"ARE you kidding me ?!!" tawa ng tawang sigaw ni Migz.
"Of course not!" nakahalukipkip si Nathalia. "Mukha ba akong nagpapatawa?" Halata na sa itsura nitong inis na inis na ito sa kanya.
Kanina pa kasi niya ito tinatawanan. Paano ba namang hindi? Imposible talaga para sa kanya ang bagay na ipapagawa nito. Alam naman nitong pinakaayaw niya sa lahat ay ang gumagawa ng mga artikulo o kwentong kathang-isip lamang. Kapag gumawa siya ng ganung proyekto, para na rin siyang nagkait ng tamang impormasyon sa mga mambabasa. Though, he could give some accurate information to the readers even if he write fictional stories. But he still does not want to write a fiction!
Naupo siya sa isang upuan kaharap ang kanyang matalik na kaibigan. Ipinatong niya ang magkadaop na kamay sa lamesa sa pagitan nilang dalawa.
"Eh ano 'tong pinapagawa mo? Hindi makatotohanan 'tong assigment na 'to.. You know very well, magsusulat lang ako ng mga artikulo 'pag alam kong totoo ang mga ito. Nath," at itinaas niya ang folders na naglalaman ng assignment na ibinigay sa kanya ng kanyang bestfriend, "this one is a tale. Completely Fiction. Sa isip ng tao lang ito nabuo."
Napabuntong-hininga ng malalim si Nathalia. "Pano mo ipapaliwanag 'yang mga files na 'yan? Alam mo namang malaki ang hatak mo sa mga mambabasa at halos lahat ng libro mo ay tinangkilik nila dahil sa mga makatotohanang bagay na sinulat at sinusulat mo, Kaya nga binibigay ko sa'yo 'yan para patotohanan 'yang bagay na 'yan. Ayaw mo 'nun?! May bago ka na namang ibibida."
"Gusto mong patotohanan ko 'to?" nangunot ang noo niya, "Ano ba namang trip 'to, Nath? Alam mo namang hindi ko linya 'yang ganyang bagay. Hindi ko ginagawang totoo ang mga bagay na hindi naman talaga magagawang totoo. Tsaka, dapat mga crime investigators ang pinuntahan mo para ikaw na lang ang magsulat niyan at sabihin sa lahat ang katotohanan na isa lamang 'yang kwentong pambata."
Kinuha nito ang folder at binasa iyon saglit, "Alam mo, Migz. Ang sama mo. Unang-una para sabihin ko sa'yo, si Big Boss ang pumili sa'yo para gawin 'yang bagay na 'yan. At pangalawa, sorry ka na lang hindi mo pa kasi binabasa lahat 'to. Nakalagay na dito na nangalap na rin ng mga impormasyon sa ibang tao lalo na sa mga CRIME INVESTIGATORS na sinasabi mo!" pinanalakihan siya nito ng mata.
Tumawa na naman siya. Kahit pa anong katwiran nitong si Nathalia ay hindi talaga siya nito makukumbinsi na gawin ang bagay na gusto nito o ng kanilang Big Boss na ipagawa sa kanya. Hindi siya nito mapi-please!
Tumayo siya at pumwesto sa likuran ng kaibigan. Hinawakan niya ito sa magakabilang baikat.
"Espren, ganito na lang, isusulat ko na lang 'yang istorya na 'yan pero hindi siya magiging totoo sa opinyon ko dahil hindi naman talaga 'yan totoo.. Kung sasabihin kong nag-eexist 'yan kahit hindi naman talaga, baka mabaliw na lahat ng mga mambabasa ko. You know, I hate fictions! Gusto ko talagang magsulat ng mga bagay na totoong nangyayari. At dun ko maiaalis sa isipan ng mga tao na isa lamang alamat ang isang bagay na kanilang kinatatakutan. Kung totoo 'to, sana may isang ebidensya man lang kaso wala e."
Tumayo ito at hinarap siya. "Okay, ikaw ang bahala. Hindi talaga namin kayang kontrahin 'yang mga ginagawa mo. Minsan ka lang naman gagawa ng ganitong istorya e."
"Yung minsan na 'yun, maraming mababago. Alam na alam mo kung bakit ayaw ko ng mga hindi makatotohanan." lumungkot ang mukha niya sa naalala.
Ngumiti ng mapakla si Nathalia at tinapik ang balikat niya, "Okay, I get it. Hindi na kita kukulitin. Gusto ko lang kasing makita na nagti-try ka ng bago. Kahit ayaw mo ay article pa rin naman 'yan at siguradong kikita ka dahil magaling ka."

BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Mystery / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...