Naalimpungatan niyang tumutunog ang cellphone niya at rumehistro dito ang pangalan ng kanyang kaibigang si Amber. “Hello. O,h anu na namang dahilan mo at nambubulabog ka katutulog ko lang,” ihahang na sana niya ang kanyang cellphone at matutulog na ulit ng makarinig siya ng iyak sa kabilang linya kaya tuluyan ng nagising ang kanyang diwang umaalog alog pa dahil sa ilang araw niyang pagpupuyat.
“Baby, si Amiel asikasuhin mo muna wag kang patulog tulog dyan, bilis na,” narinig niyang dali daling sumagot ang asawa nito at pinsan niyang si Ravel Montenegro. Natatawa na lang siyang isiping hahantong din pala ito sa buhay may asawa na noon pa man ay katakot takot na ang inani nitong tukso sa kanya na hindi na nito matatagpuan ang babaeng magmamahal dito ng tunay.
“Under de saya talagang yang pinsan ko ano? Takot maiwan,” natatawang sabi niya kay Amber at narinig niyang tumawa ito ng malakas. “Oh ikaw naman dakilang istorbo anu namang pumasok sa kukote mo at napatawag ka?” mataray niyang tanong.
“Baka gusto mong dumalaw dito sa RP, you know, para maiba naman ang mundo mo. Hindi yung lagi mo ng inabuso ang katawan mo sa pagtatrabaho dyan.”
“Alam mo naman ang reason ko di ba?” Simula ng mamatay ang boyfriend niyang si Miguel Michiko Alterra Takinaza, isang half Filipino half Japanese na kaklase niya nung college pa siya halos gumuho sa kanya ang lahat. Naaksidente ito sa isang car racing competition na naging dahilan ng maaga nitong pagkawala sa piling niya. Dahil sa labis na lungkot natagpuan na lang niya ang sariling nagmukmok sa isang tabi o kaya naman ay inaabuso niya ang kanyang katawan sa pagtatrabaho upang hindi na maisip ang sinapit ng kasintahan.
“Yeah I know, pero hindi naman siya matutuwa kung lagi ka nyang makikitang ganyan. Pag sala sa busy ka sa trabaho, nagkukulong ka sa kwarto mo at sinasarili ang lahat. Give yourself a break, Ally. Nag alala nang husto sa iyo si Tito. And speaking of Tito Allan, nagpunta siya nung isang araw dito upang ipaalam na ibebenta na niya ang kompanya dahil magreretire na siya o kaya naman daw ay imemerge iyon sa isang shipping company na pag aari ng pamiya ng kaibigan ni Ravel.”
“Bakit di na lang niya ipamahala kay Sandra?”
“He can’t. Hindi kayang i-maneuver ni Sandra ang DF Car Manufacturing Unlimited. You know naman your half sister, she’s making a name in a world of modeling.”
Bahagya pa siyang nagtaas ng kilay ng maalala ang interview ni Sandra sa isang show kung saan ipinangalandakan nito ang galing sa modeling at endorsing beauty products. Saglit siyang natahimik at nahulog sa malalim na pag iisip.
“Ally, are you still there?”
“Yeah, I am. Sorry ha nag iisip kasi ako ngayon.” Napabuntong hininga siya saka ulit nagsalita. “I’ll be there next week tatapusin ko lang ang pending kong transaction dito.”
“Buti naman, nauntog kana rin sa wakas. Kapal ng helmet mo ‘day, dalawang dekada din ang pinaghintay ng Pilipinas sa iyo bago mo naisipang bumisita. At isa pa wag kanang magmukmok ha, di bagay sa iyo.”
“Sino namang nagsabi sa iyo na nagmukmok ako? Wala na nga akong ginawa dito kundi gumala at magpayaman.”
“Bakit di mo tanungin ang alalay mo? Nagpapadala pa siya ng mga ebidensya sa akin, send ko ang mga .samples, gusto mo?” saka ito humalakhak ng tawa.
“Okay, okay. Bye na mag iinit pa ako ng tubig.”
“Aga mo namang magkape?”
“Aga mo ring mangulit. Ihuhugas ko sa utak ni Cielo. Ang baklang yun inilaglag na naman ako. Makikita niya ang kasamaan ko,” natatawa niyang sabi sa kausap na lalo pang nagpatawa dito.
Tuluyan nang naputol ang pag uusap nila at nakabuo na siya ng desisyon. Uuwi siya ng Pilipinas at pansamantalang iiwan ang buhay na mayroon siya sa Japan. Saka na lang ulit niya haharapin ang mga nakabiting issue sa kanyang buhay.
“Migs iiwan muna kita sandali ha. Don’t worry di naman ako matagal na mawawala,” pamamaalam niya habang hawak ang photo album niya.
BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Teen FictionIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...