MYSTERY XVI: = Captive =

864 22 0
                                    




Mabilis na naglaho ang kanyang ngiti nang makita niyang ang pinakamalupit na card warning na matatanggap ng isang kagaya niya. Red card warning only meant an end for her or an end for the opposing society. Isa lamang ang ibig sabihin ng pagbibigay sa kanya ng ganung card --alam ng mga ito ang kanyang ginagawa. Tama nga ang hinala niyang nakamatyag ang mga ito sa kanya!

Napangunahan siya ng takot at kaba para kay Migz. Ang kaligtasan kaagad nito ang pumasok sa kanyang isipan. Kaya hindi na niya nagawang suriin ng mabuti ang kanyang paligid. Humakbang siya papalapit sa aparador kung nasaan ang kanyang mga gamit nang walang ano-ano'y may napakatigas na bagay na tumama sa kanyang mukha. A sharp stinging pain invaded her senses. Mahilo-hilo siyang natumba subalit pinilit niyang wag indahin ang sakit. Pero imposible ang bagay na iyon. Unti-unting nablangko ang kanyang paningin ngunit may pamilyar na bulto muna siyang nakita bago tuluyang naipikit ang kanyang mga mata.

Nagising siyang may mahigpit na busal na ang kanyang bibig. Nakatali siya ng mahigpit sa isang bakal na upuan. Ramdam pa niya ang sakit sa kanyang ilong nang magdilat siya ng kanyang mga mata. Her sight was still a blur so she stayed still to clear her focus. Nang maaayos na ay tsaka niya inilibot ang kanyang paningin. Hindi nagtagal ang panghuhula niya kung nasan siya sapagkat pamilyar na pamilyar sa kanya ang lugar na iyon.

Ang lugar na kung saan dinadala niya ang mga taong gusto niya munang kausapin ng maayos bago kitilan ng buhay. Ang lugar kung saan pinangalanan niyang Chamber of Death.

Kanina, nang makita niya ang isang Red Card Warning ay inaasahan na niyang may hindi magandang mangyayari sa kanya. Nagkamali lamang siya ng emosyong pinairal kaya napabilis ang pagdakip sa kanya. Eto na siya ngayon, bihag na ng mga dati niyang kakampi. Bihag na siya ng mga dati niyang pinagsisilbihan na inaasahan niyang mangyayari. Inaasahan niyang ito ang tatapos sa kanya pero hindi siya papayag na magtagumpay ang mga ito.

"Samarra, Samarra, Samarra." napalingon siya sa pinanggalingan ng isang tinig. Siya pa ba ang hindi makakakilala sa taong nagmamay-ari ng ganung tinig?

Hindi na rin siya nagulat nang mula sa dilim ay lumabas ito. Dala ang mahaba at matalim nitong samurai na sadya nitong iginagasgas ang dulo sa sahig.

Lumapit ito sa kanya na nakakaloko ang ngiting nakapaskil sa mukha, "Mahal kong dating matalik na kaibigan. Kamusta ka naman? Parang ang tagal nating hindi nagkita, ha? Parang may nagbago sa'yo."

Ayaw niyang magpakita ng kahit anong emosyon sapagkat gagamitin ng mga ito ang bagay na iyon laban sa kanya. Ayaw niyang ang kanyang emosyon na naman ang dahilan para mapahamak siya. Tangkain man niyang magsalita ay hindi niya magagawa sa higpit ba naman ng busal na nasa kanyang bibig.

Lumebel ito sa kanya. Taas-kilay nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya, "Siguro naman, sapat na ang nangyari sa inyo ni Migz kagabi para kunin ko na siya sa'yo?"

Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya nagawang magpigil. Kapag si Migz na ang kasali sa usapan, hindi na niya kayang paganahin ng maayos ang kanyany isip. Nanggigil siya sa sinabi nito kaya tinangka niyang sugurin ito. At doon lamang niya napansin na nakatali rin pala ang kanyang mga paa.

Napaatras ito, "Whoa! Matapang ka talaga, Samarra. Pagdating sa lalaking iyon ay kayang-kaya mong isakripisyo ang buhay mo maprotektahan mo lang siya." tumayo ito. "Mahina ka pa rin, kaibigan. Pag-ibig lang pala ang makakapagpabagsak sa'yo?" Umalingawngaw ang napakalakas na halakhak nito sa kabuuan ng silid.

Inangat nito ang dala nitong samurai at ipinakita sa kanya ang talim. "Nakikita mo ba 'to? Tatlong walang kwentang tao ang mapapatay nito mamaya." Paniniyak nito bago tumalikod habang tawa ng tawa na parang mangkukulam.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon