Hindi naman nabigo si Migz na isama si Lizette dahil more than willing naman daw itong sasama sa kanya. Nakapagpaalam na rin naman siya sa kanyang boss at binigyan naman siya nito ng dalawang linggo upang magawa ang kanyang research. Ipinaalam na rin niya si Lizette at pumayag naman ito mainam daw na may katuwang siya para matulungan siya nito.
Kaya ngayon ay busy na siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Mamayang alas-otso niya nakatakdang sunduin ang dalaga sa bahay nito.
Naisip niyang mas masaya sana kung makakasama nila si Nathalia, ang kaso nga ay busy ito. Hindi na nga niya ito nakita sa kanilang faculty dahil gaya nga ng sinabi nito ay nasa Zoo ito. Kaya tinawagan na lamang niya ito, at halata sa tono ng boses nito na sobrang tuwang-tuwa ito dahil sa wakas at nagawa na nito ang matagal na nitong gustong gawin. Pagkuwa'y naalala niya si Joaqui, madalas kasi itong aaligid-aligid sa kanyang espren.
Hindi naman sa nagseselos siya, gusto lamang niyang maprotektahan si Nath dahil dalawang linggo siyang mawawala. Ang kaso lang ay baka kapag pinaalalahanan niya ito ay magkaroon pa ito ng ibang pagpapakahulugan na sa tingin naman niya ay malabong maisip ni Nath. Siya lang talaga ang mahilig magbigay-kahulugan. Ang kaso ay napagpasyahan na lang niya na hindi na lang magsabi ng kung anong bagay na mami-misunderstood nila pareho. Pinaalalahanan na lamang niya ito na mag-ingat habang wala sila ni Lizette 'noong tinawagan niya ito.
Natapos na rin siyang mag-ayos ng kanyang mga gamit. He sealed his files into a ziplock then put it on his sling bag. Mahirap ng mabasa ang mga iyon. He looked at the wall clock, "Seven," he sighed.
He just got his pants and polo shirt ready before entering to the bathroom to take a shower. Mabilis lang naman siya maligo at mag-ayos ng kanyang sarili. And after that, he would gonna call Lizette to ask if she was ready.
Fifteen minutes after, he was done with everything. Nakontak na rin niya si Lizette at sa tono ng boses nito ay halatang mas excited pa ito sa kanya. Bilisan na daw niya at kanina pa tapos ang dalaga. So, after checking the windows and doors if he already locked those, he made his way to fetch Lizette.
"What took you so long?" Lizette nagged him right after he parked his car.
Bumaba siya sa kanyang kotse para tulungan itong maikarga ang mga gamit nito sa compartment. Isang maliit na maleta lang naman at sling bag ang bitbit nito.
"For your info, Liz. I arrived early than the call time. So, what are you talking about what took me so long?" natatawa niyang sagot. Medyo praning ngayon si Lizette, sa isip-isip niya.
Hindi pa siya nito sinagot dahil umikot siya sa kabila nang maalalayan itong makasakay sa passenger seat.
Nang makapwesto na rin siya sa driver's seat ay tsaka ito nagsalita. "Yeah. You're early, sorry. Excited lang kasi ako e."
"Yeah. It's obvious."
Pareho silang natawa. Di nagtagal ay bumyahe na sila. Aabutin sila ng sampung oras bago makarating sa Banawa, ang probinsya nila Migz.
Dalawang oras ang lumipas. They had a stop over on a gasoline station to gas up and at the same time, to eat dinner and rest for awhile. Pareho pala silang hindi pa naghahapunan kaya nang sabay kumalam ang kanilang sikmura ay hindi na sila nagdalawang-isip huminto.
They both had cup noodles for their late dinner. Pareho din nilang ayaw kumain ng marami dahil baka huminto sila ng huminto para mag-cr, napakalayo pa naman ng kanilang lalakbayin kaya kung maari lamang sana ay dalawang beses na lang silang magsi-stop over mamaya. Kapansin-pansin ang pagkakasundo nila sa byahe.
BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Mystery / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...