Chapter 30 - Letters

523 28 2
                                    

A/N: Happy 2k Reads! Huehue ang saya! Marami palang nagbabasa nito? Hihihi thank you very much guys, I really appreaciate it! Anong gusto niyong reward? Hahaha dejoke lang XD
Ge, continue reading! :)
-

Park Jimin's Point of View
Isa nanamang napakalaking himala ang nangyari. Ang aga ko nanamang nagising. Wow! So amazing. Very amazing. Amazing talaga huehue

Sinulyap ko ang kama ni Taehyung at nando'n siya, natutulog pa rin. Ang cute niyang matulog, mukha siyang anghel. Teka, sinabi ko ba talaga 'yon? Joke lang 'yon, alien pala siya XD

Anyways, maliligo na nga ako para hindi na 'ko maliligo mamaya huehue

Tumayo ako mula sa kama at dumeretso sa cabinet ko para kumuha sana ng damit ko panligo. Pero pagbukas ko, isang papel ang bumungad sa akin.

Binuklat ko ito at nagulat nalang ako sa nakasulat.

My dearest Jiminnie,

Alam mo man o hindi ang totoong nararamdaman ko sayo, gusto ko pa rin sabihin sayo ito.

Park Jimin, mahal na mahal kita. Hindi ko man sabihin nang harapan sayo, pero pinaparamdaman ko yun palagi sayo, hindi mo lang talaga napapansin. Manhid ka ba or sadyang slow ka lang talaga? Akala ko, ako lang ang slow, ikaw din pala. Hays.

Nabasa ko yung papel na sinulatan mo ng confession mo sakin. Itong papel na 'to, sinadya ko talaga na ilagay 'to sa drawer ng cabinet mo para kapag binuksan mo ang drawer mo, itong papel na 'to ang bubungad sayo.

Park Jimin, alam kong mahal na mahal mo rin ako. Alam kong nagpapanggap ka lang na mahal mo si Jungkook. Ang pinagtataka ko, bakit kailangan mo pang magpanggap? I will clap for you dahil ang galing mong magpanggap at hindi ko nahalata. Ang galing mo!

Bakit ba hindi mo nalang aminin na ako talaga ang mahal mo at hindi si Jungkook? Bakit hindi mo nalang sabihin na ako naman talaga ang mahal mo? Bakit hindi mo aminin sa sarili mo na ako naman talaga ang mahal mo.

Teka, bakit ba paulit-ulit ako? Tangina mo kasi! Aminin mo na kasi, naghihintay ako. Tangina ka! Mahal kitang gago ka! At alam na alam kong mahal mo rin ako.

Truly yours,
Taehyungie ♡

Gusto kong matawa do'n sa pinakahuling paragraph dahil kingina, murahin daw ba 'ko? Pero hindi ko alam kung anong reaksyon ko ngayon. Naiiyak ako pero hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa o dahil natatawa ako. Hindi ko talaga alam.

Kumuha na 'ko ng damit sa drawer ko at ibinalik yung papel sa loob na parang walang nangyari, na parang hindi ko iyon pinakielaman.

Bubuksan ko pa lang yung pinto nang magsalita siya.

"Good morning, Jiminnie! Ang aga mong nagising."

Napalunok ako, "Uh..g-good morning, Taehyungie!"

"Maliligo ka?" Hindi ba halata?

"Uh..oo. H-hindi ba halata? Hehehe sige, bababa na 'ko!"

Matapos ay tumakbo ako pababa ng sala at nagulat ako nang makita sina Yoongi at Hoseok na nakaupo sa Sofa habang nanunuod ng TV.

Mas maaga pa pala silang nagising kaysa sa'kin?

"Oh! Ang aga mo namang nagising, Jimin." Pambungad ni Yoongi sa'kin.

"Ah! Oo nga eh, himala hehehe. Sige, maliligo lang ako." Sabi ko sabay takbo papuntang CR.

Kim Taehyung's Point of View
Kung nakakuha na siya ng damit sa drawer niya, ibig sabihin ay nakita niya yung papel. Malamang ay nabasa niya 'yon kaya gano'n siya umakto nang nakitang gising ako.

Bigla na lang akong napa-lunok at napakagat sa ibabang labi ko. Horishit! Hindi naman siguro kami magiging awkward mamaya, 'diba? Sabihin niyong hindi :3

Bumangon na 'ko at tumayo mula sa kama at saka inayos ito. Bumaba na 'ko sa sala. Nakita ko sina Yoongi at Hoseok na nakaupo sa Sofa kaya lumapit ako kaagad do'n kahit hindi pa 'ko nakakapaghilamos at mumog.

Ilang sandali pa ay may biglang lumabas sa CR, at 'yon ay si Jimin.

Nginitian niya lang ako saka dumeretso siya sa may salamin para magsuklay. Psh, ang gwapo niya talaga!

Tumayo ako mula sa Sofa at pumuntang kusina para maghilamos at magmumog.

Pagkatapos kong gawin 'yon ay bumalik na 'ko sa Sofa.

"Hindi pa ba gising sina Jin-hyung?" Tanong ko sakanila.

"Hindi pa. Mukhang ang sarap ng tulog eh." Sagot naman ni Hoseok.

"Ako nga, inaantok pa eh. Gusto ko pa sanang matulog kaso pinilit akong pabangunin ni Hoseok. Hays." Sabat ni Yoongi.

"Palagi ka namang inaantok." Sabi sakanya ng boyfriend niyang si Hoseok at saka umirap.

Kapag ako talaga'y hindi nakapagtiis, hihilain ko si Jimin palabas at magcoconfess ako sakanya. Kahit alam kong alam na niya, kahit alam kong alam ko na rin, gusto ko pa ring magconfess sakanya ng harapan. Yung tipong face to face kaso ang hirap gawin kaso nangingibabaw ang hiya. Hays.

"Oo nga. Pwede ba, kahit isang araw lang, pigilan mo 'yang antok mo." Sabat pa ni Jimin at umupo sa kabilang corner ng Sofa.

"Nagpipigil naman ako ng antok, ha. Bakit ba kayo ganyan sa'kin? Nakakasakit na kayo, ha!" Medyo banas na sabi ni Yoongi. Medyo nga lang ba?

"Relax, Yoongi. Don't tampo na, me is here for you babe."

What kind of grammar is that? Na-nosebleed yata ako dahil kay Hoseok. Shit.

"Jusme, Hoseok! Umiyak yata ilong ko dahil sa english mo." Sabi ko habang nakatakip ng ilong.

"Sorry na. Huehue."

Nirolyo ko lang ang mga mata ko.

Nagkatinginan kami ni Jimin. Nginitian ko siya ng malapad pero sinagot niya lang ako ng isang maliit na ngiti at saka umiwas na siya kaagad ng tingin.

Sana lang hindi talaga kami maging awkward mamaya. Kundi, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi kami maging awkward sa isa't-isa. Hays.
-

A/N: Sorry po dahil short UD lang, sabaw pa huhuhu. Sorry din sa mahabang paghihintay, busy lang po huehue. Sorry po talaga! :3

Hope you enjoyed this chapter kahit na sabaw 'to. Thanks for reading! :)

~Daeni

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon