Chapter 46 - Selecta Ice Cream

444 22 1
                                    

A/N: Fastforward po. December 22 na sa kanila. Late nga 'diba? Wow, ang lufet xD
-

Park Jimin's Point of View
"Tangㅡ ba't ang kalat dito?"

Grabe! Bumungad sa'kin 'yung mga kalat. May balat ng candies at mga piraso ng gift wrappers. Ano ba naman 'yan!

"May basurahan naman, ang lapit-lapit eh. Nasa kusina lang." Banas na sabi ko habang bumababa ng hagdan.

"Sorry na, Jiminnie! Mamaya ko na itatapon 'yan." Sabi niya at ngumiti pa ng malapad, as in 'yung box smile niya.

"Ngayon mo na itapon, baka pagalitan pa tayo ni Jin hyung." Utos ko sa kanya pero nagpout lang siya.

"Nagkakalat rin naman siya eh. Tignan mo, sa Jin hyung kaya galing 'yang mga piraso ng gift wrappers na 'yan." Tangina.

"Kim Taehyung!" Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya.

"Fine, fine." Isa-isa niyang pinagpupulot 'yung mga kalat na nasa sahig. Hanggang sa naabutan siya ni Jin hyung na kakalabas lang ng CR.

"Oh Taehyung! Very good 'yan. May ice cream ka mamaya." Napalingon naman si Taehyung kay Jin hyung, halata sa mukha niya ang excitement.

"Talaga? Yey! Thanks, hyung!"

"Ano, angal-angal ka pa kanina ha." Natatawang sabi ko.

Bumukas ang pinto ng apartment at iniluwal nito sina Yoongi, Hobi, Namjoon at Kookie.

"Saan kayo galing?" Tanong ko sa kanila at umupo sa sofa dahil na-realized kong kanina pa pala ako nakatayo malapit sa may hagdanan.

"D'yan lang sa tabi-tabi." Sagot ni Yoongi at umupo sa sofa.

Third Person's Point of View
"Jimin, pakikuha nga ng christmas tree." Utos ng pinakamatandang si Jin sa pandak na si Jimin.

"Nasaan nakalagay?" Tanong nito at tumayo mula sa sofa,

"Nando'n lang sa bodega sa taas, 'yung malapit sa kwarto namin ni Namjoon."

Tumango na lang si Jimin at umakyat sa taas.

Meanwhile, mukhang sinasapian yata ng kasipagan si Taehyung dahil kanina pa siya nagwawalis kahit wala nang kalat. For the sake of the ice cream, kailangan niyang magsipag.

"Taehyung, tama na 'yan! Wala nang kalat oh. Napupuwing na kami rito!" Saway si Seokjin kay Taehyung na ngayo'y pinapagpag 'yung walis, halos kumakalat na ang mga dumi na naiipon ng walis.

"Tangina Taehyung, ibalik mo na 'yan sa kusina. 'Yung mga dumi, kumakalat na. Baka magkasakit tayo!" Inis na saway sa kanya ni Namjoon na panay ang pagpapaypay sa hangin gamit ang kamay.

"Okay." Nagpout lang si Taehyung at binalik na ang walis sa kusina.

Napatingin siya sa fridge nila.

"Ano kayang pwedeng makain dito?" Sabi niya at binuksan ang ref nila.

"Oy. May ice cream, hihihi. Ito ba 'yung sinasabi ni Jin hyung?" Kinuha niya 'yung Selecta ice cream na naka-display sa freezer.

Excited na excited siyang kumuha ng baso't kutsara dahil natatakam na siya sa ice cream.

Pagkatanggal niya ng takip ay nanlumo siya at napapout.

"Tangina. Karne lang ang laman? Umasa na naman ako."

Narinig naman niya ang halakhak ni Jin mula sa sala. Malamang halakhak 'yun kaya malakas.

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon