“San na ang diretso mo niyan? Mukhang di kana mapipigilan ah. Kung magtatanan ka lang walang problema sa amin magsabi kana lang,” seryosong sabi ni Ravel sa kanya habang abala siya sa pag aayos ng mga gamit niya sa maleta.
“Joke ba yun? Tse, di ka nakakatawa,” nakaingos na sabi niya. “Babalik na ako ng Japan tapos na ang bakasyon ko?”
“Pinsan naman, maghunos dili ka nga. Di ka pa nasisilayan ng buong Pilipinas mamumundok kana naman. Aba, baka mahiya na sa iyo ang mga tulisan at rebelde ng lagay na yan,” tatawa tawang sabi nito sa kanya habang isa isa nitong inaalis ang mga gamit sa maleta niya.
“Ang kulit talaga ng kumag na ito.”
“Alam mo kung ako sa iyo aayusin ko na lang ang sinasabi ko dahil pag ako di nakapagpigil sa iyo kahit kadugo kita maghahalo ang lahat ng pwedeng maghalo.”
“Okay, okay. ‘Kaw naman masyadong kang HB para binibiro ka lang,” nakataas na ang kamay nito bilang pagsuko. “Seryoso. Magtatanan kana ba?”
“Ungas ka talaga,” kinutusan pa niya ito. “Uuwi ako sa bahay ko sa Makati.”
“Buti naman nagbago na ang takbo ng utak mo nasa tamang direksyon na.Gamit ka ng compass para di kana maligaw.”
“Malabo pa rin ang takbo ng utak ko kasing labo ng tubig baha. Magbabawas lang ako ng kasamaan sa katawan kaya tumabi ka kung ayaw mong madamay,” saka niya hinila ang maleta palabas ng kwarto niya. Sa halip na patulan nito sa banta niya tumawa lang ito saka siya hinampas sa balikat.
“Big girl kana, alam mo na ang makakabuti at makakasama sa iyo. Goodluck at magbabait ha. Basta andito lang ako,” yumakap pa ito sa kanaya sabay singhot.
“Yuck. Umayos ka nga maganda na sana ang sinasabi mo nakakaturn off lang nung suminghot ka,” natatawa na ring sabi niya sa luko luko niyang pinsan. “Anyway thanks Kuya. You’re the best, man, balitaan na lang kita sa bago kong adventure,” nagtuloy tuloy na ito sa pagsakay sa kotseng nakaparada sa labas.
“Senorita san po ang punta natin?” magalang na tanong ng driver na si Manong Ricky.
“Manong ihatid nyo na lang po kami sa grand villa sa Makati,” matipid na sagot niya.
“Amo, sigurado kana ba sa gagawin mo?”
“Cielo, kilala mo ako pag sinabi ko gagawin ko talaga. Matulog kana lang wag mo akong kwentuhin ngayon, may iniisip ako,” matabang na sagot niya. Ito naman ay matamang sumunod na lang sa kanya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila habang binabagtas ang daan papunta sa destinasyon nila.
“Mang Ricky daan muna po tayo sa bahay nyo. Gabi na po magpahinga na po kayo. Ako na po magdadrive papunta sa grand villa.”
“Senorita, ihahatid ko na po kayo. Hindi naman po ako masyadong pagod maghapon,” mahinahong paliwanag nito na pakiramdam niya’y nakakaramdam ng matinding pag aalinlangan ang driver kong susundin siya nito o hindi.
“Manong, sundin nyo na lang si Amo. Para sa kabutihan nyo rin naman ang iniisip niya.” Nagising nap ala si Cielo kaya ito na ang sumagot. Ito naman ay matamang nag isip at nagpasyang sundin siya. Kinindatan pa niya si Cielo ng lumingon ito sa kanya. Bumaba na si Mang Ricky sa tapat ng bahay nito saka naman sila namaalam ditto pati sa asawa nitong si Aling Esmeralda.
“Buckle up yourself, Cielo. Ngayon na lang ulit ako magdadrive siguradong maninibago ako nito. Baka madisgrasya tayo o makadisgrasya ako.”
“Wait lang Amo, magdasal muna tayo. Ayaw ko pang mamatay gusto ko pang mag asawa ‘no?” maarteng sabi nito.
“Luka luka, matagal pa mangyayari yun, wag kang magmadali. Sa ngayon, halika ka nga pa hug ako,” saka niya itinaas ang mga kamay at unti unting lumalapit dito. Kitang kita niyang natigilan si Cielo at namumutla ito. Tatawa tawa naman siya sa nakikitang reaksyon nito. “On the second thought wag na lang baka mainlove ka pa sa akin.” “Akala mo ikaw lang marunong manggisa ha, quits na tayo Cielo. Bwahahaha.”

BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Fiksi RemajaIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...