MYSTERY I : = Silhouette =

14.5K 161 1
                                    

^

[ENJOY READING!!]






Nakita ko na naman siya. Ang anino ng isang babae. Bakit niya ba ako sinusundan? Dapat na ba akong matakot sa kanya?

Pero -----

Hindi! Hindi pa dapat!

Gusto ko pa siyang makita ng malapitan. Gusto kong makita ang mukha sa likod ng napakadilim na aninong iyon. Ano nga ba ang dahilan niya at sunod lamang siya ng sunod sa akin?

Ngunit bakit ganun? Bakit sa tuwing lalapitan ko na siya'y siya naman ang lalayo? Ano ba talaga ang gusto niya????

At parang....














"AAAAHHHHHHGGGG!!!!" bigla siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga. Mula sa malalim na panaginip ay muli na naman siyang nagising. Malamig ang pawis na naramdaman niyang umaagos sa kanyang magkabilang pisngi at hingal na hingal siya na para bang nanggaling siya sa isang napakahabang pagtakbo.

Panibagong araw,

subalit iisa na namang eksena sa umaga.

Kelan ba siya magigising nang hindi sigaw ang una niyang ginagawa?

"Problema mo?!"

Pupungas-pungas na napatingin siya sa pinagmulan ng tinig. Medyo hindi pa siya makaaninag dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana kung saan ito nakapwesto ngayon. Bukas na bukas rin naman kasi ang kurtina na alam niyang sinadya na naman nitong gawin para magising siya. Ngunit hindi talaga sa pagdampi ng mainit na sikat ng araw siya magigising, kundi sa panaginip na hanggang ngayon ay napakalabo pa rin ang kahulugan sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" anito sabay lapit sakanya. Hunalukipkip pa ito. "Hoy! Tanghali na!"

--si Nathalia. Ang kaisa-isa niyang bestfriend. Ang babaeng mahilig manggulo sa kanya. Nakaarko na naman ang kilay nito habang matamang nakatitig sa kanya.

Hindi niya alam kung kadarating lang ba nito at saktong nagising na siya kaya hindi na siya nito nagawa pang gisingin kahit pa mukha na siyang binabangungot kanina. O baka naman kanina pa ito naroroon at hindi lang alam na binabangungot siya?

Either way, Nathalia seemed not bothered by it.

May susi nga pala ito ng bahay niya kaya hindi na siya nagtataka kung bigla na lamang itong sumusulpot sa harapan niya. Ang mahirap lang ay sumusulpot nga ito pero wala namang nagagawa para gisingin siya mula sa di-makamundong bangungot niya. Paano na lang pala kapag hindi siya nagising? Mamamatay na lamang siya ng walang kamalay-malay.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan nito ang magkabilang kamay niya para hilahin na siya patayo sa kama niya.

"K-kung h-h-indi pa k-o nagp-unta d-dito, di ka pa gigising!" hirap na hirap na sabi nito dahil sa paghihila sa kanya patayo at dahil medyo may pagkamapang-asar siya ay nagagawa pa niyang magpabigat.

Napakamot na lamang siya sa ulo nang maitayo na siya nito kahit na wala pa siya sa huwisyong bumangon. Sa totoo lang, pakiramdam niya ay napagod siya mula sa kanyang pagtulog. Para bang may ginawa siya sa kanyang panaginip na apektado ang kanyang katawang-tao.

"Espren naman! Hindi mo ba napansin kanina na binabangungot ako?" Kunot-noo niyang tanong.

"Weh?! Di nga?!" walang kagana-gana nitong tugon nang bitawan siya. Prente  itong naupo sa isang upuan sa balkonahe at nagtingin-tingin ng mababasang magazine.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon