Four

210 5 0
                                    

First thing in the morning, dirediretso na ako sa bathroom. Naligo agad ako at nag-ayos ng sarili. Parang feeling koo kase kailangan kong magmadali dahil parang marami akong gagawin.

Chineck ko uli yung mga folders at isa-isa uling sinuri yun. Masuri talaga ako in terms of business. Maayos naman na lahat. Tinignan ko yung email ko on my laptop kung na-send na nila Hans at Nico yung natirang pinapahanap ko.

Habang nagbabasa eh, kusa na lang akong napapaisip sa sinend sa akin ni Nico. They know me so much, na pati ang pagkahumaling ko sa mythical stories and things ay alam nila. Hindi niyo ako masisisi dahil, para na ring fairy tale in real life ang mythical stories na naririnig ko kase, napupuntahan ko yung mga lugar na iyon. In fact, I am a adventurous one.

Maaga ko namang natapos ang pagbabasa at pagaapruba tsaka ako bumaba paea kumain. May kalakihan ang bahay ko kaya tinry ko uling magteleport papunta sa kusina at hindi naman ako nabigo. Nakakatuwa pala kapag may powers kang ganito. Sabihin na nating napaka-inosente ko pa sa paggamit ng powers pero natutuwa talaga ako pag ginagawa ko siya.

"Andiyan ka na pala, kumain ka na" sabi ni Manang sa akin, pero mas madalas ko siyang tawagin na Nanay pero kapag bad trip talaga ako at wala sa mood kung ano ano na tinatawag ko sa kaniya. Simula nung nakabangon ako mula sa sakit ng pagkawala niya at pagtatag ng loob ko para mabuhay pa ng masaya nandiyan na siya. Tinuring niya akong tunay niyang anak. Yung asawa niya ang minsan na nagiging driver ko pero madalas niyang tulungan si Nanay sa paglilinis ng bahay hanggang bakiran, buti nga hindi ako nagiging bitter sa kanila dahil namimiss ko din siya, minsan din kase kaming nagsama at naglinis ng bakuran nila sa panaginip kong iyon, memories will stay memories inside my head, hayst.

"Anong problema?" Tanong agad sa akin ni Nanay pagkatapos niya akong hainan, kahit gaano ko talaga subukan na itago sa kaniya yung mga tunay na nararamdaman ko, nalalaman niya pa rin.

"Alam kong makakausap mo ako kung may problema ka" dugtong pa nito kaya napabuntong hininga na lang ako tanda ng pagsuko sa kaniya, she really knows me when I am like this.

"Andito din naman ako!" Singit naman ni Tatay Ben asawa ni Nanay Beth. Kung titignan kami, mukha kaming masayang pamilya dahil iyon na talaga ang turingan namin sa isa't isa. Hindi sila nabiyayaan magka-anak pero sabi nila sa akin, kahit wala na daw iyon sa ngayon dahil nandito naman daw ako, tinuring talaga nila akong anak nila at ganun din naman ako, tinuring ko din sila na parang tunay na magulang ko.

"Gusto ko po sanang huwag na huwag niyong mababanggit sa iba kahit pa ipalit pa ang buhay niyo" nagulat kami sa isang lalaking bigla na lang sumulpot at nagsalita, guess who? No other than Drew the Kabute. Pwede na noh?

"Kahit kapalit ng buhay namin?" Tanong ni Nanay sa akin, hindi ko alam kung anong isasagot ko. May posibilidad ba?

"Nay, Tay, maguusap muna kami saglit" sabi ko tsaka tumayo sa hapag kainan, mamaya pa naman ang pasok kaya ayos lang. Tumalikod na ako sa kanila at hinila ko na itong si Drew sa may pool.

"Kapalit ng buhay nila?!" Pagalit kong tanong sa kanila, dahil naging importante na sa akin ang buhay nila. Bakas sa ekspresyon nila ang....ano nga ba? Oo, nakita ko na nagulat sila pero mabilis din namang nawala.

"The more people know who you are, the more people can be killed, gagawa at gagawa ng paraan ang Dark Clan para lang makuha ka" paliwanag niya na pinakikinggan ko lang naman. Hindi ako makaimik sa lahat ng sinasabi niya. Seryoso niya ngayon na kapag ganiyan siya kailangan talagang makinig ka sa kaniya.

"Why do they need me?" Tanong ko. Bakit nga ba? Wala naman akong ginagawa sa kanila eh! Pinanganak lang naman ako nagwala na sila.

"You have the unbelievable strength for a girl and for a princess, you have the death and the life, the dark and the light, the good and the bad" wow! Ganun na lang ba talaga ako kapangyarihan, hindi ko pa masink-in sa isip ko yung mga nangyayare.

Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon