“Anu bang pumasok sa utak ko at sinakyan ko pa ang trip ng Shale na yun. Hay, bago ako naman ang nahihirapan ngayon,” kastigo niya sa sarili habang nakasandal sa swivel chair at nakatingala sa kisame. Maya maya hindi pa rin siya mapakali sa kanyang kinauupuan kinuha niya ang kanyang paboritong gitara saka sinimulang kalabitin iyon at kalaunan ay sinabayan pa niya ng pagkanta. Naputol lang iyon ng makarinig siya sunud sunod na katok.
Dali dali niyang pinagbuksan ang pinto saka siya napamulaga sa taong nasa harapan niya ngayon. “Batas napasugod ka. May problema ba?” nakangiting sabi niya habang nakahawak siya sa hamba ng pintuan. “Trouble,” sa isip isip niya madilim kasi ang mukha ng kaharap niya ngayon.
“Anu ba Zac? Papasukin mo ba kami o tatadyakan kita kasama ng pinto?” matapang sabi nito sabay tulak sa kanya at dire diretsong pumasok ito saka pinagdiskitahan ang gitarang nasa ibabaw ng mesa niya. Akmang itataas nito ang gitara ng magsalita siya.
“No Batas. Please don’t do that, kaliskisan mo na ako wag mo lang sisirain ang dahilan ko para mabuhay pa ng mas matagal,” nagmamakaawang sabi niya saka dahan dahang lumapit dito.
“Para kang praning itotono ko lang dispalinghado na kasi parang yung may ari.” Saka lang siya nakahinga ng maluwag at unti unting sumilay ang ngiti sa mukha niya nung bumaling siya sa kasama nito.
“Batas di mo sinabing may binibini kang kasama. Hey, Miss what can I do for you? You want coffee, juice or me?”
“None. Thanks,” matipid na sagot nito siya naman ay napasimangot habang titig na titig dito. Pakiramdam niya nakita na niya ang babaeng ito di lang niya matandaan kung saan at kailan. “Ah baka isa sa mga avid fan ko. Gwapo ko talaga.”
“Pasensya kana Rett sa kutong iyan tatlong buwan na kasing di nakakatikim ng dugo kaya ganyan. O siguro in love dun sa bago niyang business partner,” nakakalokong sabi ni Batas sabay kumindat pa sa kanya.
“Anung in love? Hindi ‘no?” Mariing tanggi niya pero pakiramdam niya nag iinit ang pisngi niya at biglang naalala ang kanyang business partner na mas lalaki pang kumilos sa kanya.
“You’re blushing ‘dre. Ni minsan talaga di pa ako sumablay sa aking nakikita at nararamdaman. So pano maiwan ko na kayo. I have an important meeting with Lynx,” saka ito tumindig at humalik pa sa kanyang pisngi at naglakad palabas ng opisina niya. Naiwan naman siyang nakatingin lang sa kawalan dahil sa sinabi nito. “Am I inlove or not?”
“Wala talagang magawa ang isang yun kundi mang alaska ng kaibigan. Ginagatungan pa naman ng Lynx na iyon. Pagbubuhulin ko kaya silang dalawa sa susunod makaganti man lang ako.” Tumikhim naman ang babaeng kasama niya na hindi pala sumunod sa umalis na kaibigan.
“You asked me what you can do for me right? Well, madali lang naman ang hihingin kong pabor sa iyo kung tutuusin,” narinig niyang sabi nito saka lumapit sa kanya at iniabot ang isang puting envelope. Pagkabasa noon tango lang ang naging sagot niya rito.
Wala pang alas syete nasa labas na ng gate si Shale at matiyagang naghihintay sa kanya. Nakonsensya naman siya kaya pinapasok muna niya ito hanggang sa makapalagayan na nito ng loob si Mr. dela Fuente palibhasa makwento ito kaya aliw na aliw ang ginoo.
“Wow Amo, to the highest level na to ha. Siya na ba ang lalaking magpapatibok ulit ng puso mo. Ayiieee, so kinikilig much,” natatawang sabi sa kanya ni Cielo habang inaayos ang kanyang buhok.
“Tse, tumigil ka nga dyan sa kakakilig mo, para kang basang sisiw. Excuse me po, Mr. Conrado Babagto Sulambi baka di ako matunawan sa iyo,” ganting asar niya saka niya kinuha ang bag na nakapatong sa kama.
“Grrrr..Amo wag na wag mo na ulit sasabihin yang pangalan na yan ako ang hindi matutunawan ng isang linggo ng lagay na yan. Ang inay naman kasi masyadong pinakaseryoso ang pag iisip humantong tuloy sa paghuhukay ng kamote ang pangalan ko. Amo, Cielo na ang pangalan ko C-I-E-L-O,” nagmamakaawang sabi nito sa kanya. Siya naman ay tatawa tawa lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/8233068-288-k383125.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Teen FictionIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...