Chapter 23 - Aircon

551 34 15
                                    

Kim Taehyung's Point of View
"Oh! Bakit? May problema ba tayo d'yan?"

Aba! Siraulo pala 'tong si Jin-hyung :3

"Malamang, Hyung. Wala naman akong kasalanan, tapos bibigyan mo 'ko ng parusa! Aba, hindi makatarungan 'yon." Nagpout ako habang sinasabunan yung mga baso.

"Anong wala kang kasalanan? Nagsumbong sa'kin si Jungkook, muntik na raw masira yung aircon."

"Jusko naman, Hyung~ muntik lang eh! Atsaka si Jimin ang may kasalanan." Reklamo ko.

"Huwag mong idamay si Jimin!" Mariing sambit niya at sinamaan ako ng tingin.

"Kim Taehyung, kailangan bang sa lahat ng kasalanan mo, sisisihin mo si Jimin? Kailangan bang idamay pa siya? Walang alam yung tao, bakit mo sisisihin? Ha, bakit ganyan ang ugali mo? Baguhin mo 'yan, Taehyung, ha! Ayokong naninisi ka ng iba sa gawang hindi naman nila kasalanan."

Napa-pout ako. Hindi ko alam isasagot.

"Taehyung, sumagot ka!"

"Hyung, naghuhugas ako!"

"Hindi pwedeng magsalita habang naghuhugas?"

"Baka matalsikan ng laway."

"Taehyung, naghuhugas ka, hindi nagluluto. Kaya sumagot ka! Tama ba 'yon?"

Hindi ako sumagot. Sht. Ayoko talagang pinapagalitan.

"KIM TAEHYUNG!"

"ANO BA! Kasalanan naman talaga ni Jimin eh. Kung hindi niya 'ko hinaharut-harot habang ino-off yung aircon, atsaka muntik lang naman eh."

"Muntik? Paano kung natuluyan? And for your information, noong nasa taas ka kanina, nandito sa baba si Jimin. So, ano 'yang sinasabi mo? Gumagawa ka ng story, Taehyung? Kailan ka pa naging sinungaling? Kung hindi lang dahil kay Jungkook, hindi ko pa malalaman."

Ang daldal talaga ng ilong no'n.

"Pero Hyung naman, bakit mo pa pinoproblema, eh muntik nga lang naman."

"Oh sige, sabihin na nating muntik lang. Pero nag-observe ako kanina at biglang natanggal yung grill. Iyon ba ang muntik?"

Holy sht. Wala akong ligtas.

"Hyung, sorry na!"

"Lumabas ka!"

"Huh? Bakit?"

"LUMABAS KA! IWANAN MO YUNG HUGASIN. AT 'WAG MONG ISASAMA SI JIMIN. ALAM KONG INSEPERABLE KAYO PERO PLEASE, KAHIT NGAYON LANG, 'WAG MO S'YANG ISAMA!"

Fine.

Naghugas ako ng kamay at padabog na lumabas ng kusina.

Park Jimin's Point of View
"Taehyung, 'wag mo 'kong dinadabugan!"

Hala! Bakit pinapagalitan ni Jin-hyung si Taehyung? Anong kasalanan niya?

"Tae--"

"JIMIN, 'WAG MONG LALAPITAN AT SUSUNDAN SI TAEHYUNG."

Lumabas ng apartment si Taehyung. Bumuntong-hininga ako.

"HUWAG KANG BABALIK DITO!" Sigaw pa ni Jin-hyung bago pumuntang kusina.

Hala! Bakit?

"Guys, bakit?"

Napatingin sa'kin si Jungkook, "Kasalanan ko. Sinumbong ko kasi si Taehyungie-hyung eh. Sinabi ko na muntik na niyang masira yung aircon sa kwarto niyo. Nag-observe do'n si Jin-hyung kanina at natanggal yung grill."

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon