MYSTERY IV: = What If She Comes Back =

3.3K 45 0
                                    

Ilang araw din siyang hindi pinatulog ng kanyang takot na nadarama. Pakiramdam niya ay nasa tabi-tabi lamang ang mga estrangherang nanloob na lamang bigla sa kanyang bahay. Kasabay ng panloloob ng mga ito sa kanyang bahay ay animo'y napasok na rin ng mga ito ang nananahimik na niyang buhay.

Hindi na siya nakakapag-concentrate sa kanyang trabaho.

Lagi na lamang malalim ang kanyang iniisip.

Hindi na niya napapansin si Nathalia.

WALA NA..

Wala na 'yata siya sa katinuan dahil sa mga pangyayari!

Pakiramdam niya kasi'y nasa paligid lamang at nagmamasid ang mga estrangherang nanghimasok sa kanyang teritoryo na any moment ay magpapakita na naman sa kanya at gagawa ng mga bagay na ikakasakit niya, or worst,

ikakamatay..

Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha sa sobrang frustration. At alam niyang napansin na naman iyon ni Nathalia. Ramdam niya ang kagustuhan nitong makalapit sa kanya subalit mukhang nag-aalangan na ito.

Lately kasi, nagagawa na niyang magsungit rito. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil magulo ang isip niya kaya lang naman niya iyon nagagawa. Madali na kasi siyang mairita kahit pa maliit na bagay. Naalala niyang nagawa lamang siya nitong biruin noong nakaraang araw ngunit nagawa niya itong sigawan dito mismo sa kanilang opisina. Alam niyang napahiya ito kaya hindi na ito muling nangulit pa sa kanya. Ikinukulit din kasi nito ang tungkol sa Silver Butterfly article at baka daw may kinalaman ang nangyaring panloloob sa kanyang bahay sa artikulong iyon. Like, wtf?!

Ganunpaman ay gusto na niyang lapitan si Nathalia at humingi ng tawad subalit animo'y may pumipigil sa kanya para gawin iyon. Hindi niya matanto kung nahihiya lang siya, o natatakot. Sa totoo lang, mukhang tama rin naman na hindi muna sila ganun ka-close ngayon ni Nathalia gayong may kakaiba pang nangyayari sa kanya. Natatakot siyang baka madamay na naman ito dahil sa kanya.

Nagtype na lang ulit siya sa kanyang laptop.

Kailangan na niyang matapos ang kanyang mga gawain tsaka siya hihingi ng mahaba-habang leave. At sa tingin niya ay mapagbibigyan naman siya ng kanyang boss dahil naextend ang pagtatrabaho niya na sana ngayon ay nagpapahinga siya. Extended rin naman ang trabaho niya dahil sa kagustuhan niyang may isa pang artikulo na maihabol.

Abala siya sa pagtatype nang biglang mapukaw ang kanyang atensyon ng mahinang komosyon.

Dumating ang kanilang boss.

"Attention, everybody!" he announced.

Everyone had to stop working and stood up to give a courtesy to the manager.

"Thank you." he smiled then continued. "I want to inform you about your new colleague. She's from the best publishing firm and their company just accepted our letter. So, she's here to help us to excel. She will be working with us for three months."

Somebody raised a hand.

"Yes?" their boss asked.

"Is she beautiful? If she is, then make me her partner..." he joked.

Everyone laughed, including their boss.

"You're such a jerk all the time. But no. I made a decision that, Migz will be her partner."

When he heard of his name it got his attetion so he looked at their boss which was indeed looking back at him.

"Me?" tinuro pa niya ang kanyang sarili.

Ngumiti ang kanilang boss, "Yes, Migz. But don't worry. Anyone who will need her help just ask her properly. As I've said, she will be working for US." emphasizing the last word.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon