Surprise Attack

664 7 2
                                    

Napuno ng malalakas na tilian ng mga kababaihan ang buong Araneta Coliseum ng lumabas si Zarech mula sa makapal na usok habang sila naman ay nakapwesto naman kasama ang kanilang mga instrumento. Siksikan ang mga fans nito habang iwinawagayway ang mga tarp ng hawak ng mga ito.

“We love you Zarech!” sabay sabay na hiyaw ng mga ito.

“We love you too, girls.” Nagbigay pa ito ng ilang mensahe habang siya naman pinapakalma ang sarili na bukod sa tensyong nararamdaman niya though di na bago iyon sa kanya kaya lang ibang banda ang kasama niya kaya di pa rin siya makaiwas na makaramdam ng kaba at higit sa lahat gusto niyang gilitan ng leeg ang mga babaeng malalagot na ang litid sa pagsigaw. “Sarap hagisan ng dinamita ewan ko lang kung makasigaw pa kayo.” Namataan din niya sa VIP seat si Mr. Dela Fuente kasama nito si Sandra na sa huli ay nakita niyang ngumiti pa ang ginoo sa kanya.

Sa pangalawang set nila nabigla siya biglang mag iba ang set ng stage. May isang upuan sa gitna ng stage at acoustic guitar.Wala naman sa rehearsal nila ang ganung set up. “Ah baka may nagrequest kay Zarech na padrino,” sa isip isip niya.

“Thank you guys for you’re all out support but before anything else I just want to greet and dedicate our next song to the five gorgeous men out there.” Saka nito itinuro ang limang lalaking nakajacket sa may bandang itaas. Hindi sila masyadong makita dahil nasa madilim silang parte ng coliseum. “They might get killed me after this. And to my pretty lady whom my former bandmates and till now we were bound with the music we created.” Lalong nagsigawan ang mga tao sa loob ng tamaan ng spot light ang anim na nilalang na tinutukoy nito. Sinimulan na nitong tugtugin ang acoustic guitar na hawak nito ngayon habang nakaupo sa center stage.

“You make me wanna shut it all down. Throw it all away,

Cause I’m nothing if I don’t have you. What’s the point of being on top. All the money in the world if I can’t blow it all on on you. So, send the cars back. Put the house on the market. And my big dreams too. Because it’s all so clear,

Now without you here. I’m the loser of the year.”

Halos naninikip ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Zarech na enjoy na enjoy sa pagkanta nito. “Focus Ally. Wag mo na lang munang isipin na nandito ang girlfriend niya.” Naputol lang ang kanyang pakikipaglaban sa kanyang sarili ng bigla siya nitong tawagin. Ayaw niyang mapahiya kaya kahit gusto na niya itong tadyakan pinilit pa rin niyang magpakaayos sa mga taong nanonood sa kanila.

“Guys I’m sorry I was carried away and I forgot to introduce our beautiful and awesome guitarist. Please welcome, Miss Allyssa Chen. She will sing a song for us. I know most of you know her right?” nagsigawan ang mga kalalakihang nandoon.

“Buti naman may fans akong naligaw.”

Pasimple siyang bumulong dito. “Walang sisihan pag napahiya tayo dito.” Inalala na lang niya nung mga time na nasa Japan siya kasama ang kanyang banda. Kahit pano naging komportable siya. Napasubo na siya kesa naman mabilad sila sa kahihiyan paninindigan na lang niya ang palabas ni Zarech. Mamaya na lang sila nito magtutuos.

“This song inspired me with a true to life story of a girl who wanted to confront her father for hurting and leaving her mother.

“She's still the same I can hear her crying thinking she's the one to blame. Will this ever end? Will this house be a home again? If I had my way I'd corner him and say.

Put yourself in her position all she needs is recognition

Love's not enough when you say it don't you know you gotta mean it?Screwing up the best thing ever is something you'll regret forever.Take her and make sure she feels it let her know you'll never let her go”

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon