Chapter 59 - Horror House & Bump Cars

308 17 16
                                    

Kim Taehyung's Point of View
"Sir, ilan po kayo?"

"Pito."

Huhuhu. Ang horror house ang pinakaayaw kong lugar sa Amusement Park. Nakakatakot kasi. Although alam kong umaacting lang 'yung mga artista sa loob, pero ang realistic kasi ng mga make-up nila kaya mas lalong nakakatakot. Hays, ayokong pumasok sa loob.

Well, parehas kami ni Hoseok na ang horror house ang pinaayaw naming lugar sa Amusement Park. Paulit-ulit ako, pero sobrang nakakatakot talaga sa horror house. Ayokong pumasok sa loob.

"Okay na po, pwede na po kayong pumasok sa loob."

Halaaaa.

Bigla akong may naramdamang mga kamay na humawak sa baywang ko, at alam ko na kung sino 'yun kahit hindi ako lumingon sa kanya.

"It's okay, I'm here."

"I swear Park Jimin, kapag binitawan mo 'ko, hindi kita papansinin."

"Edi 'wag."

Noong nakaraan kasi na pumunta kami rito sa Amusement Park,, dinala ako ni Jimin dito sa Horror House. Tapos bigla ba naman akong iniwan sa loob. Kaya noong nakalabas ako, halos namula ako sa takot at iyak ako ng iyak. Iwanan niya 'ko ulit sa loob, sasapakin ko na talaga siya. Aish!

Pumasok na kaming pito sa loob at biglang sumigaw si Hoseok kaya mas lalo akong natatakot.

Huhuhu.

"Huwag kang maingay, Hoseok, please lang." Boses 'yun ni Yoongi.

Medyo madilim kasi rito sa loob. Maliliit lang na bumbilya ang nagbibigay ng liwanag sa lugar kaya medyo mahirap makakita. At dahil do'n, mas lalo akong natatakot, shez.

"Jimin, 'wag mo 'kong bitawan."

"I won't."

Tinanggal niya ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak sa baywang ko at hinawakan ang kamay ko nang sobrang higpit.

Bumuntong hininga naman ako. Ang akala ko ay bibitawan niya 'ko.

"Ay, tangina!" May zombie kasi na humawak sa'kin kaya naitulak ko 'yung zombie nang sobrang lakas at napamura.

"Ano? You wanna fight me?" Rinig kong sigaw ni Jungkook. Hindi ko naiwasang mapatawa.

"Ano ba! Paking teyp naman oh." May Frankenstein naman na nanggulat sa'kin kaya napamura ulit ako.

"Waaaaah! AYOKO NA RITO!" Sigaw naman ni Hoseok at nakita kong napakapit siya sa braso ni Yoongi. Yieee~

"Ay shit." Napamura bigla si Jimin. Napatingin ako sa kanya. May white lady sa tabi niya.

Aba!

"Excuse me? He's mine!" Hinila ko si Jimin palapit sa'kin.

"Hindi ko siya inaagaw!"

Ay, sumagot. Hala!

Hinila ko na siya kasi ang layo na nina Hoseok. Hala, hala!

Ang daming monster na nanggugulat kaya mura na lang ako ng mura, naririnig ko rin 'yung mga mura ni Hoseok. Sobrang lakas kasi ng boses, WTF.

At sa wakas, nakalabas na kami. Hays.

"Teka, bibili lang ako ng tubig." Sabi ni Namjoon at biglang umalis.

"Tangina no'ng zombie. Bwiset 'yun!"

"Okay na, Hobi. Nakalabas na tayo oh."

"Nakakainis kasi 'yung zombie eh!"

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon