My, oh my litte bumps

1.2K 15 4
                                    

“Hmm, Amo ang sarap langhapin ng hangin dito sa Pinas noh? Amoy gwapo,” nanggigil na sabi ni Cielo habang naglalakad sila palabas ng lobby.

“Cielo kelan pa naging pabango ang pagiging gwapo?”

“Ngayon lang Amo. Try nyo rin kaya Amo na suminghot para mapalitan ang hanging Hapones na laman ng ilong at baga nyo.” Nag peace sign pa ito.

“Eh kung i-try ko rin kayang ipabalik kita sa Japan ngayon. What do you think?”

“Ah..Eh..Amo naman, nagbibiro lang ang drama ko. Sabi ko nga amoy maganda dito kasi magaganda tayo, este kayo lang pala.”

Natatawa  na lang siya sa pagiging kengkoy nito. Si Cielo ang nagiging piping saksi sa mga naging adventure niya sa  kanyang buhay. Ito rin ang kasama niya sa bawat ligaya atlungkot na dumaan sa kanyang buhay. Hindi na siya magtataka kung bakit kaya nitong sakyan lahat ng trip niya.

“Tayo na nga. Asan na ba ang sundo natin. Bulabugin mo si Kuya Ravel pakitanong kung san naghihintay ang susundo sa atin,” sabi niya habang nagpapalinga linga sa paligid.

“Amo, on the way pa lang daw ang susundo sa atin. Medyo matrapik daw,” nag aalalang sabi nito sa kanya.

“Ano? Putek naman. Alam naman nila kung anung oras tayo bababa ng eroplano di ba?,” nagsisimula na siyang maiyamot. Hinila niya si Cielo malapit sa information desk at inihabilin ang mga gamit nila.

“Amo san tayo pupunta? Anu na namang binabalak mo?”

“Kapalan mo ang make up ko baka may makakilala sa akin mahirap na,” saka niya ito hinila papasok ng restroom. Dali dali naman nitong inilabas ang make up kit nito at inayusan siya. Hanga talaga siya sa galing nitong itago ang kanyang totoong mukha. Pagkatapos nun ay nagtungo sila sa malapit na convenience store para magpalamig. Panay ang sulyap niya sa paligid, maging sa suot niyang relo. Dalawang oras na silang naghihintay pero wala pa rin ang sundo nila. Gusto na sana niyang iterrorize ang pinsan niya pero naalala niyang busy ito sa negosyo nito.

“Amo, andyan na daw ang sundo natin nagtext na sa akin si Sir Ravel. Nasa parking daw malapit lang sa lobby,” saka ito naglakad ngunit lumingon din agad sa kanya ng maramdamang umupo pa siya ng prente sa upuan.

“Mauna kana may bibilhin lang ako.”

“Amo naman, nagmamadali daw yung sundo natin. Naku naman, sinasaniban kana naman ng masamang espiritu niyan,” saka ito nagpapadyak habang naglalakad upang kunin ang gamit nila.

“Bahala siya sa buhay niya kung sino mang herodes ang hinatak ng pinsan ko para sumundo.”

Pumila pa siya sa counter upang bayaran ang chocolate at juice na hawak niya. Nagulat pa siya nang marinig niyang nagtilian  bigla ang mga kababaihan sa loob ng convenience store at unti unting nag alisan ang mga taong nasa unahan ng pila. Siya naman ay hindi man lang nag aksaya ng panahong tingnan man lang ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Sanay na siya sa ganung mga eksena sa Japan kaya deadma lang ang drama niya.

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon