MYSTERY V: = Once Again =

2.5K 37 0
                                    



MAAGA na naman niyang nakita sa kanyang table si Lizette. Mukhang napaka-punctual naman 'ata nito? Ganunpaman ay natutuwa siya dahil hindi naman ito nagiging pasaway at pabigat sa kanya. Napakadaldal nga lang nito pero hindi naman siya naiirita at hindi rin siya nadi-distract nito sa halip ay natutuwa pa siya sa mga kakaibang kwento nito.

Ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon para mailarawan si Lizette. Medyo may katangkaran ito pero tingin niya ay mas matangkad pa rin naman siya. Maputi ang dalaga, mahaba ang itim na itim na buhok, may salamin nga lang na mukhang mataas pa 'ata ang grado sa salamin ng lola niya at hindi niya maitatangging sexy si Lizette kahit na long-sleeve pa ang suot nito at mahabang palda. Weird pero cute siya.

Iniling-iling niya ang kanyang ulo dahil mukhang ang pagkakalarawan niya kay Lizette ay sa iba na paroroon. At nabigla din siya nang bigla itong humarap sa kanya na hindi talaga kayang tanggalin sa mukha nito ang pagngiti.

"Hi! Goodmorning!" bati nito na may kasama pang pagkaway.

Hinila niya ang kanyang upuan atsaka umupo, "Goodmorning din. Ang aga mo naman lagi." Puna niya at nag-ayos na siya ng kanyang mga gamit.

"Ganun talaga para mabigyan ni boss ng bonus. Tsaka kailangan din iyon kasi nga hindi lang naman ikaw ang tutulungan ko dito. Actually, ang dami ng natanong sakin ng mga katrabaho mo e wala ka pa rin." kwento nito at bumalik na sa pagtatype sa laptop.

Nangunot ang kanyang noo, "Gaya ng?"

"Kung may boyfriend na ako at kung gaano na kami katagal." walang preno nitong sagot.

"Work related, ha?" natawa siya. "'Yan talaga ang maitutulong mo sa kanila?"

Iniikot nito ang upuan para humarap sa kanya. "Naman! Kapag nalaman nilang wala akong boyfriend which is definitely true, they can be free to ask me at the drop of a hat!"

Tiningnan niya ito ng may pang-aasar tsaka siya tumawa.

Ito naman ngayon ang nangunot ang noo, "Bakit?"

"Wala lang." napailing-iling na lamang siya at pareho na silang bumalik sa kani-kanilang mga gawain. Masyado na silang nagiging masaya at baka makalimutan na nilang tumatakbo ang oras at hindi na sila makapag-trabaho ng maayos.

Abala siya sa patitipa sa keyboard ng kanyang laptop nang mapukaw ang kanyang atensyon sa paglapit sa kanila ni Nath. Lumawak ang ngiti niya at akmang babatiin na sana ang kanyang espren nang bigla namang mag-iba ng direksyon ang mga mata nito at iyon ay kay Lizette. He was very disappointed while returning his attetion to his laptop. Narinig pa niya ang pagbabatian ng dalawang babae at ang pagpapaalam sa kanya saglit ni Lizette dahil tutulungan daw nito si Nath sa maliit nitong problema sa sinusulat nito.

Napabuntong-hininga siya nang makalayo na ang dalawa. Hindi niya akalaing napupunta na ang pagiging mag-espren nila sa pagiging estranghero't estranghera sa isa't isa. Hindi na naman siya makapag-concentrate sa pagsusulat kaya isinandal muna niya ang kanyang likod sa kanyang upuan. Nakaramdam siya ng konting uhaw kaya naman naisipan niyang uminom, subalit wala na palang tubig ang kanyang tumbler. Tumayo siya at nagtungo sa isang kwarto kung saan doon sila kumukuha ng tubig o kaya naman ay nagtitimpla ng kape. Mini-pantry nila iyon o madalas nilang tawaging coffee room.

May nakasalubong pa siyang katrabaho na papalabas sa silid iyon, nagkangitian lang naman sila atsaka na ito umalis. Binuksan niya ang pinto at tiningnan kung may tao pa ba pero wala na siyang nakita at pumasok na siya sa loob. Hindi pa agad siya kumuha ng tubig naisip niyang maghanap muna ng maititimplang kape. Pero agad din namang nagbago ang kanyang isip at napagpasyahan na lamang na kumuha ng tubig. Inilagay niya ang kanyang tumbler sa water dispenser atsaka pinihit ang cold water button.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon