Chapter 55 - Pillow Fight

404 16 7
                                    

Jung Hoseok's Point of View
"Hoy, gisingin mo na nga 'yang lalaking 'yan. Hindi na yata humihinga 'yan."

"Grabe ka naman, hyung. Syempre, humihinga pa 'yan. Grabe ka kay Yoongi." Nagpout pa 'ko.

"Tigilan mo nga 'yang pagpout mo, mukha kang pato." Dahil do'n, naglaho ang pagpout ko.

Mukha na nga 'kong kabayo, tapos mukha pa 'kong pato. Ano 'yun, hybrid? Anong klaseng hybrid 'yun? Pfft. Joke lang, ahue.

"Baka naman nanuod lang 'yan ng porn kagabi." Pagsabat naman ni Taehyung na naka-piggyback pa kay Jimin. Tss.

"Hindi ako nanunuod ng porn." Nabigla ako nang magsalita si Yoongi. Kanina pa pala 'to gising, hindi pa bumabangon. Nako!

"Teka nga, bakit ba kayo nandito sa kwarto namin, aber?" Nakapameywang na tanong ko habang naka-upo sa kama.

"Balak sana namin kayong hintayin para sabay-sabay na tayong kumain ng breakfast." Sagot naman ni Namjoon. Ahh.

"Hoy! Min Yoongi, bumangon ka na d'yan kung tapos ka na matulog. Aba! Alas otso na, oy." Tinanggal pa ni Jin hyung 'yung kumot na nakabalot sa katawan ni Yoongi.

"Oo na, eto na." Pinadaan niya ang palad niya sa mukha niya saka bumangon na't umupo sa kama.

"Ayan, babangon ka naman pala, hyung eh." Sabi naman ni Jungkook habang kumakain pa ng carrot. Teka, ba't namamapak ng carrot 'to?

"Jungkook, ibalik mo nga 'yang carrot sa kusina. Kaya nauubos ang mga carrots do'n eh, kinakain mo." Saway sa kanya ni Jin hyung.

"Ba't ba? Ang sarap kaya." Nirolyo niya pa ang mga mata niya at nagpatuloy lang sa pagkain ng carrot.

Umiling-iling pa si Jin hyung, "Kapag ikaw naging carrot dyan, bahala ka sa buhay mo, Jungkook."

"Edi wow na lang, hyung."

"Teka, bakit naman siya magiging carrot? Ano 'yun, magic? Nababalot na ba ng magic 'tong mundo natin?" Sambit ko habang natatawa. Bakit naman siya magiging carrot?

"I mean kulay kahel, hindi carrot. Sorry naman." Tapos nag-peace sign pa si Jin hyung.

"Hoy! Halina kayo, bumaba na tayo." Buntong hiningang sabi ni Namjoon.

"Yah! Yoongi, halika na."

Bumuntong hininga siya saka tumayo mula sa kama.

Sabay-sabay kaming pitong bumaba papunta sa hapag-kainan. Si Taehyung, ayon, naka-piggy back pa rin kay Jimin. Tapos itong si Jungkook ay tinutulak-tulak pa si Jimin.

"Hoy! Kapag nahulog kaming dalawa, bubugbugin kita. Namo ka, Jungkook!" Sabi ni Taehyung at tinawanan lang siya ni Jungkook na hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubos 'yung pinapapak na carrot.

"Uulamin mo ba 'yang hilaw na carrot na 'yan?" Tanong ko kay maknae.

"Oo, ang sarap kasi."

"Tss. Sige, bahala ka na sa buhay mo. Malaki ka na." Sabi ko sa kanya at umiling-iling pa.

"Oo, pati ilong niya, malaki." Halos sabay na sambit nina Jimin at Taehyung. Tumawa na lang ako.

Hindi na sumagot si Jungkook at nirolyo niya na lang ang kanyang mga mata saka nangunang umupo sa pwesto niya.

"Ang bagal niyo." Kaagad siyang kumuha ng kanin. Napa-tsk na lang si Jin hyung habang umiiling-iling.

"Guys, sinong gustong sumama sa'min? Maggo-grocery kami para sa bagong taon mamaya." Biglang sabi ni Seokjin hyung habang kumakain kami.

"Gusto kong sumama." Sagot ni Jungkook habang nakataas pa ang kanang kamay na may hawak na tinidor.

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon