Chapter 35 - Drunk

541 25 11
                                    

A/N: GOTBIGBANGTANIXX- :)
-

Kim Taehyung's Point of View
"Taehyungie~ Bwi~ inom ka din please?"

Umiling lang ako.

I swear, hindi ako pwede sa alak. Mahina kasi ang alcohol tolerance ko kaya bawal akong uminom, mabilis akong malasing.

"Taehyungie, kahit konti lang, pwease?" Tanginang aegyo 'yan.

"Hindi talaga pwede, Jimin."

"Ang KJ mo kamo. Bwi, please?"

"Hindi talaga pwede, Jimin. Sorry."

"Park Jimin, hayaan mo na si Taehyung. Kung ayaw niya, 'wag mong pilitin, okay?" Pout lang ang tanging respond ni Jimin sa sinabi ni Jin-hyung.

"Hoy, Namjoon, 'wag kang masyadong maglasing, ha! Ikaw ang magda-drive mamaya, lasing na si Hoseok oh." Tumango lang si Namjoon kay Hyung.

Napatingin naman ako dun sa dalawang babaeng mag-bestfriends. Si Chaehyun, natutulog habang nakahiga sa lap ni Eunbin, namumula pa nga 'yung mukha eh. Siguro, lasing na siya. Ang dami niya rin kasing nainom, pansin ko lang naman. At si Eunbin naman ay nagse-cellphone lang.

"Mga Hyungs, uwi na tayo please?" Pagmamakaawa ko. Inaantok na kasi ako, gustung-gusto ko nang matulog.

"Uuwi na kayo?" Biglang sabat ni Eunbin out of nowhere.

"Gusto ko nang umuwi. Inaantok na 'ko. Tamo si Jimin, nakatulog na." Nakapatong 'yung ulo niya (sa TAAS) sa balikat ko habang natutulog.

"Hindi ako natutulog."

"Ay, hindi pa pala."

"Oo nga Jin, kailangan na nating umuwi. 'Tong si Hoseok, nakatulog na. Lasing na rin kasi." Sabi naman ni Yoongi.

Gusto ko na talagang umuwi. Antok na antok na 'ko.

"Ay, oh sige. Ingat na lang, ha. Ingat kayo sa daan." Sabi ni Eunbin at ngumiti.

"Mga hyungs, dito na lang muna ako kina Eunbin matutulog." Nagulat kami sa sinabi ni Jungkook.

Baka mamaya--dejoke lang, as if naman xD

"Oh sige. Basta umuwi ka, ha. At ikaw naman Eunbin, ingat ka kay Jungkook, ha. Matindi 'yan!" Natawa na lang si Eunbin dahil kay Yoongi,

"Oo naman."

"Grabe ka sakin, Yoongi-hyung!"

Natawa na lang si Yoongi, "Oh sige, babye na. Good night! At paki-sabi din pala Eunbin sa Mama mo na happy birthday." Halos si Yoongi at Jin-hyung na ang nakikipag-usap kay Eunbin.

Masyado akong tinatamad magsalita, inaantok kasi ako.

"Oh sige, sure. Babye!"

"Halina kayo!"

Inalalayan ko pa si Jimin palabas ng bahay nina Eunbin. Hays, ang bigat ng lalaking 'to kahit mas maliit siya kaysa sakin.

Pumasok na kami sa Van at si Namjoon na ang nag-drive since lasing na si Hoseok. Konti lang naman kasi ang ininom ni Namjoon kaya okay lang na siya ang mag-drive.

'Tong katabi ko, nababaliw na yata. Aba! Kanina pa ang pag-e-aegyo. Hays.

"Jimin, pwede bang tumigil ka? Kung gusto mong matulog, edi matulog ka. Paki-usap, tumigil ka sa pag-e-aegyo."

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon