Kinabukasan ay pinuntahan niya kaagad si Nathalia. Natawagan na niya ito n sa isang coffee shop na lang malapit sa pinagta-trabahuhan nila sila magkikita. Nakabalik man sila sa Gerona ay hindi pa sila maaaring pumasok ni Lizette sa kanilang trabaho dahil kailangan sa kanilang pagpasok ay may maire-report na sila tungkol sa kanilang proyekto.
Maaga pa naman, iniisip niyang mamaya ay si Lizette naman ang kanyang pupuntahan sa bahay nito para makapag-usap naman sila dahil naging masyado silang tahimik sa kanilang byahe. Kaswal na nga lang silang nagpaalam sa isa't isa kaninang madaling araw nang maihatid niya ito sa tinutuluyan nito. Masyado silang pagod para makapagkwentuhan pa ng matagal.
He waved at Nath when he saw her. She beamed then waved back to him. Siya rito sabay naupo na rin sa harapan nito. Mukhang kanina pa ito dahil pansin niyang nakalahati na nito ang iniinom na kape at ang sliced cake sa harap nito.
"Sorry kung nauna na 'kong um-order. I was starving to death na kasi e." saad nito.
"Okay lang. Oorder na rin ako. Wait lang." sabi naman niya. When she nodded in agreement, he went ahead through the counter to get his order.
Hindi naman siya nagtagal doon dahil wala namang mahabang pila. Nakabalik siya kaagad sa pwesto nila ng kanyang espren at hihintayin na lamang na mai-serve ang kanyang in-order.
"So, about dun sa sinabi mo sakin." he started while waiting for his name to be called for his order. "Ano nga palang alam mo tungkol sa Sitio Karoon?"
Nathalia sipped her coffee before speaking. "I already told you. Sitio Karoon is right where we are now." sagot nito. "Akala ko hindi ka maniniwala sa'kin. Kasi nga si Lola Amelia na ang nagsabi sa'yo na nandoon ang sitiong hinahanap niyo." dagdag pa ni Nathalia.
"Sapat ng naniwala ako kay lola. Alam kong hindi mo naman ako ipapahamak kaya naniwala ako sa'yo this time." kinindatan niya si Nathalia at hinampas naman siya nito ng mahina sa kanyang braso sabay tawa.
"One Coffee Jelly for sir Migz!" narinig na niya ang kanyang pangalan mula sa counter kaya tumayo muna siya upang kunin ang kanyang inumin.
Bumalik siya sa kanilang table habang iniinom ang kanyang coffee jelly. Pag-upo niya ay may nakalapag ng mga folders sa kanilang table. Nakunot ang kanyang noo habang pabalik sa kanyang pag-upo.
"Ito 'yung mga researches ko. Basahin mo na lang tapos pag-aralan mo." anito habang binubuklat ang mga folders. "Lahat 'yan nakuha ko sa web tsaka nagpunta din ako sa City Library."
Napaisip siya, Oo nga 'no?! Bakit kaya hindi ko nagawa iyon? Sabagay, una kasi ayaw niyang paniwalaan na meron nga talagang Silver Butterfly. At maniniwala lang siya kapag lola na niya ang nagkwento. Kaya hindi na rin siya nag-rely sa mga libro o lalo naman sa internet na maraming false facts.
"Salamat talaga, espren." nakangiti niyang sabi nang balingan ito ng tingin.
Ngumiti rin si Nathalia, "Wala 'yun." tsaka ito napatingin sa sarili nitong relo. "Uhmm.. Pasok na ko. Magkikita pa kasi kami ni Joaqui para matulungan niya akong review-hin 'tong project ko."
Tumayo na si Nathalia nang tumango siya.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang maiwanang mag-isa. Pansin niyang naging blooming ang kanyang espren at mukhang alam na niya kung sino ang dahilan. Iba rin ang kislap ng mga mata ni Nathalia. Halatang napapasaya ito ng husto ni Joaqui.
Masaya naman siya para sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit siguro, nakaramdam rin siya ng konting selos dahil alam na alam niyang malilimitahan na ang pagsasama nilang dalawa. Hindi pa man din nangyayari ang ganung bagay.
BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Mystery / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...