"Ma'am I am going now" sabi ko sa History teacher ko at kinuha ko na ang bag ko.
"Sige" sabi niya sa akin tsaka bumalik sa pagtuturo. Pinuntahan ko uli yung mga abnoy kong barkada.
"Aalis na ako ha" sabi ko sa kanila tsaka ngumiti tapos natanggap ko lang sa kanila eh yung busangot nilang mukha kaya tinawanan ko lang sila.
"Babawi talaga ako ha but for now I have to go, wag na kayong magtampo ha" sabi ko sa kanila tapos umalis na dahil kung ano ano na namang kadramahan ang sasabihin ng nga yan.
Naglalakad ako sa hallway na parang isang model kaya yung ibang estudyanteng nasa labas ng mga room nila eh napapatingin sila sa akin.
"Idol, papicture" sabi sa akin ng isang lalaki. Una sa lahat, tinginan ko lang siya. Pangalawa, nginitian ko pa rin siya at pangatlo, pumayag na rin ako sa pagtango. Kinuha nung classmate niya siguro yung phone niya tapos nagpose na rin kami. Ngumiti lang ako ng maayos. Gusto pa sana niya kaso inunahan ko na.
"I'm sorry, I'm busy, next time na lang, I got to go" sabi ko sa kaniya tapos ngumiti bago naglakad ng may pagkamataray. Marami ang balak lumapit sa akin kaso nakasalubong ko yung secretary ko tapos nageexplain na kung ano na ang sunod sunod na mangyayare mamaya pagkatapos ng meeting.
"Ma'am nandun pa rin yung lalaking Drew" mabuti na lang at na sa tapat na kami ng sasakyan dahil nagulat ako.
"Let him" sabi ko tsaka pumasok sa kotse. Pumasok na rin si Angel (secretary) sa loob. Tahimik lang kaming na sa sasakyan.
"Idaan mo muna ako sa isang boutique store, magpapalit lang ako" tumango tango naman sila tsaka nagpatakbo ng mabilis.
"We're here Ma'am" sabi ni Angel tsaka ako bumaba. Dirediretso akong pumunta sa may mga dress, para isang suotan lang.
Nakakita naman ako ng dress na kulay red and black, ang ganda niya. Yung taas eh red na may design na black tapos yung palda color black. Hapit yung dress kaya kitang kita yung curve ko. Few inch above the knees. Bumili din ako ng red boots na may takong, nagmake up rin ako. Simple eye liner na may small wing tapos nag red lipstick lang ako tsaka medyo nagcontour at nagayos ng kilay then voila! Maganda na ako. Choss~
Lumabas na ako ng store at agad agad na pumasok sa kotse. Maaga na naman ako for the meeting. 4:30 sinundo na agad nila agad ako. Minsan sinasadya kong mauna kase sumisilip ako sa notes ko sa school tapos nagrereview, minsan naman yung ibang paper works ng kumpanya na kailangan kong asikasuhin ay ginagawa ko na para mabilis. Masyado akong mapagpahalaga sa oras. Gusto ko sakop lahat ng oras ko sa mga gawain, para matapos ko kaagad ng maaga.
"May iba pa bang kailangang asikasuhin na papeles?" Tanong ko kay Angel na kasalukuyan ng nagchecheck.
"Marami po Ma'am" banggit niya na nagaalangan pa kung sasabihin niya ba. Kilala na kase ako ni Angel. Ayoko ng late na sinasabi sa akin ang mga gawain ko, pero kapag talagang wala na akong tike naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya pa sinasabi sa akin.
"Kailan pa?" Tanong ko uli habang nagbubukas ng notes ko sa naiwang subject. Advanced ako sa lahat ng subject kaya madali na lang sa akin ang pinaghihirapan nila ngayon.
"Kahapon pa Ma'am, kaso po, hindi ko na nasabi agad kase busy na po kayo, kaya yung ibang hindi na kailangang ikaw ang gumawa ay inayos ko na para naman kahit papaano ay lumuwag luwag ang trabaho niyo" kita niyo, 2 taon nga naman kaming nagsama nito, hindi pa ba namin nakikilala ang ugali ng isa't isa? Mabait talaga siya pero minsan talaga nakukutuban ko na hindi dapat agad ako nagtitiwala. 2 years na may duda pa rin ako diba? Sensya na, ayoko lang kaseng mawala ang pinaghirapan ko ng dahil lang sa pagtitiwala sa hindi naman katiwatiwala.
BINABASA MO ANG
Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)
ФэнтезиSince Charles was gone, there is a man with a powers named Drew, he said to me about this world called Elmendorf. What if, because of this, life for me will never be easy at all. Nakakaloka eh noh. Ako si Claire Mueller, pero sabi ni Drew ang true...