Seventeen

79 2 0
                                    

Pinagbibihis ako ngayon ng mga katulong dito ng isang gown kaso hindi ako kumportable.

"Ahh, ehh, kase, aisht" hindi ko alam kung paano ko sila sasabihan.

"I'm fine with a simple dress. Having a fabulous gown won't make me beautiful speciallt if I am not comfortable" paliwanag ko sa kanila. Natigilan sila sa ginagawa nila at nagtinginan. Lumayo sila sa akin at inikutan ako. Natakot naman ako sa gagawin nila kaya nakahanda yung kamay ko sa gilid ko.

"Dress" sabi nung isa. Nagtulong tulong silang makagawa ng isang dress out of the gown na sinuot ko. Ginawa nila yung dress. Cuter than I thought. Napangiti naman ako sa kanila. Ang ganda naman ng dress na ito. Off shoulder siya tapos fitted from breast hanggang waist tapos pa gown pa rin yung style pero under the knee na lang at bagsak ang palda. Pinasuot nila ako ng doll shoes lang at inayusan ng buhok.

Ginawa nila yung paikot sa ulo ko, yung parang ginawang crown yung buhok ko na nakapaikot sa gilid ng ulo ko. (Imaginin niyo na lang, palakasan lang ng imagination ahahahhaah)

Naglagay sila ng flowers dun at ang ganda na niya. No accesories kase ayoko. Ang lalaki at ang kikinang ng mga accesories nila baka hindi mabuhat ng katawan ko. Hahaha.

"Ang ganda" sabi nung isa. Hindi ko alam kung ako ba yung tinutukoy niya, yung dress o yung buhok ko eh kaya hindi na ako nagsalita, nginitian ko na lang sila.

"Salamat sa pagaayos" sabi ko sa ka ila kaya ngumiti na rin sila sa akin. Lumabas na sila isa isa kaya naiwan na naman ako sa kuwarto. May malaking binatana ako sa gilid na may veranda kaya pumunta ako dun. Malaki ang veranda. May mga benches at halaman. Pumunta ako sa pinakadulo ng veranda at nakita ko ang gusto ko ng makita kahapon pa. Ang mga bahay, mga busy-inh taong naglalakad sa kalsada nagngingitian at nagbabaitan kahit hindi mo gaanong kilala.

Ang kabuuan ng Viera.

"Beautiful, right?" Nagulat ako sa nagsalita kaya naman napatingin ako sa paligid ko kung may kasama ba ako at nakita ko sa pinakalikod ko si Grey. Napangiti din naman ako ng makita ko siya.

"Yes" sabi ko sa kaniya at tumingin uli sa ganda na binibigay ng bawat bahay at bawat taong nakangiti at nagtatawanan.

"Libot kita?" Tanong niya sa akin na nakapagpakunot sa noo ko. Ililibot eh sa pagkakaalam ko ngayon lang sila pumunta dito eh.

"Kasama natin si Leigh, yung isang katulong dito" sabi niya kaya napawi agad ang kunot ng noo ko. Tumango na lang ako at naglakad na palabas Kasabay siya.

"Maganda pala dito eh" sabi niya ng mapansing ang tahimik naming dalawa. Hindi ko naman kase alam ang sasabihin ko kaya hindi ako nakapagsalita.

"Right, I like the people here" sabi ko sa kaniya ng may masabi naman ako. Buti pa siya alam niya na agad yung papunta sa sala samantalang ako kahit anong daan wala akong natandaan dahil sa marami akong iniiisip.

"Sire" magalang na tawag ng isang babaeng nakadress na simple lang na lumalapit na sa amin. Siya ba yung sasama sa amin? I don't like her presence ngayon pa lang.

"Good morning po, samahan ko na po kayo sa village" sabi niya kaya tumango na lang ako at nanatiling tahimik. Tinitignan ko lang siya sa mata dahil hindi ako kompurtable sa presensiya niya.

Nang makalabas kami, marami na ang bumabati sa amin. Tinatanguan ko lang sila at hindi ko na magawang ngumiti. Nagsasalita siya ng kung ano ano tapos si Grey lang ang kinakausap niya. Hindi niya na ako napapansin. Ako? Pansin na pansin ko ang malagkit na tingin niya kay Grey. Tapos yung tawa niyang nakakairita sa tenga.

"What's with the face?" Tanong sa akin ni Grey na nakangiti sa akin. Inilingan ko lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Paano ba naman kase? Hindi ba ganun ka obvious na like siya nitong babaeng toh. Paguuntugin ko tong dalawang toh eh.

Princess Of Elmendorf (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon