"Guys, hang out tayo later" pagaaya ni Phia. Nagkatinginan kami ni Racq. I will never be able on afternoons. Nakakainis, pati mga kaibigan ko hindi ko na nabibigyan ng oras. Aisht.
"You all always know that I am a busy person" paninimula ko kaya lahat sila nag-groan. Napabusangot na lang ako dahil kahit gustuhin ko man eh hindi talaga pwede. Ang laking responsibilidad ang pinasok ko. Ngayong araw ang simula ng training ko. Actually, mamaya pa naman pero sobra sobra na ang paghahanda ko.
"Yeah, yeah. Lagi naman eh" hala wala na! Nagtatampo na sila sa akin. Sabihin ko kaya, kaso hindi pwede dahil madadamay lang sila.
"Sorry, guys, magiging busy talaga ako. Babawi ako sa susunod" Ilang beses ko na rin sinabi yan, nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Nababawi ko naman pero hindi rin naman tumatagal kaya parang wala lang rin.
"Psh" Si sissy rin. Paano ba naman ito? I wish me and Racquel can talk through minds!
(Sa isip lang nila Racquel at Claire)
"Racquel?" Halata sa mukha niya na nagulat siya pero binawi niya rin.
"Ano?" Ay.
"Galit? Choss, paano toh?" Tanong ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila. Matagal na akong walang oras sa kanila eh.
"Anong paano toh?" Kung malapit lapit lang toh makokotongan ko toh eh.
"Nagtatampo na sila kase hindi nila alam. Alam mo namang ayokong nagtatampo sila, kayo, diba?" Kung titignan kaming dalawa ni Racq, mukha kaming tanga. Kumukunot bigla yung noo namin, ngingisi tapos bubusangot bigla.
"Anong gusto mong gawin? Sabihin sa kanila? Edi mapapahamak sila. Tayong dalawa lang ang merong kapangyarihan eh" tama naman siya.
"Eh paano kung--" naputol ako sa pagubo ni Racq.
"Bumawi ka na ngayon" sabi niya tapos kusa nang nawala yung communication namin. Paano? Hmmm...
"Gala tayo, after dismissal, libre ko" paninimula ko na nakangiti. Pare-parehas sila ng reaksyon na ikinatawa ko. Minsan nga lang kase ako magka-time sa kanila, gala pa. Well, mamaya kaya ko na yun. Kahit pagalitan ako ni Drew, mahalaga sila sa akin, ayokong nagtatampo sila sa akin.
"Bakit?" Natatawa kong tanong sa kanila.
"TALAGA?!" Ay! Agaw atensyon tuloy kami. Sabay sabay ba namang magreact eh.
"Oo nga, ayokong nagtatampo kayo sa akin. Pagpasensyahan niyo na talaga ako" mabilis naman humupa ang tampo nitong mga ito basta babawi na ako eh. Gusto lang kase ng lahat na kompleto kami. Niyakap ako ni Sissy. Na-miss ko toh. Hanggang sa sunod sunod na silang nagsiyakap. Mukhang kaming tanga sa likuran dahil magkakayakap kami.
"A beautiful morning on the girls at the back" pare-parehas kaming kumalas sa yakap ng marinig namin si Ma'am na nagsalita. Pagkaupo namin, sabay sabay kaming nagtinginan tsaka tumawa tapos tumayo.
"Good morning Ma'am!" Sabay sabay din naming bati. Natawa na lang si Ma'am tsaka nag-proceed sa lessons. Masaya na naman ako, tapos mamaya torture na naman. Bahala na.
~♡~
Mabilis dumaan ang oras at natapos na agad ang lahat ng klase namin. Ihahatid ko muna sila sa kaniya kaniya nilang bahay dahil dala ko yung van. Pagbibihisin ko muna sila tapos tsaka kami aalis. Ako? Well, may mga damit ako sa van. Why? Kung sakaling may gala at biglang alis o layas may dala ako sa van.
"Ready na ba?" Tanong ko dahil ang huling bahay na napuntahan ay yung kay Racquel. Nakibihis na rin ako. Lahat sila naka-jeans kaya nagjeans din ako. At usapan namin, kulay blue. Lahat kami naka-blue with different designs of torso. Ang cute naming tignan.
BINABASA MO ANG
Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)
FantasySince Charles was gone, there is a man with a powers named Drew, he said to me about this world called Elmendorf. What if, because of this, life for me will never be easy at all. Nakakaloka eh noh. Ako si Claire Mueller, pero sabi ni Drew ang true...