Twenty Seven

58 0 0
                                    

Nakakatuwa at hindi talaga namin napigilan na bumili ng marami dahil marami ang bagong labas na dresses and shoes kaya kawawa din yung dalawang lalaki na kasama namin.

"Claire, ang ganda dun oh!" Sabi ko sa kaniya at parang kuminang naman ang mata niya dahil stuff toys yun. Sa pagkakaalam ko. Gustong gusto niya talaga bg stuff toys nuong bata pa siya pero kahit kailan hindi siya nakahawak nun. Kaya nung lumaki laki na siya, at nafufulfill naman na niya yung needs and wants niya. Una niyang pinuntahan ang stuff toys.

I know that she also like kids. Halos tumakbo na kaming dalawa dun at nakakita kami ng maraming bata.

"Omghad! Ang ganda!" Sabi namin. Nagkatinginan pa kami at tumawa. Hindi na namin pinansin yung dalawa.

"Mama, gusto ko po nun!" Pagmamaktol ng isang bata at natigilan naman si Claire. Here it goes again. Tinignan niya yung bata habang ako kunyare nagtitingin tingin lang ng stuff toy.

"Hindi pwede, wala tayong pera, napaka mo talaga" saway naman ng mama niya. Bakit pa sila nandito kung hindi rin naman pala sila bibili.

"Hon, oh, para kay Lily" sabi ng isang lalaki dun sa mama nung bata. May katabi siyang batang babae na maganda.

"Ayan, halika na, alis na tayo" biglang bumait si Ate? Lupit mo sa bata ha. Alam kong naiinis na rin si Claire. Nakatingin pa rin sa bata si Claire at namumula yung tenga niya. Lalapitan ko na sana siya kaso naglakad siya papalapit sa bata.

"Hello, ako si Ate Cute haha, alin gusto mo, bili lilibre ka ni ateng cute" masigla niyang sabi sa bata. Hindi siya napapansin nung mama nung bata.

"Ate cute? Ito po oh" sabi nung bata na pinupunasan ang mata. Grabe nagpigil sya ng iyak? Ang bata niya pa pero nagagawa niya yun.

"Ahh, eto ba? Halika bili. Asan pala mama mo?" Claire nga naman. Ang lakas ng pagkakasabi niya kaya napansin siya nung mama nung bata.

"Ako, bakit?" Sabi nung babae na mataray. Nakatingin ako sa kaniya ng diretso at nakaharap na ako sa kaniya with cross arms.

"Bibili lang kami saglit" sabi niya at hinigit na yung bata. Tumatawa na silang dalawa kaya napangiti na lang ako. She really have a lot of care to others than herself. Sinundan ko na lang sila at nasa counter na sila.

"Ahh, Miss, lagyan niyo nga po ng pangalan itong teddy bear na malaki sa may puso niya na..." sabi niya at tumingin sa bata.

"Red po" sabi nung bata. Matalino siya. Parang si Claire lang ang peg. Biy version nga lang.

"Red po, tsaka po, lagyan niyo sa paa nung teddy bear ateng cute" sabi niya na natutuwa.

"Sige po Ma'am, wait lang po kayo about 1 hour" sabi nung babae. One hour? Paano yun? Nagkunot din ang noo ni Claire pero tumango na lang siya. May plano na agad toh. Mabilis siyang magisip kaya saludo ako sa kaniya.

"Red, hahanapin ka ni Ateng cute ha. Sige na punta ka na sa mama mo" sabi ni Claire pero nalungkot naman yung bata.

"Ayoko po kay Mama" sabi nung bata at iiyak na naman pero nginitian lang siya ni Claire at napangiti na naman ako.

"Mama mo pa rin yun, mahalin mo pa rin kase kung hindi dahil sa kanila, hindi ka nabuhay. Okay ba yun? Basta hahanapin kita kahit nasaab ka, bibigay ko pa sayo yung toy mo diba? Promise yan ni ateng cute" sabi niya to cheer the kid up. She's wonderful. No wonder kung bakit nagkagusto ang magkapatid sa kaniya. Tumango na yung bata at tumakbk na. Narinig pa ng maraming tao kung paano napagalitan yung bata. Nakita naman namin na ipinagtatanggol siya ni Drew at Grey na kahit maraming dala ay hala sige.

"Ma'am don't shout, he's still a kid." Sabi ni Drew. Hala, narinig ko mula dito? Nababaliw na ba ako? Lumapit na lang ako at nakita ko agad sila.

"Okay lang po kuya, mahal ko pa rin naman si Mama eh. Sabi kase yun ni ateng cute. Kahit ganyan si mama, mama ko pa rin yan" sabi nung bata at ngumiti talaga ako ng malawak. He's so cute. Gusto ko siyang yakapin at ampunin.

Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon