Sixteen

98 2 2
                                    

Nakakailang bahala na ba ako sa mga desisyon ko. Ngayon ang alis namin papunta sa Viera.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Grey na nakahawak sa kamay ko kanina pa.

Nakapagpaalam na rin naman ako sa barkada na mawawala ako ng isang linggo kase may business trip ako. Naniwala naman sila sa akin kaya ayos na. Nakakausap ko na rin ng maayos si Racq kahit minsan paulit ulit ang sorry niya sa akin. Friends pa rin naman kami ni Drew at paulit ulit kong kinikwento sa kaniya si Racq, malay mo makatulong ako sa kanila.

"I'm always ready, Grey" masigla kong bati sa kaniya. Siya ang magiging tour guide ko sa buong isang linggo. Ayaw niya akong isama sa iba. Kahit kapatid ,ayaw. Masyadong seloso at possessive. Pero I like it, I feel special and loved.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Grey. Kasunod namin ang sasakyan ni Drew. Makakasama din pala namin sina Drew at Racq. Nagtataka ako kung bakit sasakyan ang gagamitin namin pero ayos lang. I like surprises naman eh.

"Ayos lang ba talaga sayo?" Tanong ni Grey sa akin habang nilalaro niya yung kamay ko. Nakakailang tanong na din siya sa akin niyan. Sabagay, hindi ko naman kase sya masisisi, dati ang laking pagtatanggi ko kay Drew na alam naman niya siguro. Tapos ngayon, ako pa ang nagdesisyon kung kailan at saan kami unang pupunta.

"I said it's fine, everything's fine. Nandito na tayo oh, uurong pa ba ako?" Tanong ko naman sa kaniya at binigyan siya ng ngiti. Bumuntong hininga na lang siya at humilig sa balikat ko at pumikit. Nanahimik na lang ako dahil wala na din naman akong sasabihin.

Minsan, naisip ko rin na, kailangan ko na talagang harapin ang katotohanan at talikuran ang takot na namuo sa akin isang buwan na ang nakakalipas. Besides, ang swerte ko dahil may powers ako na wala ang mortal na tao. I'm blessed to have that power pero kailangan ko pa ring itago.

Minsan naisip ko na rin na, I am not supposed to be here in the mortal world. Naiiba ako sa kanila, may malakas akong kapangyarihan na kaya kang patayin. Kapag nalaman ng iba ang kapangyarihan na meron ako, pagkakaguluhan nila ako at peperahan para lang sa fame and money.

Nakatitig lang ako sa kamay naming magkahawak. Maswerte ako na dumating siya sa buhay ko. Minsan na akong umibig at ayoko nang maulit ang trahedyang yun sa akin. Poprotektahan ko siya katulad ng pagpoprotekta niya sa akin. Ayoko na uling mawalan ng minamahal.

Bumilis ang andar ng kotse at napatingin ako sa dinadaanan namin, bakit parang gubat na itong dinadaanan namin?

"Excuse me, where are we?" Tanong ko dun sa driver namin. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin at iniisip kung nasaan na ba kami.

"We are almost there to the portal Ma'am" magalang na sabi niya sa akin. Portal? Ibig sabihin may portal pa kaming papasukan. Mabikid lang kaming nakapunta sa medyo magubat na dinadaanan namin ngayon dahil nakikita ko ang magubat na parteng ito sa rooftop sa bahay.

Nakatutok ako sa daan dahil hinihintay ko yung portal na magpakita. Bigla namang gumalaw si Grey kaya napatingin na ako sa kaniya. Nagdilat siya ng mata at tinignan din ako. Magkahawak pa rin kami ng kamay habang nakatingin sa isa't isa.

"Nasaan na tayo?" Tanong niya sa akin kaya natauhan naman ako kaagad. Tumingin ako sa labas at ganun pa din naman.

"Almost there sa portal" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng pakiramdam ko sa gubat na ito. Feeling ko nahihilo ako at nasusuka.

"Okay" sabi niya lang at umayos na ng upo. This time, ako naman ang napapikit. Hinihila ako ng antok. Gusto kong matulog para pagdilat ko susuka na lang ako. Feeling ko kase nasusuka talaga ako eh.

"Claire, don't close your eyes" sabi niya ng makita siguro akong nakapikit. Dumilat ako pero kaunti lang at ikinunot ko ang noo ko.

"Claire, it's for the safety of the portal, symptoms yan na hindi ka pa ganun kalakas para kalabanin ang kapangyarihan ng gubat na nagtatago ng portal" sabi niya sa akin. Kaya pala wala lang sa kaniya yung ganing pakiramdam.

Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon