Revenge

888 9 4
                                    

Mumukat mukat pa siya habang bumaba ng hagdan at namimigat pa ang kanyang katawan dahil na rin sa mga nangyari buhat ng tumuntong siya sa Pilipinas. Kung anu ano na lang ang kamisarablehang inabot niya at biglang naalala ang dahilan ng mga iyon. “Ang Zarech na yun, siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Pakakainin kita ng alikabok, makikita mo.”

Ipinupusod pa niya ang kanyang buhok nang lumapit ang kanyang cute na cute na inaanak na si Amiel. “Ninang bad morning. What happened to you Ninang, mukha kang monster? Maghilamos ka muna, please.”

“Ha? Maganda naman si Ninang di ba?” nakasimangot na sabi niya saka tumingin sa salamin. Ang mga bata nga naman, hindi nagsisinungaling. Sa sobrang pagod kasi niya kagabi di na niya nagawang maghilamos. Nagpumilit na nga lang siyang magtoothbrush at magpalit ng damit.

Tawa naman ng tawa ang mag asawa sa hitsura niya. “You two, ang bad nyo,” saka siya nagmartsa pabalik sa taas upang maghilamos ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ng makita niyang tumakbo papunta sa likuran niya si Amiel.

“Ninong Pogi! Sabi na nga ba dadalaw ka. Pasalubong ko?” saka nito inakay ang lalaki palapit sa kinatatayuan nila. “Ninong may ipapakilala ako sa iyo, pero wag mo siyang tatawanan kasi mukha siyang monster ngayon pero mabait siya,” saka naman siya hinatak ni Amiel paharap dito.

“Here’s my pasalubong to you, Amiel,” saka nito inabot ang paperbag na dali dali namang binuksan ng bata at sa huli’y nakalimutan na nito ang kapahamakan idudulot ng malikot nitong isipan na manang mana sa ina nitong detective.

Nanlaki pa ang mata nito nang makita siya at natutop nito ang bibig na tila pigil na pigil na ilabas ang nararamdaman nitong kasiyahan habang pinagpipiyestahan siya sa kanyang kaayusan.

“Ilabas mo na yang pinipigil mo baka magkalat ka pa at makasama pa sa sikmura ng mga tao dito,” matalim na sabi niya habang binilisan niya ang pag akyat sa hagdan. Rinig na rinig pa niya ang tawanan ng mga tao sa baba. Gigil na gigil siyang naghilamos at inayos ang sarili. “Sigehan mo pa Zarech ang pang aasar mo. Talagang inuubos mo ang pasensya ko ha.” Agad namang pumasok si Cielo upang ayain na siyang kumain.

“Amo, bakit di ka pa nag aayos? May problema ba? Sorry kahapon ha, ikaw naman kasi ayaw mong samahan kita na magtaxi na lang.”

“Okay na yun,” matabang na sagot niya. “Ayusan mo na lang ako, may babangasan lang ako pagbaba ko.”

“Wow! You look handsome, pinsan,” pang aasar ng kanyang pinsan ng makita ang naghuhumiyaw niyang orange na orange na buhok. Inirapan nya lang iyon at umupo sa silya at nagtimpla ng kape.

“Eh kung pingasan ko kaya yang kahahansome-man mo aber?” mataray na sagot niya.

“Baby, wag mong asarin si Ally, masama ang mood niyan dahil sa isa dyan,” saka nito tiningnan si Zarech na abala sa pagkukulingting ng cellphone nito. “Isa pa, ikaw rin baka magtago na naman yan kung saan mang lupalop na lungga ng may lungga mahirapan na naman tayong pabalikin siya dito.” Buti na lang ipinagtanggol siya ng kumare niya kung hindi tatlo na ang pasasabugan niya ng kasamaang bumabalot sa kanyang sistema. Saka siya tumindig upang magtungo sa kusina.

“Pwedeng mag request sa iyo, Miss?”

“Sure. Anu yun, Your Highness?” ngumiti pa siya ng matamis dito.

“Pwede bang ipagtimpla mo na rin ako ng kape?”

“Yun lang pala. With or without sugar?”

“Without,” saka nito inabot ang tasa at bahagya pang lumapat ang kamay nito sa kamay niya na daglian ikinapitlag niya buti na lang hindi ito nakahalata kung hindi aatakihin na naman siya nito.

Tumayo na siya at nagtungo sa kitchen. “Coffee without sugar pala ha?” Kakanta kanta pa siya habang nagtitimpla ng kape. “New invented coffee by Allyssa Li Mei Chen The Great Evil of all times. Sorry Migs, magpapakasama muna ako ng ilang minuto.”

Tapos na siya sa kanyang ginagawang new formulated mixing coffee nang may biglang tumikhim sa likod niya. “Ay kabayo.” Paglingon niya nakasandig sa pintuan si Zarech habang magkasalikop ang braso nito. Titig na titig na naman sa kanya katulad nung una silang magkita.

“Tapos ka na ba Miss?” ito rin ang itinanong nito nung una silang magkita sa convenience store. “By the way, ang ganda ng boses mo bagay sa buhok mo. Sa nakikita ko sa iyo parang nakita ko na kung anung hitsura ni Naruto kung ginawa siya ni Masashi Kishimoto na babae.”

Hindi na niya pinansin ang pang aasar nito. “Wait till you taste my ever devil coffee. Ngayon ko makikita si Orochimaru kung panu pumulupot ang dila papasok sa kanyang tiyan sa katauhan mo.”

“Here’s your coffee. Enjoy.” Iniabot niya ang tasa saka niya ito nilayasan at bumalik sa mesa. Patay malisya siya habang dumadampot ng hotdog sa plato. Paglingon niya hawak pa nito ang kape palapit sa kanya at nakiupo ito sa tabi niya. May kausap pa ito sa telepono habang ang mag asawa naman ay abalang abala sa sala habang nakikipagkulitan kay Amiel.

“Yes, Honey. I’m glad you like the flowers. Aha..yeah I’ll see later. Bye.” Hindi pa nito naiibaba ang cellphone ng may tumawag ulit dito. “Oh, Sandra, sweetheart. Can we see each other on the next day? yeah, busy ako mamaya I have an important meeting. Yes. Bye.”

“Liar. Mapikot ka sana. Bakit ba ako nag rereact ng ganito? Eh anu naman kung babaero siya. Hmmm..kakainis kana Allyssa ha kahapon ka pa.”

“Yung kape mo malamig na. Inumin mo muna. Here’s a sandwich para may kapartner.”

“Thanks. Ang bango ng kape. Hmmm,” saka nito iniangat ang tasa ng kape saka ulit tumingin sa kanya. “Wag mo akong pakatitigan baka maglaho na lang ako bigla.”

“Oh come on. Wag kang assuming. Inumin mo na ang kape,” sarkastiko niyang sagot.

Pagka inom pa lang nito ng isang lagok napasigaw ito ng malakas saka inihit ng matinding ubo. Siya naman ay tawa ng tawa at dali daling nagtatakbo paakyat at nagsara ng pinto. “Napapala mo. Sa susunod, pipili ka ng kakantiin mo Zarech, dahil pumapatol talaga ako.”

Nagkakagulo sa baba ngunit di siya natinag na kumilos man lang o silipin kung buhay pa si Zarech. Natatawa pa siyang isipin kung anu anung condiments ang inilagay niya doon. Binudburan niya iyon ng toyo, suka, asin at monosodium glutamate in short ‘vetsin with magic sarap.

Di ba ang sarap ng kape?

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon