Chapter 26 - Left Out

533 31 3
                                    

Park Jimin's Point of View
"Jiminnie-hyung, wake up!"

Aish! Istorbo naman. Natutulog pa 'ko eh. Napuyat ako kasi mga madaling-araw ko na naayos yung aircon, pag-gising ko nga ng mga ala-una ng madaling araw, nakita kong nakayakap si Jungkook sa'kin kaya nagulat ako, buti na nga lang ay hindi siya nagising.

Minulat ko at kinusot ang aking magagandang mga mata, "Good morning, Jungkook!"

"Good morning, Hyung. Hala! Ang cute mo pala." Hindi ko mapigilang magblush dahil sa sinabi niya.

"Aye~ bolero ka na ngayon, Kookie?"

"No. I'm telling the truth. You're really cute!" Ngumiti pa siya.

Nawi-weirduhan na 'ko kay Jungkook, pramis! Simula kahapon, he's always complimenting me. Ano kayang meron?

Bumangon na 'ko at inayos ang aking kama. Sabay na kaming bumaba ni Jungkook pababa sa sala.

"Good morning, guys!" Masayang bati ko at dumeretsong kusina para maghilamos at magmumog.

Pagbalik ko sa sala ay umupo agad ako sa Sofa, sa tabi ni Jungkook.

Napatingin ako kay Jungkook at kiniliti ang baba niya, kagaya ng ginagawa sa'kin ni Taehyung.

"Ang cute mo, Jungkookie! Waaaaah!"

Tinabig niya ang kamay ko, "Ano ba, Hyung!"

"Aish!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatingin kay Taehyung na kasalukuyang nakapatong ang ulo sa balikat ni Hoseok. Habang si Hoseok naman ay nakayakap kay Yoongi.

Sila na'ng may lovelife. WALA NAMANG POREBER :3

Napa-pout ako at pumunta ulit sa kusina. Nadaanan ko pa sa dining area sina Jin-hyung at Namjoon na kumakain. Sige, makikikain na rin ako, nagugutom ako eh.

Kumuha ako ng makakain at nakisalo sa kanila.

"Oh! Jimin!"

"Hi, Hyung! Hi, Namjoon!"

Hindi ko na sila masyadong pinansin at kumain nalang. Ikakain ko nalang 'to. Pwe. Nabibitter pa rin ako, WALA TALAGANG POREBER.

"Ang boring naman!" Rinig kong sabi ni Yoongi na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin sa balikat niya ang ulo ni Hoseok.

"Tara! Punta tayo sa court, baka may liga hehehe nuod tayo." Saad ni Hoseok at inalis yung ulo ni Taehyung sa balikat niya.

Si Taehyung naman, nagse-cellphone lang. Mukhang may ka-text yata, nagtatype eh.

Nang matapos akong kumain ay inilagay ko na sa kusina ang pinagkainan ko. Sina Jin-hyung at Namjoon, kumakain pa rin. Ano ba 'yan, kain ng kain!

Bumalik ako sa sofa at tumabi ulit kay Jungkook.

Sina Yoongi at Hoseok, lumabas ng apartment. Pupunta siguro ng court para manuod ng liga.

Tapos nang kumain sina Namjoon at Jin-hyung. Pagkatapos nilang ilagay yung mga pinagkainin nila sa kusina, lumabas din sila ng apartment.

Naiwan kaming tatlo dito? What the hell! :3

"Jungkookie!"

Napaharap siya sa'kin, "Hmm?"

"I love you."

Nginitian niya 'ko, "I love you, too Hyung!"

Bakit gano'n? Ang dali lang para sa'kin na sabihing mahal ko si Jungkook, pero kapag kay Taehyung, hirap na hirap akong sabihin sakanya. Bakit gano'n? Hays.

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon