Chapter 43 - Accomplished?

433 16 7
                                    

Kim Taehyung's Point of View
"ANO? KAYO NA?" Sabay-sabay na reaksyon namin.

Kinginang 'yan! Kami na lang ni Jimin ang walang lovelife. Jusko! Lahat na lang ng tao, may lovelife. Che! Walang poreber! :3

"Kailan pa? Kingina! Bakit hindi kami na-inform? Grabe naman kayo!" O.A. na sabi ni Hoseok. Tss.

"Kani-kanina lang. Buti nga't umalis kayo kanina eh, atleast nakuha ko 'yung opportunity na mag-confess kay Jin."

"Hoy, nasaan 'yung 'hyung'?"

"Ay sorry, Jin hyung!"

Hindi ko alam kung kikiligin ako or what. Kinikilig ako sa kanila pero nabibitter ako, parang kina Yoongi at Hoseok lang. Lintik!

"Oh well, congrats!" Sabi pa ni Yoongi at tumawa naman sa tabi niya si Hoseok.

Biglang napatingin sa'kin si Hoseok na nakangisi, ang creepy! "Eh kayo? Kailan?"

Teka. Kailan nga ba magiging kami? Ang pabebe kasi ni Jimin eh. Ang tagal! Kapag ako nabwiset, ako ang manliligaw sa kanya. Dejoke, hindi ako marunong!

Ang tagal kasi. Ayan tuloy, hanggang ngayon ay magbestfriends pa rin kami. Aray ko bh3, masaquette! xD

"Hindi ko alam." 'Yan na lang ang tangi kong nasagot kay Hoseok.

Tumawa siya ng bahagya, "Ang tagal naman! Pabebe ka kasi eh. Tsk."

Ako pa talaga pabebe? Enebe! Siya nga 'tong hindi pa nanliligaw eh. Ako ang manliligaw sa kanya kapag ako nainis. Hahaha joke xD

"Hindi ako pabebe." At tinawanan lang ako ni Hoseok. Tss.

"Anyway guys, may ni-bake akong cookies. Come on, let's eat." Anyaya sa'min ni Jin hyung.

"Hala! Bakit mo niluto si Jungkook?" Napatingin kami kay Eunbin na may weird look, at nakapoker face naman sa kanya si Jungkook.

Bigla na lang akong natawa. Una, dahil sa sinabi ni Eunbin. At pangalawa, dahil sa itsura ni Jungkook habang nakatingin sa girlfriend niya. Girl, you gotta run run run~ xD

Pumunta kami sa may dining area dahil nandun 'yung cookies na ginawa ni Jin hyung.

Shet. Ang bango!

"Hyung, pwede na kumuha?" Tanong ni Jimin kay Jin hyung.

"Oo, pwede na. Kumain na kayo."

Yey.

Nakaakbay pa si Namjoon kay Jin hyung habang kumukuha sila ng cookies. My ghash! Kailangang mag-PDA habang kumukuha ng pagkain?

Para akong tangang napa-pokerface dito sa may gilid. Hindi ako bitter, okay? Hindi talaga :3

Nagulat ako nang kalabitin ako ni Jimin.

"Kagulat ka, oy!"

"Sorry." Nag-peace sign pa siya sa harapan ko. Aish! Bakit ang cute niya? ^^

"Ano bang kailangan mo?"

Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaan niyang paghalik sa pisngi ko. Howemji! hindi ako na-inform do'n!

"Tangina!"

Tumawa lang siya at nginitian akong muli. Hala! Anong meron? Nababaliw na ba siya? Pero ang cute niya pa rin! ^^

Kinunot ko ang noo ko at tinignan siya nang nagtataka. Nakangiti lang siya sa'kin. It looks creepy, but he's still cute huehue xD

Bigla na lang akong tumawa kasi bigla siyang nag-aegyo sa harapan ko. Hindi ko na napigilan 'yung feels ko at kinurot siya sa pisngi.

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon