One

451 6 0
                                    

"Claire, kamusta na?" Tanong sa akin ni Sissy dahil ang tagal din naming hindi nagkita sa sobrang busy ko.

Nagtatanong siya sa akin kung bakit sa public pa rin ako nagaaral kahit ang yaman ko na daw. Lagi ko namang sinasabi sa kaniya na hindi ako mayaman dahil nagtatrabaho pa ako, at sa public pa rin ako mag-aaral kase nandito sila- mga kaibigan ko, at proud ako masyado sa school. Madalas akong nag-so-sponsor sa school, para madami ang mag-enroll kahit public lang siya. Marami din akong kinukuhang model sa school na ito dahil photographer ako, may boutique ako at dancers naman dahil choreographer din ako. Marami akong trabaho kung tutuusin kaya nagtataka talaga ako kung paano ko ito nakakaya.

"Eto buhay at maganda pa rin" haha, sensya na sa kahanginan.

Hangin...

Naalala ko si Drew, yung nagsabi sa akin na prinsesa ako, nakakapagtaka pero ang hirap lang talaga paniwalaan eh. Wind ang isa sa powers niya kaya naaalala ko siya sa hangin. Sa totoo lang, gusto ko talagang pumunta sa sinasabi niyang Elmendorf. Na-curious lang talaga ako.

"Hoy, babae!!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Sissy sa akin. Spacing out again. Nandito kami sa sasakyan at ako pa ang kasalukuyang driver, hindi pa siya naandar kase hinihintay pa na--

"I'm here! So let's go" sabi ko nga andiyan na yung pinsan niya eh. Sinusundo ko lagi ang tropa para sabay sabay kaming pumasok, tinanggihan na nila ako nung una pero si Claire toh, sadyang makulit kaya di na rin sila tumutol. Una kong pinupuntahan si Nanay, excuse me po, huwag husgahan si Nanay, si Nanay, lalaki siya pero may pusong babae at dahil sa puso niyang pagkababae tinuring namin siyang nanay dahil andiyan siya palagi sa amin, mabuting kaibigan siya at ina sa amin, swerte namin diyan kay Nanay. Next! Si Racq, siya naman ang pinakaslow sa amin, as in slow, pero mataas ang grades niyan, ganiyan lang talaga siya at isa pa pala, mas inosente pa siya sa inosente. Sunod si Ate Jahz. Siya ang oldest at mature kaya lagi namin siyang pinagkakaisahan na OA or KJ. Haha. Sunod naman ang magpinsan, si Sissy at si Phia. Cute right.

Nakarating kami agad sa school at syempre espesyal ako para sa school nagpark muna ako ng kotse.

"Tol, ayan si Claire oh" unang rinig ko mula sa kalalakihan.

"Makakaisa ako diyan" bulong ba yan oh ano?

"Girls, siya yung kumuha sa akin oh, si Miss Claire" sabi nung isang babae, kinuha ko nga siya pero hindi ko na maalala yung name niya.

"Claire, noong unang araw pa lang sa eskwelahan, bungad yang mga yan ah, hanggang ngayon?" Napangiti naman ako sa sinabi ni sissy, napakapranka talaga eh noh?

"Masanay ka na" sabi ko sa kaniya dahil ako, matagal na akong sanay diyan.

"Ako pa ang masasanay, ikaw ba, sanay ka na?" Tanong niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango. Naglalakad na kami papunta sa may gate at dumiretso sa classroom. Hindi ko pa pala, nasasabi sa inyo.

Nung nakauwi ako ng pilipinas last month, binili ko na ang school ko, sabi ko 5 years bago ko siya palitan ng pangalan, at sabi ko rin na ang education for the students is still under DepEd pero ang iba ay akin na. Lectures, tests, paperworks, education yun lang. Sabi ko din na next summer ay irerenovate ko na siya. Wala pang may alam sa mga students na ako na ang may ari nito, at ako na rin pala ang principal. Hindi ako ang nagsalita sa first day kase sabi ko yung kasalukuyang namamahala muna ang magsalita.

"Claire, dito tayo!" Sigaw nila sa akin kaya napatango na lang ako ng ilang beses at hinila na nila ako.

"Math first natin diba? May assignment ba dun? Nakakaloka!" Kahit kailan talaga itong si Sissy ko hindi man lang nagtatake down notes, siya rin pala ang pinakatamad sa amin kaya kawawa siya palagi. Haha.

Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon