Hi Cielo. Good morning. Si Allyssa?” nakangiting tanong niya sa alalay nito ng makasalubong niyang itong naglalakad palabas ng opisina.
“Naku Fafables utang na labas wag kang papasok sa office ni Amo,” natatarantang sabi nito.
“Bakit? Anung meron? May SPG ba?”
“Wala Fafables pero yung hitsura ni Amo pang horror.”
“Eh lagi namang ganun ang amo mo walang oras na hindi kasangga ni Kadiliman. Parang laging galing sa paghuhukay ng kamote,” natatawa pa niyang sabi.
“Iba yung ngayon. Daig pang pinaglaruan ng isandaang ligaw na kaluluwa ang loob ng opisina niya dahil may nawawala sa kanya. Dito kana muna may hahanapin lang ako sa bahay,” hindi na nito nahintay ang sasabihin niya dali dali na itong lumakad palayo sa kanya. Siya naman ay naiiling na lang saka tuluy tuloy na naglakad papunta sa opisina nito. Kahit siya nagulantang sa nakikita niya ngayon. Nagkalat lahat ng gamit nito pati ang sofa sa receiving area nito nakakalat sa gitna. Tama nga ang description ni Cielo sa estado nito ngayon.
“Anung itinatayo tayo mo dyan? Tutulong ka ba o papalayasin kita?” mataray na sagot nito. Gusto niya sanang matawa pero di niya magawa sa takot na bugahan siya nito ng apoy siguradong abo ang kalalabasan niya pag nagkataon.
“Sayang ang lahi ko.”
“Anu bang ginagawa mo?”
“Nagliligpit,” pilosopong sagot nito.
“May topak nga.”
“Anung hinahanap mo?”
“Yung wisdom tooth ko.”
‘Patawa ka, di ka naman clown.” Saka niya hinawakan ang mukha nito at ibinuka ang bibig nito. “Ayan oh, apat pa ang wisdom tooth mo. Kaw talaga.”
Siya naman ay natigilan sa pagkakahawak nito sa mukha niya. Parang napakaswabe pa nito at infairness biglang nag iba nag timpla ng init ng ulo niya bigla itong lumamig. “Allyssa gulo mo.”
Bigla ulit dumilim ang mukha niya. “Wag kang magulo ha baka samain ka sa akin.”
“Kayo talagang mga babae maraming oras na ang hirap nyong intindhin. Wala kang pinagkaiba kay Architect Zadriaga.”
“Sino naman si Architect? Girlfriend mo?”
“Oo. Oorder sana ako ng sasakyan sa iyo kaya lang sa isang araw na lang. Wrong timing ata ako ngayon. Anu ngang hinahanap mo?”
Lalo atang nagpanting ang tenga niya ng sabihin nitong may girlfriend na ito. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya umakyat papuntang ulo. “Waaah ayoko na. Nakakainis. Bakit di agad kita nakita di sana ako ang girlfriend mo ngayon.”
“Hoy babaeng bubuyog what are you looking at?”
“Yung panyo ko. Nawawala. Mahalaga yun sa akin.” Parang gusto niyang maiyak habang parang batang nagsusumbong dito.
“Panyo lang pala. Yaan mo ibibili kita ngayon din wait lang ha,” akmang tatalikod na ito ng bigla niyang hawakan ito sa braso.
“Sandali lang, kahit bilhin mo lahat ng panyo sa buong mundo hindi nun kayang tapatan ang panyong nawawala sa akin.”
“Gusto mo paimbestigahan ko kay Mareng Amber? Anu bang klaseng panyo yan? Ginto ba?”
Hinanap nito ang cellphone na napailaliman ng mga files sa ibabaw ng mesa. “Here it is,” saka nito ipinakita sa kanya ang picture. Napahakbang pa siya paatras at di malaman kung bubuka ba ang bibig para magsalita o tatakbo siya palabas. Nasa ganung estado siya ng bigla nitong yugyugin ang kanyang balikat.

BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Teen FictionIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...