Ang inaasahan niyang mangyayari ay hindi nangyari. Ikatlong gabi na sana ng pagkikita nila ng estrangherang iyon subalit naging mahimbing lang ang kanyang pagtulog. Hindi siya nakakita ng anino sa may pintuan kung saan dadalhin siya nito sa batis. Wala siyang kakaibang naramdaman. Wala siyang estrangherang nakita't nakausap. Walang naging palaisipan sa kanyang mga salita na galing dito.
Ngunit palaisipan naman sa kanya kung bakit hindi nangyari ang bagay na kanyang inaasahan.
Mau kutob siyang marahil ay natakot niya ito noong huling gabi ng kanilang pagkikita. Hindi naman niya sinasadya madala siya ng kanyang emosyon at mahawakan niya ito sa braso ng mahigpit. Hindi niya sinasadyang maipakita dito ang kanyang galit. Natural lang naman na magalit siya sapagkat isang malaking pasabog ang kanyang nalaman. Siguro naman naintindihan nito ang bagay na iyon at ganun na ganun din ang mararamdaman nito kapag nasa sitwasyon niya ito.
Subalit nakatitiyak siyang matino na siya mag-isip sa pagkakataong ito. Kaya nasisiguro niyang hindi na niya muling magagawang manakit ng babae dahil magagawa na niyang makontrol ang kanyang emosyon. Actually, it was his first time to hurt a girl. Nawala lang siya sa kanyang sarili dahil hindi niya natanggap na dapat pala ay pinagkatiwalaan niya ang kanyang namayapang kasintahan. Nagsisisi siya dahil palagay niya'y wala siyang kwentang nobyo dahil kahit konti ay hindi man lamang niya pinaniwalaan ang kanyang kasintahan. Wala namang ibang dapat sisihin sa mga pangyayari kundi ang kanyang sarili lamang! Kaya hindi dapat siya magalit sa estranghera!
Nabulabog siya sa kanyang malalim na pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya sa screen ang pangalan ng kanyang espren nang tingnan niya iyon. Napahinga siya ng maluwag dahil ilang araw din silang walang kontak ng kanyang matalik na kaibigan at gusto niyang makibalita dito kung ano na ring nangyari sa proyekto nito.
Sinagot niya ang tawag, "Oh, espren! Buti naman at napatawag ka. Long time no communication, ah?! Kamusta ka na?"
"Okay lang naman ako. Kayo diyan? Pagdating niyo dito marami akong iku-kwento sa inyo. But for the meantime I want to know how's your work? Natagpuan niyo na ba ang Sitio Karoon?"
"Oo naman. Sa katunayan nga apat na araw na kaming nandito. Tsaka, maganda naman ang itinatakbo ng trabaho ko." nakangiti niyang balita.
Ganun na lamang din ang paglaho ng ngiti sa kanyang mga labi sa muling pahayag ni Nathalia, "Nagtataka lang ako, kasi ang Gerona ang dating Sitio Karoon."
He felt like he had lost all his blood. He barely spoke out a word. "B-baka naman nagkakamali ka lang espren?" Pagtataka niya.
"Hindi. Nag-research ako para makatulong sa'yo. Nag-research din ako about sa Banawa Province kung meron din bang Sitio Karoon diyan, dahil diyan nga kayo nagpunta. P-pero, wala naman."
Mas lalo siyang natulala sa nalaman. P-paano nangyaring hindi ito ang Sitio Karoon? Hindi naman magsisinungaling ang lola ko sa akin. Alam ko, hindi siya magsisinungaling sakin. sabi ng kanyang isip.
Paniwalang-paniwala nga naman siya sa kwento ng kanyang lola. Siyempre, lola niya ang nagpalaki sa kanya kaya kahit anong sabihin nito ay hindi naman siya magdududa. Hindi naman siya nito ipapahamak. Kahit kailan ay hindi siya nito nagawang ipahamak. Kahit kailan ay hindi ito nagsinungaling sa kanya.
Pero paano naman si Nathalia? Matagal na niya itong bestfriend at naniniwala rin siya dito. Naniniwala siyang hindi rin siya nito ipapahamak. Half of himself did believe his bestfriend. Alam niyang tumutulong lang sa kanya ang kaibigan. At kung ano man ang nai-research nito na sinasabi nito sa kanya ngayon, alam niyang sigurado dito si Nathalia.
BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Misteri / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...