Realization

678 6 0
                                    

Napatingin siya sa katabing tulog na tulog pa rin. “Ang babae talagang ito napakapasaway pero infairness to her she’s even more beautiful everytime I see her.” Hinaplos pa niya ng bahagya ang pisngi nito saka ito biglang naalimpungatan.

“We’re here.,” bungad niya. “Gosh! Kung ganito lagi kagandang mukha ang makikita ko parang ayaw ko ng pumikit pa.” Hinaplos ulit niya ang mukha nito na tila ba di pa nakuntento sa pagmamasid dito.

Napapitlag lang siya ng magsalita ito. “What are you doing?” Nanlalaki ang mata niya habang hindi makaisip ng idedepensa sa tanong nito.

“May dumi ka sa mukha tinanggal ko lang. Let’s go,” saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan saka umibis sa unahan para ipagbukas ito ng pintuan.

“Anung nangyari dun?” Nasabi na lang niya sa hangin kanina lang parang enjoy na enjoy ito sa paghaplos sa mukha niya ngayon naman ay para itong napapaso kung umakto. “Ang weird mo Zarech.”

“Andyan na sila,” narinig niyang sabi ng mga bata saka dali daling tumatakbo upang salubungin sila. “Kuya Pogi, Ate Ally…..”

“I’m sorry guys kung pinaghintay ko kaya. Tinanghali kasi ako ng gising,” hinging paumanhin niya saka kakamot kamot sa ulo. “Babawi ako sa inyo promise yan.”

“Okay lang po yun. Alam naman po naming kung gaano po kayo kabusy kaya kailangan nyo rin pong magpahinga ng mahabang oras.”

“I think we better go inside and start having fun. Let’s go!” masayang sabi ni Zarech saka siya hinila kasama ang mga bata.

Pakiramdam niya idinuduyan siya sa sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ngayon ulit siya naging normal na tao. Nung bata pa siya hindi siya masyadong nagpupunta sa mga park o kahit saang recreational area. Habang pinagmamasadan niya ang mga batang enjoy na enjoy sa pagsakay ng iba’t ibang rides doon ulit niya naappreciate ang salitang “bonding” na sa maraming taon ay ibinaon niya sa limot. She hated to see a one happy big family kaya madalas na nasa bahay lang siya o kaya naman ay abala sa kanyang mga hobbies kasama na roon ang pagkahilig niya sa mga sasakyan.

“Mukhang malulunod na ang sinumang iniisip mo ngayon ah,” nakangiting sabi sa kanya ni Zarech. “Di ka ba nag eenjoy?”

“No. I really enjoyed watching the kids. And that’s enough for me.”

“Wanna try to ride in bumping cars or how about rollercoaster?”

Namutla siya sa mga tanong niya. Di nga pala niya nasabi dito na takot siyang sumakay sa rollercoaster. Sanay na siya sa peligro pero parang di niya kakayanin ang sumakay sa rollercoaster dahil pakiramdam niya mawawala siya ng malay sa sobrang paninigas at takot. “Ah..eh..Pwede bang sa bumping cars na lang,” nag aatubiling sabi niya.

“Umamin ka nga sa akin. Takot ka bang sumakay sa rollercoaster?”

“Hindi ah. What made you think of that?”

“Namumutla ka kasi. You should overcome that. For sure di ka naman takot sa mga heights di ba?”

Kesa naman mabuko pa nito ang kanyang greatest weakness at pagpiyestahan pa iyon ng kantiyaw sumang ayon na rin siya. “Bahala na ang Justice League sa akin.”

Pagkaupo pa lang niya parang gusto ng lumitaw ng kanyang puso sa sobrang lakas ng tibok nito. Nanlalamig na rin ang kanyang kamay. “Zarech pwede bang sa bumping cars muna tayo.”

“Ha? Natatakot ka ba?”Saka nito hinawakan ang kanyang kamay. “Gosh nanlalamig ka ah. Let’s go, sa bumping cars na lang tayo,” hinila siya nito patayo.,

“No. Ayaw kong masira ang moment ng mga bata. You’re right I should overcome it,” matatag na sabi niya.

“But you’re scared. I don’t want to risk yourself,” titig na titig na sabi nito sa kanya na lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay niya saka siya nito niyakap. “You’re trembling.”

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon