Chapter 45 - Happy

417 18 11
                                    

Kim Taehyung's Point of View
"Guys!" Hinila ko sina Hoseok at Jin hyung. Medyo lumayo kami kina Jimin para hindi nila marinig 'yung pag-uusapan namin.

"What?" -Jin hyung,

"So, what's the plan?" -Hoseok,

"May naisip ako. Bakit hindi natin gawin 'yung surprise sa garden natin? Maayos naman na idea 'yun ha!" Suggestion ko.

Oo, may garden kami, hindi lang halata. Nabasag pa nga nina Jimin at Jungkook dati 'yung favorite vase ni Jin hyung eh.

{A/N: Remember, sa chapter 1? xD}

"Ang cheap! Bakit sa garden lang?" Reklamo ni Hoseok at nagcross-arms pa.

"Saan gusto niyo, sa restaurant, ganern? Ang common na, atsaka hindi ko afford." Sabi ko at tumawa ng konti.

"What the hell!" Halos sabay nilang sabi. Grabe!

"Mas maganda siguro kung magbigay kayo ng suggestions 'no? Nang hindi ako nahihirapang mag-isip dito tapos mag-cocomplain kayo. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" Sabi ko sa kanila at nirolyo ko ang mga mata ko.

"Alam ko na! Do'n sa coffee shop na pinagtrabahuan ko dati, pwede do'n. Itatry kong kausapin 'yung manager kung papayag." Suggestion ni Jin hyung.

Hmm..

"Pwede rin, hyung. Magandang idea 'yan!"

"O kaya..uhm, eh kung do'n na lang mismo sa loob ng apartment. Atleast nakakatipid tayo." Suggestion naman ni Hoseok,

"Pwede rin. Do'n sa apartment or coffee shop?" Tanong ko,

"Ikaw ang bahala, suggestion lang naman namin 'yun."

Tumango ako ng saglit, "Jin hyung, try mong kausapin 'yung manager ng coffee shop. Pero kung hindi papayag, dito na lang sa apartment natin gawin 'yung surprise."

Tumango-tango si Jin hyung, "Sige, sige."

"Kailan ba natin gagawin 'yung surprise?" Tanong ni Hoseok,

"Uhm..saㅡ"

"Hey guys! Ano bang ginagawa niyo dyan? Halina kayo rito!" Pa-epal lang, Yoongi? Tss.

Si Namjoon, hingal na hingal. Galing kasi sa parking lot, nilagay 'yung pinamili namin para hindi kami mahirapan.

Sumunod na lang kami kina Yoongi. Naglalakad lang kami rito sa Mall. Sumasakit na nga ako mga paa ko.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko, "Ang sakit na ng paa ko."

Gusto kong itapon 'yung rubber shoes na suot ko. Magkakapaltos yata ako sa sakit ng paa ko. Medyo maliit na kasi para sa paa ko 'tong rubber shoes kaya medyo masakit na sa paa kapag sinuot. Hayst. Sorry, wala nang budget, pinambili ko na ng regalo.

Aba! Syempre, uunahin ko sila bago ang sarili ko. Hindi naman kasi ako makasarili 'no.

"Gusto ko sa arcade." Sabi ni Jungkook habang nagtatatalon pa. Parang bata.

"Hindi. Mag-sine na lang tayo." Sabi ko kaya napatigil sa pagtalon si Jungkook at nagpout. Nako! Kung hindi lang siya cute, sinapak ko na siya.

"Ang mahal ng ticket, Taehyung. Nuh ba! Mag-arcade na lang tayo." Sabi ni Seokjin hyung habang naka-akbay sa kanya si Namjoon. Luh?

"Eh~ ayoko sa arcade!" Ayoko do'n, okay? Ayoko do'n!

"Eh~ gusto ko sa arcade."

"Tara, sa arcade tayo."

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon