“Sis I’ll go ahead take charge muna kay Mommy at Daddy. Anung gusto mong pasalubong?” malambing na pamamaalam sa kanya ni Sandra saka ito humalik sa kanyang pisngi. Magkasundo na silang dalawa at itinuring na parang tunay na magkapatid ang isa’t isa. Nagtapat ito mismo sa kanya na hindi naman talaga bukal sa kalooban nitong maging maldita sa kanya ginawa lang nito lahat ng alam nitong paraan na pwedeng maglapit ulit sa kanilang mag ama.
“Isang box na Cadbury chocolate okay na sa akin.”
“Ikaw talaga. Sya sige ikaw naman ay lumabas labas ng bahay nagmumukha kanang ermitanya.”
Natawa na lang siya sa sinabi nito saka niya dinampot ang cellphone na nag iingay. Halos tumilapon ang cellphone niya ng tumingin siya sa screen. Nakasulat dun ang dahilan ng pagkagulat niya.
“It’s time to meet him.”
Nagising na lang siya sa malalakas na katok na nagmumula sa pinto ng kanyang kwarto.
“Hay istorbo. Sandali,” pasigaw na sabi habang nag aagaw buhay pa ang diwa niyang halos hindi nakakatulog ng buong magdamag.
Pagbukas niya ng pinto tumambad ang mga nakapajamang nilalang at gulung gulo pa ang buhok na animo’y mga zombie na handa siyang sakmalin.
“Anu bang kalokohan na naman ito? Magsiuwi na kayo,” isasara na niya ang pinto ng itinulak ng mga ito iyon at dirediretsong tumakbo papasok sa loob ng kwarto.
“Anu bang ginagawa nyo dito? Axel may panis na laway ka ba maghilamos ka nga muna. Pag nalaman ng fans mo na naglalaway ka pa siguradong bagsak ang career mo.”
“Okay lang yun. Di ba kayo naman ang dakila kong fans di ba Shale?”
“Korek. Zac panguyain mo yan ng kape ng matauhan.”
“Walang laglagan ‘dre. Maiba ang usapan natin nandito kami dahil ang dami na naming death threats na nareceive sa anak ng kataas taasang heneral kaya napasugod kami dito. Ewan ko ba sa taong yun tindi ng sapak,” si Shale naman ang nagsalita habang may kung anung ginagawa sa cellphone niya.
“Si Batas? Shale put my cellphone down. Where’s Lynx?”
“He’s in China. May business meeting siya sa kalaro niyang Chinese at balita ko may pupuntahan pa siyang festival. Anu nga yun Axel?”
“Give me time to think Shale medyo naligaw na naman ng konti ang mga nerves ko di magcirculate ng ayos. Ahm..”
Napasigaw siya ng may biglang maalala. “What’s the date today?” habang parang inaalihan ito ng demonyong naghahanap ng kalendaryo.
“It’s August 13, 2013 ‘dre.”
“What?”nanlalaki ang matang sabi niya habang hinahagilap ang ilang gamit sa cabinet. “How can I be stupid na nakalimutan ko ang petsa ngayon. Kaya ba andito kayo para pigilan ako?”

BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Fiksi RemajaIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...