“Dalawampung taon akong nagtiis na mawalay sa anak ko at hinding hindi ako papayag na pati siya ay magsasakripisyo dahil sa tradisyon nyo. Mawalang galang na rin ho pero babawiin ko na ang pamilya ko. May ipagmamalaki na ho akong yaman at kaya ko ng bayaran lahat lahat ng ginastos nila habang nasa poder nyo. Tayo na anak.” Hinawakan siya nito sa braso at akmang hihilahin palabas ng biglang magsalita ang kanyang lolo.
“Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa amin Mr. Dela Fuente. Hindi ko basta basta ibibigay ang apo ko sa iyo. Li Mei tandaan mong may kasunduan tayo noon bago kita pinayagang pumasok sa mundo ng car racing.”
“Wag po kayong mag alala Lolo di ko po tatalikudan ang kasunduan natin.”
“Allyssa wala kang obligasyon sa kanila. Nasisiraan kana ba ng bait?”
“Daddy, I’m sorry pero ginagawa ko ito lahat para maayos ulit ang pamilya natin. Di bale ng magsakripisyo ako basta magkasama sama ulit tayo. Wag kayong mag alala malalampasan po natin ito magtiwala lang kayo.” Saka niya niyakap ang ama at saka dire diretsong umalis ng bahay pero naramdaman niyang sumunod ang kanyang ama.
“Anak you don’t have to sacrifice your freedom. Enough of Chinese tradition for old time’s sake. Gagawin ko ang lahat para mabawi ko kayo ng mommy mo. Dapat noon ko pa ito ginawa dapat noon ko pa kayo ipinaglaban hindi na sana aabot sa ganito.”
“Don’t be too hard to yourself, Daddy. May kasalanan din ako kung sana noon pa ako nakinig kay Mommy na makipag ayos sa iyo sana hindi tayo nagkalayo ng ganun katagal. Sana hindi ko na lang pinairal ang galit ko. Ang haba ng sinayang kong panahon na kung sana nagtanong man lang ako o nakinig sa paliwanag nyo. Daddy I’m sorry kung matagal ko kayong tiniis. I’m sorry!” napahagulhol na siya ng iyak habang yakap ang amang matagal na nawalay sa kanya.
“My princess, let’s forget our past and we will start our new life as one big happy family.”
“Tatanggapin ko lang po ang arrange marriage na ito kung matatalo niya ako sa car drifting competition,” matatag na sabi nito sa kanya pati na rin sa harap ng dalawang matanda na ikinagulat nila.
“Xie Li…” napamaang na sabi ng lolo nito sa apo.
“Don’t worry Lolo tinatanggap ko po ang hamon ng apo nyo.” Kilala na niya ito. Isa rin itong sikat at magaling na car racer. Yun na lang ang naiisip niyang paraan upang takasan ang arrange marriage na gusto ng mga ito.
“Deal,” ngingiti ngit pa ito ng makipag kamay sa kanya.
“Ang yabang mo!”
Medyo kinakabahan siya dahil sa ilang beses nilang pagkakarera ni minsan ay hindi siya nanalo dito. Pero aailangan niyang manalo dahil nakasalalay doon ang kaligayahan niya lalo na ang kanyang pamilya.
“Wow, ang ganda nito Dad and I really like it,” kakaiba ito sa mga sasakyang ginagamit ko sa drifting.”
“Salamat at nagustuhan mo. Talagang ako ang nagdesign nito para sa iyo di ba Mommy?” nakangiting bumaling ito sa kanyang ina na papalapit at may dalang juice. Kasalukuyan silang nasa garahe upang ihanda ang sasakyang gagamitin niya sa competition.
“Totoo yun Ally, lagi akong kinukulit ng daddy mo na ito ang ipagamit sa iyo kaya lang mas gusto ko namang ikaw ang pumili ng sasakyang gusto mo.”
“You mean? You, two had a communication since then?”
Ngumiti lang ang dalawa saka inakbayan ng kanyang daddy ang kanyang mommy. Napangiti na rin siya. Talagang unti unting bumabalik sa dati ang samahan nila. Silang tatlo ang magkakasama habang silang mag ama ay abala sa pag aayos ng sasakyan. Kung may isang bagay na hindi nawala sa buhay niya yun ay pagkahilig niya sa sasakyan dahil idolo niya ang kanyang ama kaya’t gusto niyang sumunod sa yapak nito.

BINABASA MO ANG
Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETED
Ficção AdolescenteIf I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa...