Wala ng ibang nagawa pa si Samarra kundi ang manggigil na lamang at ang panaka-naka niyang pagpupumiglas. Nagpupuyos ang buong kalamnan niya sa sobrang galit. Iniikot pa niya ang kanyang mga mata baka sakaling may makita siyang makakatulong sa kanya para makawala. Hindi siya susuko! Hindi siya papayag na matatapos siya ng walang kalaban-laban. Marami na siyang napagdaanan kung saan maraming beses na rin niyang napatunayan na isa siyang malakas at kakaibang nilalang. Subalit ngayon sa kasamaang palad ay tanging pagtikom na lamang ng kanyang palad ang kanyang nagagawa.
Muli itong lumingon sa kanya. At nakita niya ang galit sa mga mata nito. "You were always the best, Samarra! You never failed! Bakit nga ba ikaw? When it was me who should have been the one to inherit that legacy!"
Naglabas ito ng isang patalim at itinapat sa kanyang pisngi. Ramdam na ramdam niya ang talim nang lumapat na iyon sa kanyang balat. Kasabay ng pag-agos ng kanyang dugo ay ang pagkatanggal ng busal sa kanyang bibig. "Now, let me hear you out."
She sighed. "I had never done anything to bring hatred on you, Euricka. We were bestfriends back then. Pero bakit ba bigla ka na lang nagkaganyan? Wala akong naaalalang ginawa kong masama laban sa'yo." Matapang niyang pahayag kahit pa natatakot siyang malaman ang katotohanan sa likod ng ipinapakita sa kanyang galit ng dati niyang matalik na kaibigan. Sigurado kasi siyang alam na alam niya kung ano ang dahilan, hindi lamang niya tuluyang matanggap.
"Vin told me everything.." May diing tugon nito. "Y-you killed Sander!" her voice cracked indicating that she was about to cry.
Napapikit siya. Tama nga ang kanyang hinala. Isang araw ay mangyayari ito. Isang araw ang kanyang mga naging kakampi at mga pinagsilbihan ay ang kanyang mga magiging kaaway. Isang araw ay magwawakas na ang kanyang buhay. Sa kamay ng mga dati niyang sinunod.
Sa kamay ng mga dati niyang pinuno!
Bakit nga ba hindi niya pinaniwalaan ang sariling pangamba bago niya sinunod ang ganong klase ng kautusan?
"I-I'm sorry. Ang mga Superiors natin ang nag-utos 'nun. At-- at--"
"At wala kang kinalaman, ganon? Bakit ganon? Lahat na lang kinukuha mo sakin? You know what, I've decided to let my mother's legendary name and her title to be given to you because I knew that you deserved it. Pero nang patayin mo si Sander, hindi ko na kaya! Why you're so selfish?" narinig niya ang paghikbi nito.
Kahit na naiinis siya sa pakikialam nito sa kanya at kay Migz ay hindi niya pa rin ito masisisi kung maghiganti man ito sa kanya. Alam niya nag kanyang nagawang mali. Pero alam na alam din ng NASA ITAAS na hindi niya sinasadya ang mga nangyari.
Tumikhim ang kanilang Superior. Nasa loob sila ng isang silid kung saan laging nagaganap ang kanilang pagpupulong. Ngunit sa ngayon ay siya, si Vin at si Superior Hunter lamang ang nasa loob ng silid na iyon.
Alam na niya ang ganitong eksena. May importante na naman siyang assignment at kailangan niyang gawin iyon sa lalong madaling panahon. She's no Double-Aces anymore. Marami ng buhay ang dumaan sa kanyang mga kamay kaya hindi na siya natatakot pang harapin ang bawat pagsubok na ipapagawa sa kanya.
"Your next target, Sander Flack. Do you still want to know his background?"
Umiling siya. Alam na niya ang Flack family tree. Mahirap sugpuin ang mga ito dahil talagang bantay sarado. Marunong rin manlaban. Pero hindi nila nakakaya ang kakayahan niya kaya marami-rami na rin ang nababawas sa clan na iyon.
Gaya nila ay may itinayo rin na secret society ang mga iyon. Marami na nga lang nabawas dahil mas mabilis silang kumilos.
"Bigyan niyo na lang ako ng information kung saan ang mga hideouts niya. Don't waste time." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Misterio / Suspenso***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...