Chapter 54 - Thank You

415 20 12
                                    

A/N: Continuation po ito ng birthday ni Taetae :)
-

Shin Eunbin's Point of View
"Alam mo, Chaeng, kahit na ang pangit-pangit mo, kahit na hindi kita mahal, mamimiss kitang hinayupak ka!" Sabi ko sa kanya at pinitik ang noo niya.

"Alam mo, Eunbin, kahit na ang pangit mo rin, at hindi rin kita mahal, pero mamimiss din kitang punyeta ka!" Sagot niya at kinurot naman ako sa pisngi.

Huta! Ang sakit. Namaga yata 'yung pisngi ko. Bwiset!

"Chaehyunnie, mamaya-maya aalis na tayo, ha. Be ready, okay?" Anunsyo ng kanyang mother.

"So, pakisabi na lang kay Jimin na ang cute niya talaga, ang sexy niya atsaka ang gwapo niya. 'Yun lang!" Sabay tumawa pa ang gaga.

"Siraulo! Aalis ka na nga lang, pagnanasaan mo pa 'yung taong 'yun. For your info bes, kung hindi mo alam, may Taehyung na siya, kaya back off!" Sabi ko sa kanya at sinampal ng mahina ang pisngi niya.

"Aray naman! Alam ko! And for your info din bes, hindi ko siya pinagnanasaan. At hindi ko naman sila pinapakielaman. Actually nga, noong nakita ko sila, nacute-an ako sa kanila at kinilig ako bigla." Tumawa siya ng bahagya.

"I told you~ bagay kasi sila. Nuh ba!" Tapos tumawa ako ng pagkalakas-lakas.

"Oo na. Parang tanga 'to, ang lakas ng tawa. Naka-drugs ka ba?"

"Minsan lang." Sagot ko saka tumawa ulit ng malakas. At bigla ba naman akong binatukan. Bwiset!

"Aray!"

"Oh anak, halika na, aalis na tayo. Magpaalam ka na kay Eunbin." Sumulpot ulit 'yung nanay niya sa tabi niya. Kabute yata 'yung nanay niya, kung saan-saan sumusulpot eh.

"Hindi na kami magkakapag-bagong taon din. See you again next time, bes! I will miss you, Binnie! I love you!" Napansin kong may tumulong luha mula sa mga mata niya. Napaka-iyakin niya talaga.

"I will miss you, too, bes! Skype or chat na lang kapag may time, 'kay? See you next time, Chaeng. I love you, too!" At nagyakapan naman kami bago sila umalis.

Bumuntong hininga ako. Wala nang makulit na magpupunta sa bahay namin. Hays.

Kim Taehyung's Point of View
"Hyung, speech naman dyan! Hindi ka nag-speech kanina eh." Sabi sa'kin ni Yugyeom.

Kasalukuyan kaming naka-upo sa sahig. Tapos na kaming kumain.

"Oo nga, hyung! Mag-speech ka na. Dali!" Pagsang-ayon naman ni Bambam.

"Kailangan pa ba no'n? Tss."

"Oo naman! Sayang naman 'tong effort ni Jimin hyung kung hindi ka mag-i-speech, 'diba?" Sabi ni Yugyeom na sinang-ayunan ng lahat.

"Okay, fine!" Bumuntong hininga ako bago magsalita ulit, "First of all, thank you sa effort niyo. Thank you so much, guys! I can't express my feelings properly." Tumawa ako ng bahagya.

"Hoseok and Yoongi. Ang akala ko talaga ay pupunta kayo sa music room kanina. 'Yun pala, kasabwat kayo rito." Tumawa na lang sila.

"Seokjin hyung, pumunta ka ba talaga sa CR kanina?"

"Oo naman. Tapos dumeretso kami rito." Sagot niya at tumawa silang dalawa ni Namjoon. Psh.

"And Jeon Jungkook, ang laki-laki talaga ng ilong mo. Alam mo ba 'yun?" Sabi ko kay Jungkook saka tumawa.

"Matagal ko nang alam, hyung. No need to inform me." Tapos sinamaan ako ng tingin.

"Infairness, ang galing niyo guys! Ang akala ko talaga kanina, hindi kayo maghahanda para sa'kin kaya nalungkot ako ng sobra. And then, this happened. Grabe eh! Paiyak na 'ko kanina kaso pinigilan ko lang."

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon