Distorted Reflection

553 6 0
                                    

NAKAUWI na siya sa bahay niya ngunit laman pa rin ng isip niya ang mga bagay na akala niya matagal na niyang ibinaon sa limot. Ngunit kahit anung gawin niya lahat nagpaflash sa kanyang utak. Dinampot niya ang cellphone.

“Hello. Did I disturbed you?”

“No. Napatawag ka?” tanong ng kausap niya sa kabilang linya.

“Okay. Can we meet up? Pasensya na ha.”

“Sure. Sunduin na lang kita dyan I’ll be there in 10 minutes.”

Hindi pa lumilipas ang sampung minuto dumating na nga ang kausap niya. Hindi na niya ito hinintay bumaba ng sasakyan siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng passenger seat.

“May problema ba?” tanong sa kanya ni Zarech.

“Meron,” malungkot na sabi niya.

“Okay. Reserve mo muna yan we will go to Batangas. May alam akong lugar na tahimik kung saan makakapag usap tayo ng maayos and also makakatulong sa iyo para marelax ka naman. Don’t worry everthing will be alright,” saka nito hinawakan ang kamay niya habang hawak nito ang manibela gamit ang isa nitong kamay. Pag ito talaga ang kasama niya nagkakaroon siya ng panibagong lakas ng loob na harapin ang mga problema niya.

Magbubukang liwayway na nang makarating sila sa kanilang destinasyon. Tama ito napakaganda ng view na tumatambad ngayon sa kanyang harapan. Nasa isang resort sila kung saan nakaharap ito sa Taal Volcano. Napakalamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa kanya. Ang banayad na dagat na nag aanyaya sa kanya na magtampisaw, tumakbo o kaya ay lumangoy. Abala siya sa pagmamasid ng may humawak sa kanyang balikat.

“How do you find my place?” nakangiting salubong sa kanya ni Zarech nang bumaling siya paharap dito. Grabe kung makapang akit ang mata at ngiti nito sa kanya ganun ganun na lang.

“It’s breathing-taking, mouthwatering, and knee shaking place,” nakangiting sabi niya habang pasimpleng sinasamyo ang cologne nito.

“I can’t accept that. Mukhang mas bagay sa akin ang sinasabi mong description. And by the way mabango talaga ang cologne ko gusto mo bang malaman ang brandname?

“Gosh ang lakas ng pakiramdam ng kolokoy na ito pasimple na nga ako nahalata pa.”

“Let’s go inside nagugutom na ako,” pag iiba niya ng topic upang matakasan lang ang nakakahiyang gawain niya. Tatawa tawa lang itong sumunod sa kanya.

Kasalukuyang siyang nakahiga sa swing habang pinag iisipan ang mga bagay na sasabihin kay Zarech ng makaramdam siya ng pamimigat ng talukap ng mata. “Makatulog muna abala pa naman si Zarech sa pakikipag conference call sa kung sinumang kausap niya.”

Kung ilang oras man siyang nakatulog yun ang hindi na niya namalayan. Nagising na lang siya ng maramdaman niyang may humahaplos sa buhok niya. Hindi muna siya nagmulat ng mata dahil pakiramdam niya pamilyar sa kanya ang mga kamay nito. She felt she’s longing to feel that kind of gentleness. Naexcite siyang makita kung sino ang humahaplos kanya.

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon