Napabalikwas pa siya ng marinig niyang tumutunog ang cellphone niya. Dali dali niya iyong tiningnan saka napasigaw ng makitang si Zarech ang tumatawag saka natataranta pa niyang sinagot ito.
“Hello Zarech. Sorry nalate ako ng gising. Aabot pa ba ako? Asan na kayo? Sorry..sorry talaga,” nag aalalang sabi niya habang hinahablot ang damit sa kanyang closet.
“Nakaalis na sila. Susunod na lang tayo. Can you fix yourself in 30 mins?” seryosong tanong nito na mukhang galit sa tono pa lang ng pananalita.
“Yeah. I can. See you later. I’m sorry.”
Basta na lang nitong pinatay ang cellphone. “Ikaw naman kasi bakit ba di ka agad natulog ng maaga kagabi.” Bago pa niya gulpihin ang sarili sa sisi sinimulan na niyang mag ayos ng sarili.
“Naku Amo anu ba yan bilisan mo. Si Fafables nasa labas na ng gate.”
“Ha? Sabi nya after 30 mins raw siya pupunta dito,” natatarantang sagot niya.
“Uy si Amo napapraning. Di ka naman dating ganyan ah. Laging hawak mo ang oras at you don’t care kahit sino pang naghihintay sa iyo.”
“Masama bang magbago baklush?”
“Hindi naman at lalong di masamang mainlove. Look at me Amo, I’m feeling sexy and free,” maarteng sabi nito sa kanya saka niya binato ng unan.
“Hindi ako in love ‘no? Cielo tumigil ka sa pang aasar mo ha baka ipakalbo kita. Sasama ka ba?”
“Hindi na Amo moment in time nyo yun dito na lang ako or mamamasyal na lang kami ni Fafa Morrie. At saka Amo tama na ang pagdedeny mo. Pinatatalon mo lang ako sa patag lalo na ang sarili mo halata namang you’re so inlove with him. Nangingiti ka oh aminin?”
Totoo naman talaga ang obserbasyon ni Cielo ang daming nagbago sa kanya simula ng makadaupang palad niya si Zarech. She couldn’t help but to smile whenever she remembered him. Tumataas ang level ng excitement niya sa tuwing magkukrus ang landas nila. Mabilis nitong nabasag ang malaking pader na iniharang niya para dito. She’s not sure if what she felt right now was started to like him or she already fell in love with him.
“Oh no! Am I in love with that rockstar guy?”
“Amo tinatawag ka ni fafables ready kana ba?” malakas na tawag sa kanya ni Cielo. “Tulala kana naman.”
“Oo pupunta na dyan.” Saka niya kinuha ang bag na nakapatong sa mesa.
Pagdating niya sa sala prenteng nakaupo ito habang humihigop ng kape. “Ehem..sorry I’m late,” nahihiya pang sabi niya. Halos malaglag ang panga niya ng unti unti itong nag angat ng tingin.
“It’s okay. Shall we go?”
“Ayiieee so kinikilig with you Fafables. Gora na kayo ni Amo ng makarami kayo.”
“Cielo,” pinandilatan niya ito. “Kotang kota kana. Mamaya magtutuos tayo. Ngumisi lang ito sa kanya. Pati ang kanyang alalay nagbago na rin hindi na ito takot na asarin siya.
Tahimik lang siyang ipinagbukas nito ng pintuan ng sasakyan hanggang sa makaalis sila sa kanyang bahay kapwa katahimikan pa rin ang namamagitan sa kanila. Hindi na siya nakatiis kaya siya na naunang nagbukas ng topic.
“Kumusta ang mga bata kanina?”
“They were all happy and excited,” matipid na sagot nito habang diretsong nakatingin sa daan.
“Are you okay?”
“Yeah. Pasensya na may iniisip lang ako kaya di ako masyadong kumikibo.”
“Problem?”
“A little bit.”
“Okay.” Pause. Balik na ulit sila sa dati. “So what happened to our happy trip? So sad.” Minabuti na niyang ipikit ang mata at igalang ang pananahimik nito ng bigla itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Novela JuvenilIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...