Officially Announce

815 6 0
                                    

“Wow, Amo hindi kita nakilala ang ganda ganda mo talaga. At syempre magkasingganda tayo,” masayang sabi ni Cielo na katatapos lang siyang imake over. Ito ang alalay niya simula pa nung makatapos siyang ng college at mag excel sa iba’t ibang larangan na kinabibilangang niya. 

“Cielo umaariba kana naman ha, lamang ako ng tatlong paligo sa iyo at hindi hamak na mas seksi ako,” natatawang asar niya dito.

“Alam ko naman yun Amo, sinusubukan ko lang kung makakalusot.”

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Kahit siya hindi rin niya nakilala ang kanyang sarili sa ayos niya ngayon. She was simply wearing a knee cut dress with a black coat. Gusto niya lang na natural ang hitsura nya pagharap niya sa board meeting mamaya. Kinakabahan man pero iniisip na lang niya na kailangang pumasa sa panlasa ng mga members ang proposal niya at agenda na ihahain niya bilang bagong presidente ng Dela Fuente Manufacturing Company. Inaasahan na rin niya na hindi maaaring pagdudahan ang kapasidad niya na ihandle ang ganoong kalaking kompanya. But she was all prepared. Hindi na bago ang lahat para sa kanya, ang kailangan lang niyang gawin ay tatagan ang kanyang sarili sa harap ng mga ito.

Pagbukas pa lang niya ng pinto ng conference room tumambad na sa kanya ang lahat ng taong naroon. Inihanda na niya nag kanyang simpleng ngiti na maraming beses niyang pinag aralan sa harap ng salamin.

“Good morning,” masiglang sagot niya. Ngunit ang nakaagaw pansin sa kanya ay ang pagbaling ng upuan ng lalaking nasa dulo ng mahabang mesa sa tapat ng upuan niya na gulat na gulat na napatingin sa kanya. “Kumusta ka Mr. Coffeetaster.”

“You’re late,” matigas na sabi nito. “Let’s greet her so we can start now. My time is running out marami pa akong aasikasuhin sa opisina ko.”

Nagsipag batian naman ang lahat sa kanya. Kesa patulan pa ang kasupladuhan nito si Mr. dela Fuente na ang nagsalita.

“Everyone meet my newly appointed president of this company and I also finally turned over and entrusted everything with her, Miss Allyssa Li Mei Chen,” saka siya nito nilapitan para kamayan bago hinalikan sa pisngi. “Congratulations, Ally,” nakangiting sabi nito bagamat alam niyang may halong lungkot sa mata nito. Sandali niya lang itong tiningnan saka bumaling sa mga taong narinig niyang nagtatanong.

“Are you related to Mr. Jiao Xie Chen? He had a resemblance to you, Hija?” lantarang tanong sa kanya ni Mr. Castro ang board secretary.

“You’re flattering me, Mr. Castro, but we’re not related to each other. Maybe we are accidentally have the same family name,” nakangiting sagot niya.

“Sorry kung napagkamalan kong kamag anak mo si Mr. Chen?”

“That’s alright, Mr. Castro. Shall you start your presentation Ms. Chen?” naiinip na sabi ni Zarech habang panay ang sulyap sa relo na tila ba hindi ito komportable sa pagkakaupo nito.

“Nakakainis ka ng antipatiko ka? Bakit hindi sinabi ni Dela Fuente na andito ang kulugong Zarech na ito.”

Pinilit niyang magtimpi pero hindi nakatakas sa paningin nito ng magtaas siya ng kilay habang nakatingin dito saka pinindot ang play button. Ngumiti lang naman ito ng nakakaloko at enjoy na enjoy habang inaasar siya.

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon