Credit

705 7 0
                                    

Magaan ang pakiramdam niya habang bumaba sa hagdan. Halos isang linggo na siyang nakatutok sa pag aaral ng pasikut sikot tungkol sa kompanya at sa ugali ng mga empleyadong hahawakan niya. Nakabuo na rin siya ng mga gagawing pagbabago para sa ikakaunlad ng bawat isa. Pansamantala munang isinantabi niya ang lahat ng mga problemang bumabagabag sa kanya. Napadako ang tingin niya sa hapag kainan nang makitang ipinaghahanda pa ng pagkain ni Sandra si Mr. Dela Fuente.

“Ally, join us in breakfast,” nakangiting bati sa kanya ng matanda. Ngunit nagtaas lang siya ng kilay saka humila ng upuan at nagtimpla ng kape. Patay malisya lang siya sa mga taong nasa paligid niya.

“Papasok ka ng ganyan ang suot mo? Faded pants and shirt? Are you out of your mind?” Nanlalaki ang matang tanong ni Sandra habang sinusuyod siya ng dalawang mata nito mula bumbunan hanggang talampakan.

“Excuse me,” mataray na sagot niya. “No one in this place can tell me what will I wear or not. This is where I’m comfortable with. If you have a problem then blows it in your face.” Tatayo na sana siya dahil hindi na niya kayang makasama ang mga ito ng matagal.

“Sandra, hayaan na natin si Allyssa sa gusto nyang isuot o gawin,” malumanay na sabi ni Mr. Dela Fuente.

“Dad, I won’t allow her to taint our good reputation. She’s totally messed herself. Look at her, anu na lang sasabihin ng mga kliyente natin pag nakita ang ayos niya. She won’t earn respect whoever sees her.”

“Can you please shut up your mouth? I don’t care about your so calledrespect. You don’t know anything about me so stop judging me the way I dress as if you can change me.” Ito naman ay natahimik bigla ng makitang unti unti ng bumabangon ang inis niya.

“You’re ruthless.” Magsasalita pa sana ito ng may bumating lalaki sa likuran niya.

“Good morning everyone. Wow! Tamang tama pala ang dating ko. May dala akong mainit na pandesal kapatid ng kapeng hawak mo Miss,” wala itong pasintabi na umupo sa upuang katabi niya. Bahagya pang naglapat ang kanilang brao upang maging dahilan ng pagbaling niya ng tingin ditto. Ngiting ngiti ito sa kanya habang siya naman ay unti unting dinadaluyan ng kuryente sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat. Halos manlaki ang mata niya ng isawsaw nito ang hawak na pandesal sa kape niya at kinagat iyon. Hindi niya maintindihan ang kanyang bibig kung bakit ayaw nitong bumuka upang sawayin ito sa ginawa nito sa pobre niyang kape.

“Pa share ha, mukhang ang sarap ng kape mo.” Saka ulit ito nasisiyahang isinawsaw ang pandesal na hawak.

“I’ll go ahead baka di ko mapigilan ang sarili ko at basta ko na lang isaboy sa isa dyan ang kape ko,” saka niya tinitigan ng matalim si Zarech na tatawa tawa lang.

“Nakakatawa ka pang herodes ka. Araw mo ngayon bukas ako naman.”

Abala siya sa pagdedesign ng sasakyan niya sa computer ng biglang may kumatok. Wala si Cielo kung kaya’t hindi na siya nag aabala pang kumilos o lumabas man lang ng kanyang opisina. Pinindot na lang niy ang remote control saka iniluwa niyon si Zarech.

“Hi. Did I disturb you?” Ito na naman ito sa cute gesture nito. Hindi niya maintindihan kung nagpapacute ba ito o since birth na itong cute. Inilapag nito ang supot sa harapan niya.

“What can you do for me except from disturbing me?” matabang niyang sagot dito. Naiinis pa rin siya sa pagmamaltrato nito sa kape niya kaninang umaga.

“It’s late in the evening di ka pa ba uuwi? Nag aalala ang mga empleyado mo maghapon ka raw nagkukulong dito sa opisina ni hindi ka daw humihingi ng kahit anu sa kanila. Takot daw silang katukin ka baka daw magalit ka lang.”

“I’m glad to hear na concern din naman pala sila sa akin kahit papano.”

“Actually they are. After I talked to them na nag aadjust ka pa lang kaya medyo aloof ka pa na eventually magiging close ka rin sa kanila. I explained everything to them para naman maging komportable sila though I don’t know much about you and they told me they wanted to know you more as much as I do,” pagpapaliwanag nito habang nakatingin pa rin sa kanya.

“So it means my utang na loob pa pala ako sa iyo. Tell me how can I pay it? Ayaw kong magkaroon ng utang na loob kahit kanino.”

“Wow! I can’t believe this, for the first time in my life ngayon lang may tumanggi sa grasya na mula sa akin. Don’t worry pag iisipan kung mabuti ang ibabayad mo sa akin. I don’t want to lose my chance,” nangingiting sabi nito. Sa halip ay madismaya ito o magalit mukhang may binabalak pa ito laban sa kanya. Siya naman ay napakagat ng labi habang kung anu ano ang tumatakbo sa utak niya sa kung anu ang hihingin nitong kabayaran sa kabayanihan nitong ginawa. Mukhang nagkamali siya ng desisyong magmatigas ditto, tuloy ngayon ay nahaharap siya sa alanganing sitwasyon. “I hate you, Allyssa. Bakit di ka makapag isip ng maayos kapag nasa harap mo ang lalaking iyan?”

“Is there anything, Mr. Montereal? If you have nothing to say I guess you can go now.”

Tumayo ito sa harap ng mesa at itinuon ang dalawang braso nito na naging dahilan upang makulong siya sa mga mata nitong titig na titig sa kanya. Wala naman siyang magawa kundi ang salubungin ang nakakaadik nitong pagtitig sa kanya. “Itinataboy mo ba ako Miss Chen? Sa pagkakaalam ko magbabayad ka pa sa akin di ba?”

Napaatras siya sa kinauupuan niya. Malapit ang mukha nito sa mukha niya. Hindi siya komportable sa sitwasyon nila ngayon. Hindi niya alam ang kalibre nito at baka may dugo itong rapist. Narinig niyang tumunog ang cellphone nito at dali dali iyong iniangat. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng unti unti itong lumayo at ibinaling ang atensyon sa kausap.

“Wew! It so close, Ally.” Saka pala niya namalayang pinipigilan niya ang paghinga kaya ngayon hapung hapo siya na parang nakipagkarera.

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon