"Lead the way" sabi ko at ngumiti, tumango siya at bumuntong hininga. This is it.
"Yes your highness" sabi niya at naglakad na. Kinuha ako nung kumausap sa aking puno at pinaupo sa mga sanga niyang malalaki. Magkakasama kaming apat. Si Racq ay nakatulog agad sa kandungan ni Drew kaya kanina pa ako pangiti ngiti sa kanilang dalawa. Kami naman ni Grey ay nakasandal sa gilid ng isa't isa. Ang saya kapag ganito, yung kahit nasa gitna ka na ng gera ay magkasama pa rin kayong nagpapahinga.
"Want to sleep?" Tanong ni Grey na hinikaban ko lang. Natawa na lang kami at inalalayan niya ang ulo ko sa balikat niya. Pumikit na lang ako at naramdaman ko na lang ang paghawan niya sa kamay ko. Napangiti na lamang ako hanggang sa naramdaman ko na ang antok na kanina ko pa pinipigilan.
~♡~
"Shhh, baka magising" huh?
"Gising na ata"
"Shhh, shut up"
"Ang ingay naman kase eh"
"Hmmmm..." ungol ko at gumalaw ako ng kaunti dahil feeling ko ang sikip sikip ng hininihigaan ko.
"Claire..." tawag sa akin ni Racq napadilat naman ako ng kaunti at nagkandaduling na ako sa lapit ng mukha niya.
"My ghed..." sabi ko at pumikit uli ng mariin. Nanakit mata ko dun ah.
"Bakit? Anong nangyare? Naiihi ka ba??" Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa o mainis o ignorahin na lang yung sinasabi nito.
"Sobrang lapit ng mukha mo" pagrereklamo ko. Tapos sila nagkagulo na naman. Umuuga na yung kama sa likot nila. Wha! Wait-- kama?!?!
"Asan ako?" Tanong ko nang nakapikit pa rin dahil wala pa akong lakas na gumalaw bukod sa pagsasalita.
"Hospital?" Sagot na parang nagaalangan pa. Nakunot ang noo ko at unti unti akong gumalaw. Dahan dahan din akong dumilat dahil baka maduling na naman ako.
"Tubig" sabi ko at feeling nanunuyo yung lalamunan ko. Ang sakit naman sa bangs nito. Ang daming kamay ang tumulong sa akin para lang makaupo ako ng maayos. Nang makita ko silang lahat sa paligid ay halos malula ako. Madami sila. Yung iba naaalala ko pa yung mukha pero yung iba hindi.
"Eto oh" abot sa akin ng isang magandang babaeng mas matanda siguro sa akin. Uminom agad ako at hindi na nagabalang magpasalamat dahil nauuhaw na talaga ako.
"Ilang oras na akong nandito?" Tanong ko sa kanila. Nagtitigan pa sila bago sumagit ang isa.
"6 hours ka ng tulog" sabi niya tapos ngumiti ng malaki. Napangiti na lang ako ng wala sa oras sa ngiti niya. Yung mga ngiting mapapangiti ka na lang tapos mahahawa ka talaga sa pagiging masayahin ng mukha niya.
"I miss those smile" sabi ni Racq na nasa gilid ko lang pala. Natawa naman ako ng mahina. Minsan na nga lang pala akong ngumiti ng totoo simula nang malaman ko ang totoo.
"Me too" sabi naman ni Drew na nasa gilid lang niya. Napangiti ako lalo dahil magkatabi sila at mukhang maayos na talaga sila.
"I miss not just your smile but YOU" sabi ni Grey na nasa kabilang side. Malungkot ang mukha niya at nukhang kanina pa talaga nagaalala. Nahiya ako sa sinabi niya dahil ang daming nakarinig pero sige ayos na ito. Feeling ko nga nagakyatan na yung dugo ko sa ulo ko at uminit na lang bigla.
"Yiehh!" Umpisa ng isa na sinabayan na ng lahat. Napayuko naman ako sa pangangatyaw nila sa amin. Si Grey kase masyadong ano eh.
"Kamusta ang iba?" Pagiiba ko ng topic dahil nangaasar pa rin sila. Lahat sila napatingin sa akin at nalungkot na hindi ko naman alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)
FantasySince Charles was gone, there is a man with a powers named Drew, he said to me about this world called Elmendorf. What if, because of this, life for me will never be easy at all. Nakakaloka eh noh. Ako si Claire Mueller, pero sabi ni Drew ang true...