The Truth

587 7 0
                                    

“Cielo, bilisan mo we have to catch our flight, ayaw kong magpang abot pa kami ni Mr. Dela Fuente dito,” nagmamadaling inilalagay niya ang mga gamit niya sa maleta.

“Amo, ito na nga oh patapos na ako. Bakit ba nagmamadali ka? Anu ba talagang nangyayari?”

“Wag kanang maraming tanong mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo. Ang mahalaga makaalis agad tayo,” hila hila na niya ang maleta pababa ng hagdan.

“Where are you going my half sister?” Mataray na tanong sa kanya ni Sandra.

“Aalis na ako. Sa iyo na ang kompanya ng tatay mo.”

“Mabuti naman kung ganun. Hindi ka makakaalis hangga’t di mo sinasabi kung saan ang punta mo? May ginawa ka sigurong kasalanan kaya ka ganyan.”

Wala na siyang time para magpadala pa sa pang aasar nito. “Babalik na ako sa China. Ano? Masaya kana?” Pero sa halip na matuwa ito bigla itong sumeryoso at hinarangan siya sa pintuan. Nakipagtagisan siya ng tingin dito saka inabot kay Cielo ang maleta.

“Hindi ka pwedeng umalis. Matuto ka namang gumalang kay Daddy aalis ka na di man lang ng nagpapaalam.”

Walang imik bigla niya itong binigyan ng isang suntok sa sikmura na naging dahilan upang makawala ito sa pagkakahawak sa hamba ng pintuan. Dali dali silang lumabas ng bahay at pumasok sa kanyang sasakyan.

“Manong sa NAIA tayo. Pakibilisan na lang po kailangan kong makahabol sa flight namin.” Nagtataka man ang pobreng driver hindi na ito nag abalang magtanong. Bigla niyang naalala si Zarech.

“Saka na kita kakausapin para mamaalam sa iyo ng pormal.”

 

Napaatras pa siya ng tatlong hakbang ng pagbaba niya ng kotse ay kitang kita niyang nakasandig sa kotse nito si Zarech kasama ang dalawang lalaki. Iiwas na sana siya ng bigla itong magsalita.

“Can we talk for a while?”

“Look Zarech I’m in hurry. Maiiwan kami ng flight namin,” bagamat nahihirapan siyang magsalita pero humanga pa rin siya sa kanyang sarili dahil nasabi niya iyon ng hindi siya nabubulunan. Ayaw nyang umalis ngunit may mga bagay siyang gustong linawin sa kanyang nakaraan. Tama, ito na panahon na para harapin niya ang kanyang nakaraan upang mapalaya niya ang kanyang sarili at maging masaya tulad ng mga bata sa foundation. Baka nga hindi pa huli ang lahat sa kanila ng kanyang ama. Baka kahit konting respeto o pagmamahal may maisalba pa.

“Okay,”  malungkot na sabi nito habang nakamasid lang ang dalawang kasama nito.

“Wag mo akong patayin sa konsensya Zarech. Makakabuti para sa lahat itong ginagawa ko.”

“Hey, I’ll be right back. Saka na tayo mag usap,” saka siya tumalikod at sinimulan ng maglakad palayo sa mga ito. Nakakailang hakbang pa lang siya ng bigla niyang maramdamang may yumakap sa likod niya. They stay for a short second saka siya nito unting unti ipinaling paharap dito.

“Please stay, don’t go,” titig na titig ito sa kanya at kitang kita niya na punung puno ng emosyon ang mga mata nito.

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon