jimin. Sana man lang, kahit isang araw, sa'kin naman siya tumingin. Hindi yung tingin na tingin talaga, yung titig. Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay ako naman yung mahalin niya.

#AngDrama

Bakit ba ang drama? Aish!

Akala ko ba humor 'to, bakit naging drama? What the hell!

Anyways, nandito kaming lahat sa sala except kay Jimin na hanggang ngayon ay nasa kwarto pa rin. Hays. Hindi ko na alam. Huhuhu

"Hoy, Taehyung!" Nagulat ako sa tumabi sa'kin.

"Ah! Yoongi, nagulat ako sa'yo!"

"Sorry naman. May iniisip ka ba? Ang lalim ng iniisip mo, ha? Share naman diyan!"

Maya-maya, tumabi rin sa'kin si Hoseok.

"Oh, mag-share ka naman ng problema mo!"

Bumuntong hininga ako. "Si Jimin kasi."

"Oh! Anong ginawa sa'yo ni Jimin? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Hoseok at seryoso akong tumango.

"Weh? Saan? Nasa'n ang sugat mo?" Natatarantang tanong pa ni Hoseok.

Tinuro ko ang dibdib ko kung saan naka-locate ang puso ko, "Dito. Nandito ang sugat. Sinaktan niya ang puso ko!"

Nagulat nalang ako nang bigla akong batukan ni Yoongi. Aba!

"Aray naman! Masakit!"

"Kagaguhan mo kasi. Akala namin, kung ano na. Aish!"

Hindi na 'ko sumagot at bumuntong hininga lang.

"Kingina mo, Oppa!"

"Oh bakit?"

Napatingin kami do'n sa magsyota.

"May kasalanan ka pa sa'kin?"

"Huh? Ano? Anong kasalanan ko?"

"Yung minahal mo 'ko. Ayan, lalo tuloy kitang minamahal."

Aba! Ang landi po. WALANG POREBER.

"Che! Walang poreber! Putangina! Tumigil kayo!" Inis na bulyaw ko do'n sa magsyota.

"Go get a room!" Sabat naman ni Jin-hyung.

Tumawa pa si Jungkook bago hilain papunta sa taas si Eunbin na nagbablush pa. Aba! Huta! Maharot. Pabebe si Ate XD

Pero tangina lang, bakit hindi pa rin bumababa si Jimin? Aish! Puntahan ko kaya.

Tumayo ako mula sa Sofa at umakyat sa taas. Napansin nila ako pero alam kong wala naman silang paki. Alam ko namang walang may paki sa'kin eh. Pwe.

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon