For my Friend

640 9 2
                                    

“Sir mukhang dumadalas ang pagbisita nyo dito ah?” agang agang panunukso sa kanya ni Maricon ang frontliner sa DFCM Co.

Napabuntong hininga siya. Kahit siya hindi niya pa rin masagot sa kanyang sarili kung bakit parang laging gusto ng kanyang mga paa na tumuntong sa building na iyon at masilayan ang bago nitong president. Matagumpay naman nilang naisagawa ang mga proseso ng kanilang proyekto at kung tutuusin wala na silang masyadong pag uusapan o kaya naman gagawin pa. “You made me a sleepless night, Allyssa. Marami akong gustong malaman sa pagkatao mo at yun ang misyon ko ngayon. You caught my interest the very first time I saw you.”

“May ikokonsulta lang ako kay Miss Chen. Nasa office ba siya?”

Sasagot pa sana si Maricon nang may kumapit sa braso niya. Nagulat pa siya ng makita si Sandra. “Hi Zac, what brought you here? I’ll call you up pa nga sana to invite you on our dinner later.”

“Sand, I’m afraid I can’t go with you. May natanguan na kasi akong meeting mamaya.”

Lumungkot naman ang mukha nito saka ito tumingin sa kanya. “Please Zac, baka naman maiicancel mo yung meeting mo,” nangungusap na sabi nito.”

“Okay, I try my best. I’ll call you later but for now I’ll excuse for myself, I have to talk to Allyssa for some important matters,” mahinahong sabi niya pero abot abot ang dasal niyang pumayag na ito agad sa gusto nya.

“Okay Zac, I’ll see you later,” tumingkayad pa ito saka humalik sa kanya. Buti na lang at malakas ang pakiramdam niya, ang halik nitong sa labi sana niya dadampi ay sa kanyang pisngi napalapat dahil nagawa niyang ibaling ang kanyang mukha sa pinto ng opisina ni Allyssa.

Palabas na sana siya ng opisina niya upang kausapin ang HR Manager nila nang makita niyang sweet na sweet na magkausap sina Zarech at Sandra. Bahagya muna siyang tumigil upang pagmasdan ang dalawa. Pero hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman  ng mga oras na yun. Parang gusto niyang hilahin si Zarech at ilayo kay Sandra. Gusto niyang maranasan yung pakiramdam ni Sandra habang nag uusap ang mga ito ng ayos at di nagbabangayan. Sa ilang linggo nilang pagsasama sa proyekto unti unti niyang nalaman ang ugali nito. Iba na rin ang pakikitungo nito sa kanya. Bagamat nagtatalo pa rin sila sa maraming bagay pero napag uusapan na naman nila iyon ng maayos. Caring din ito sa kanya, idagdag pa dito ang madalas na pagdalaw nito na may dalang kung anu ano sa kanya. Kung di lang siya nahihiyang magtanong kung bakit nito ginagawa ang mga ganung bagay sa kanya ginawa na niya.“Ha? Natututo na pala akong mahiya no? Eh ano naman ngayon? Wag kanang mahiya Allyssa kesa isip ka ng isip ng kung anu ano mabaliw ka pa, ikaw rin? Sa nahihiya nga ako anong magagawa ko? Baka naman sumagot lang siya na ganun talaga ang ugali niya na caring talaga siya at sweet. Ewan ko sa iyo Allyssa nakakapagod makipagtalo sa iyo.”

“Ehem…Are you okay Miss Chen?”

“Yes Mr. Montreal.” Nakatingin lang ito sa kanya ganun din naman siya. The way they greet with each other ibang iba talaga the way he did towards Sandra.

“Aw, Allyssa anu ba? Nagiging assuming kana ha.”

“Can I come in? May gusto sana akong idiscuss sa iyo. Or should I say may proposal sana ako sa iyo.”

“Sure,” nauutal pang sagot niya. “Umayos ka Allyssa ha. Nakakahiya kana talaga.” Saway niya sa kanyang sarili. Prenteng prente itong umupo sa upuang nasa harap ng table niya. Inayos niya ang kanyang sarili at mas pinapormal pa niya ang kanyang sarili sa harap dito. “So, anu yung proposal na sinasabi mo?”

“You knew Shale right?”

“Yes. He’s a guy owned that black sports car and a talented photographer.”

“He wanted me to ask you a date with him on Saturday. Kahit kasi ubod ng daldal ang isang iyon sa maniwala ka at sa hindi sobrang torpe nun,” tinatamad na sabi niya dito. “Damn man, bakit ako pa ang inutusan mo? Bakit ko ba ginagawa ito? Hay. Baka naman ang gusto mo Zac ay ikaw ang ka date nya at hindi ang kaibigan mo. Anu ka ba di ko siya type ‘noh? Eh bakit ganyan ka ngayon? Kulang na lang sabihin mong kayo na lang ang magdate.”

Sandali itong nag isip saka ito tumingin sa kanya. “Tell him fetch me at my house, 7pm sharp on Saturday. Ikaw na magturo sa kanya kung saan ang bahay namin. I’ll go ahead madami pa akong aasikasuhin,” saka ito dire diretsong lumakad at siya naman ay naiwang tulala.

“Anung meron sa isang yun? Laki ng topak ah. Eh kasi dude hindi ikaw ang makakadate nya. Bwahaha assuming talaga ako.”

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon