Ten

132 2 2
                                    

Dedicated to JonnaMarieArnado

I just wanted to say Thank You for the support, sa reads and sa votes. Keep reading hanggang sa dulo. Love lots.

--------------------

"Ezekiel...." marahang tawag ni Sissy sa kaniya. Titig na titig lang kaming apat sa susunod na mangyayare at sa susunod na sasabihin niya.

"I can't really believe this..." sa kaniya lang. Naalala ko tuloy noon na nagopen siya sa akin tungkol kay Ezek na ang guwapo daw talaga gawin lang tunay na lalaki. Crush na crush naman na talaga ni Sissy si Ezek eh.

"I'll help you believe this..." mahinahong sabi ni Ezek kay Sissy. Para kaming nanonood sa isang live movie dito.

"Ezek!" Tawag niya uli pero this time sumigaw na siya. Nagulat kaming apat pero hindi man lang natinag si Ezek. Umiiyak na si Sissy at ang lakas ng hikbi niya. Hanggang sa hawakan na ni Ezek yung balikat ni Sissy. Tumingin sa akin si Ezek. He is completely normal pero si Sissy, half drunk na talaga.

"Shhh" bigla namang yumakap si Sissy kay Ezek.

"I'm sorry..." mahinang sabi ni Sissy na feeling ko ako at si Ezek lang ang nakarinig.

"Ano daw?" Bulong ni Phia sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at nagkunwaring hindi alam dahil napakaimposibleng marinig ng isang ordinaryong tao ang sinabi niya eh, bulong na bulong and in fact, ang laki ng distansya namin.

"No....you don't have to be sorry" mahinahon pa rin si Ezek at pinapatahan si Sissy. Ang lakas naman kase makamood swing ni Sissy eh.

"Please, just let me help you move on and love me" takot at punong puno ng pagmamakaawa at sensiridad ang boses niya.

"I don't want to hurt you..." tugon ni Sissy.

"What is love when no one's hurt?" Medyo pabiro ng tanong ni Ezek. Napangiti ako sa sinabi niya. Like what I feel.

"And if someone leaves, someone will come" sabi ni Ezek ng nakangiti kay Sissy. If someone leaves, someone will come. My true family leaves and my second family came. My second family leave me, Charles and friends came, and when Charles leave, who will come?

"I insist" sabi ni Ezek at niyakap na niya ng mahigpit si Sissy at hinalikan ang ulo. Nakaramdam ako ng inggit at selos. Sana ganiyan din ako, ganiyan kami.

"Are you sure?" Tanong ni Sissy na bulong pa rin na ako lang rin uli ang nakarinig. Nakastop nga pala kanina pa yung videoke kaya ang ganda ng panonood namin. Tumango na lang si Ezek bilang sagot.

"Is it over?" Tanong ni Phia na biglang sumabat. Napatingin tuloy yung dalawa sa amin. Si Sissy, gulat at biglang namula tsaka nagayos ng sarili mula sa pagkakaupo. Si Ezek, wala tinatawanan siguro yung reaksyon ni Sissy.

"Magkano bayad? Mahirap yung ginawa niyo ah! Paturo baka mapalabas pa ako sa tv!" Masayang sabi ni Ate sa kanila. Nagsitawanan kami sa sinabi niya.

"Grabe, akala ko hindi na matatapos eh. Ang ganda ah, anong title?" Hirit naman ni Phia. Hahahaha.

"Congrats" sabi ni Racquel. Nginitian ko na lang sila na nagpapakitang I'm happy for them.

"Back to business, videoke na at oorder na naman tayo ng snacks, masyado kaming nasarapan sa panonood naubis namin" sabi ko kaya nagtawanan na lang kami at nagturuan na naman ng kakanta. Exempted ako dahil oorder ako. Actually, nakalahati lang namin lahat ng snacks at gusto ko namang tumayo at maglakad kaya imbis na magpapunta ako ng tao dito ako na ang pupunta.

Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon