Chapter 2 - Alone

1.2K 56 23
                                    

Kim Taehyung's Point of View
The sunlight flashed through my eyes.

What the?

Bigla nalang ako napabangon. Sinong tarantado ang nagbukas ng bintana? Bwiset! Kahit na sa sahig ako nakahiga, tamang-tama sa mata ko yung sinag ng araw. Aish!

Napansin kong ako nalang pala ang nandito sa kwarto. Iniwan nanaman nila ako. Palagi naman. Sige, okay lang. Sanay na 'ko :3

Maya-maya, nagbukas ang pinto at iniluwal nito si Jimin. "Hey, Taehyung! Good morning!" Ngumiti siya at pumasok sa loob ko--este dito sa loob ng kwarto.

Tumayo ako at niligpit na yung hinigaan ko. Napansin kong may kinuha siya sa ilalim ng unan niya. Ano naman kaya 'yon?

"Ano yung kinuha mo?" Kunot-noong tanong ko. Na-cucurious ako.

"Wala. Bumaba ka na." Sabi niya at lumabas ng kwarto. Napa-pout ako. Ang daya! Siguro, isa nanaman 'yon sa ireregalo niya kay Jungkook. Aish!

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa sala at..nakitang kumakain na sila. Aba! Mga walanghiya. Hindi man lang hinintay? Ang dadaya talaga nila :3

"Bakit hindi niyo 'ko hinintay?" Pagta-tantrums ko. Okay, ako na isip-bata :3

"Huwag kang isip-bata diyan, V ! Umayos ka!"

Ayan nanaman yung tawag niya sa'kin. Hindi talaga ako sanay kapag tinatawag ako ni Jimin na V.

Nirolyo ko lang ang mga mata ko.

Umupo na ako sa pwesto ko. At simulang kumain ng hangin, pfft. Joke. Syempre, kumuha muna ako ng pagkain bago kumain.

Bakit hindi ako nagmumog? Wala lang, eh sa ayaw ko. Bakit ba, paki niyo? Hindi naman kayo ako so shut up nalang XD

~

Eto ako ngayon, may napaka-awkward na atmosphere kasama ang bestfriend kong si Jimin. Kami lang ang nandito sa dorm. Umalis kasi ang iba.

"Hey, aalis lang kami ni Namjoon, ha. Mag-gogrocery lang kami. Paubos na kasi yung mga stocks natin." Saad ni Seokjin-hyung.

"Okay." Sabi ko lang.

"Ay, kailangan ko ring umalis kaso wala akong kasama." Jungkook pouted. Cute.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ko.

"Sa bahay nung girlfriend ko. Bibisitahin ko yung Nanay niya, may sakit kasi."

Napatingin ako kay Jimin. Napansin kong umirap siya. Pfft, nabibitter siya kasi may girlfriend si Jungkook.

"Kami nalang sasama sa'yo, Kookie." Nag-grin pa si Yoongi. Tumingin naman sa'kin si Hoseok at kinindatan ako.

Huh? Anong ibig sabihin no'n?

Tapos lahat sila ay umalis na. Iniwan kami ni Jimin dito sa dorm.

Oh!

So, ang ibig sabihin nung pagkindat ni Hoseok sa'kin ay para raw ma-solo ko si Jimin. Gano'n ba? Ay, enebe!

(A/N: Landi ni Taehyung, tangina!)

At eto kami ngayon, awkward na awkward ang atmosphere. Para kaming strangers na na-trap nang magkasama sa isang island sa sobrang awkward namin.

Maya-maya, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Napakunot ang noo ko at kinuha ang cellphone ko. May nagtext.

From: Hobi [Received 5:38 pm]
Hey, ikaw nang bahala kay Jimin hahaha. Okay yan, para masolo mo siya XD Nandito pa kami sa bahay ng girlfriend ni Jungkook. Baka bukas na kami maka-uwi. Ingat :)

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon