Good to be true

748 8 1
                                    

“Magandang umaga po Mam,” magalang na bati sa kanya ng mga empleyado sa working site ng mga sasakyan. Nagbago na rin sng pakikitungo ng mga ito sa kanya simula ng mapadalas ang kanyang pagpunta sa working site upang alalayan ang mga ito sa pagtatrabaho. Hands on lahat ang ginagawa niya upang masiguradong dekalidad lahat ng produkto nila. Open na rin ang mga ito sa kanya lalo na sa usaping trabaho at minsan pa nga sa kanila kanilang problema.

“Magandang umaga din po Mang Gener. Dito lang po ako sa dulo, may inaayos lang po akong sasakyan, kung may maghahanap po sa akin pakisabi po andun lang ako,” sabay turo niya sa itim na sasakyan na nakaparada sa dulo.

“Sige po Mam. Mag iingat po kayo.”

Sinimulan na niya ang pagkukumpuni niya sa sasakyan niya na balak niyang gamitin habang andito pa siya sa Pilipinas.

“Boss pwede bang dito ko na ipark itong sasakyan ko. Ipapacheck ko lang,” magalang na sabi ng isang lalaking na sa tantya niya ay nasa bandang paanan niya. Dali dali naman niyang itinulak ang mini cart kung saan siya nakahiga habang masusing kinukumpuni ang kanyang sasakyan.

Nagpagpag muna siya saka tumunghay sa kaharap. Napatigil siya sandali ng makita ang maamo at maaliwalas nitong mukha. “Naku pasensya na Miss, nakaabala pa ata ako sa ginagawa mo,” magalang na sabi nito saka naglahad ng kamay sa kanya. “By the way, I’m Shale Madrid,” nakangiti pa rin ito at hindi niya malaman kung aabutin ba niya ang kamay nito o hindi. “Infairness magalang na ginoo.”

Sa huli’y inabot na rin niya ang palad nito. “Pasensya na medyo madumi ang kamay ko may inaayos rin kasi ako. Ako naman si Allyssa Chen. Empleyado ako rito.” Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Tumitig pa ito na tila kinakabisado agn parte ng kanyang mukha.

“Alam mo may kamukha ka?”

“Ako? Sino?” maang na tanong niya dito.

“Kamukha mo yung nanalo sa World Car Racing Competition last year. Teka ikaw nga yun,” saka siya nito pinasadahan ng tingin.

“Sir nagkakamali po kayo. Simpleng empleyada lang po ako dito,” paliwanag niya batid niyang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya kundi may gusto pa itong itanong sa kanya. Ngayon nag iisip siya ng pwedeng itanong para i divert  sa ibang bagay ang atensyon nito.

“Siguro nga. Pasensya kana Miss, fan kasi ako nung champion na yun na nakita ko sa Japan last year. Wait, pakita ko sa iyo mga pictures niya kunin ko lang sa car ko.” Tumalima naman agad ito upang kunin ang camera. Ipinakita nito ang picture ng isang babae habang kampanteng nakaupo sa loob ng sasakyan at hawak ang manibela na tila ba naiinip. Maganda itong kumuha ng anggulo kaya naman agaw pansin ang imahe ng babaeng iyon.

“Sir ang galing nyo namang kumuha ng picture. Infairness maganda nga siya pero parang suplada nakasimangot kasi.”

“I think hindi siya suplada, naiinip lang siguro kasi that time ang tagal bago nagsimula ang competition,” malumanay pa rin nitong paliwanag habang ipinapakita pa nito ang iba nitong stolen shots.

Bigla namang may tumikhim at humawak sa balikat niya. Sabay pa silang napalingon ng makitang pinaglayo na pala sila ni Zarech. At hindi niya namalayang na ganun na pala kalapit ang katawan nila ni Shale sa isa’t isa. Nagandahan kasi siya sa mga stolen shots na ipinapakita nito kaya ganun na lang ang pagkawili niyang mapalapit dito.

“Approachable naman siya at magalang kaya okay lang di ba Migs?”

“Pare long time no see,” bati agad ni Shale kay Zarech saka tinapik nito ang balikat ng kausap.

“Panu ba tayo magkikita kung wala ka namang talagang oras para makipagkita sa amin kasi busy ka sa subject mo ngayon,” nagtatampong sabi ni Zarech.

“Teka lang nakakahalata na ako kung mag usap kayo parang wala ako sa harapan nyo ah. Mga kurimaw, binabawi ko na ang nauna ko ng press release sa iyo, Shale.” Nagmamaktol na sabi niya sa kanyang isip. “Mga Sir babalik na ako sa trabaho ko. Excuse me po.”

“Allyssa pwede bang ikaw na lang ang tumingin sa sasakyan ko mukhang magaan ang kamay mo. Sensitive pa naman ang baby ko. Baka ikaw ang makakapagpatino sa kanya,” nakangiti na naman sa kanya si Shale saka itinuro ang itim nitong sasakyan.

“Hay, kung ganito ba naman lagi ang makikita ko gaganahan talaga ako magtrabaho.” Ayaw niya sa mga taong suplado katwiran niya saksakan na nga siya ng sama ng ugali ayaw na niyang makasama ang isa’t kalahating balahura. Mas gusto niyang makatapat ay mababait para balanse. Napabaling siya ng tingin kay Zarech na madilim ang mukha. “Kakatakot ang isang ’ to kabilang siguro ito sa Kingdom Animalia class carnivorus.”

Okay, maiwan ko na po kayo. Tapusin ko lang po itong nasimulan ko saka ko po ichecheck ang sasakyan nyo.”

“Pare mukhang na misinterpret mo ata. Si Miss Chen ang may ari ng kompanyang ito. Andito lang siya sa working site upang isupervise ang lahat.” Tumingin ito sa kanya saka niya pinadilatan ng mata. Damuho talaga ito ibinuking pa siya.

“Pero sabi niya Pare,” naputol na ang sasabihin nito. “Anyway, kung okay lang sa iyo Allyssa mukha namang nag eenjoy ka sa ginagawa mo kung di makakaabala sa iyo sana ikaw pa rin ang mag supervise sa pagchecheck ng sasakyan ko,” panay pa rin ang pacute nito sa kanya.

“Okay. No problem. Ipapatawag ko na lang po kayo sa staff ko pag okay na ang sasakyan mo. Pakiiwan na lang po ang contact number nyo.”

“Wag kanang gumamit ng po sa akin I’m only 28 years old as you can see. Nahihiya nga ako sa iyo eh, ang daldal ko yun pala ikaw ang may ari nito.”

“No. It’s okay. Natuwa naman ako sa mga ipinakita nyo. Walang duda gifted ka talaga when it comes to photography.”

“See that Pare, ang daming nakakaappreciate na gifted ako,” pagyayabang nit okay Zarech.

“Sige lang Shale iganti mo ako sa balahurang iyan.”

“Oo na. Nagyayabang kana naman. Tara na nga naghihintay na sila sa labas lagot tayo kay Batas pag na late tayo. Tama na rin pagpapacute mo di bagay sa iyo para kang tuta.”

“Nagseselos ka lang dahil walang pumupuri sa iyo.

“Wala kasi tayo sa entablado kaya ka nagkakapagsalita ng ganyan. Maiwan kana namin Miss Chen, baka kung anu pa ang maikalat nitong madaldal na ito. Mag usap na lang tayo pagbalik ko,” nagsimula ng maglakad  palayo ang dalawa.

“Kahit wag na.”

“Amo, sinong yung poging kasama ni Fafables, ang hot niya ha?”

“Napaso ka ba at nasabi mong hot siya?”

“Amo naman, namimilosopo ka pa. Masama bang makaappreciate ng naglalakad na regalo galing sa taas?”

“Sige na nga magpantasya kana lang. Pero Cielo ang bait nya promise at ang cute nyang ngumiti nakakawala ng pagod.”

Nanlaki ang mata ni Cielo saka sinalat ang kanyang noo pati pulsuhan. “Anung ginawa mo kay Amo? Ilabas mo siya kung hindi gugulpihin kita ng kaliwa’t kanan with matching kiss pa oha?”

“Cielo wag kang OA kumita na yan.  Wala namang masama kung makaappreciate ako paminsan minsan ng ibang lahi bukod sa akin at sa iyong kagandahan ?”

“Big check Amo. Ganyan nga dapat para maging normal ka ulit. Hindi yun parang galing ka sa ibang planeta o rebulto ka na di nakakaramdam.”

“Nagbabago na nga ako baka multuhin na ako ni Migs pag patuloy akong naging malupit sa kalahi niya. Pero hindi ko pa rin mapapatawad ang ugali ni Zarech.” Pero ang gumugulo sa sistema niya ay ang ipinakita nitong reaksyon kanina.

“Bakit parang galit ang Zarech nay un? Siya na nga ang nakaistorbo sa posibleng maging boyfriend ko siya pa ang masama ang timpla baka brokenhearted kaya ganun hahaha.”

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon